Ang DWRR-FM (binibigkas bilang DW-double-R; 101.9), at sumahimpapawid bilang MOR 101.9, ay isang komersyal na himpilang panradyo na pag-aari ng ABS-CBN Corporation na dating pinamamahalaan ng Manila Radio division at ng Star Creatives Group. Ito ang pangunahing himpilang FM ng MOR Philippines at ang nangungunang istasyong panradyo sa Metro Manila, Mega Manila pati na rin sa buong Pilipinas ayon sa KBP Radio Research Council. [2] Ang mga studio nito ay matatagpuan sa ABS-CBN Broadcasting Center, Sgt. Esguerra Ave., corner Mo. Ignacia Ave., Diliman, Quezon City, at ang 22.5 kW FM stereo transmitter ng istasyon ay matatagpuan sa Eugenio Lopez Center, Santa Cruz, Sumulong Highway, Antipolo, Rizal .

DWRR-FM (MOR 101.9)
Talaksan:MOR 101.9 Logo 2018.svg
Final Logo of MOR 101.9 Manila
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod Quezon, Pilipinas
Lugar na
pinagsisilbihan
Mega Manila at karatig-probinsya
Frequency101.9 (Multiplex FM Stereo) (also on HD Radio)
TatakMOR 101.9 My Only Radio For Life! Manila
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatDi-aktibo
NetworkMOR Philippines
Pagmamay-ari
May-ariABS-CBN Corporation (1956–1972, 1986–2020)
Banahaw Broadcasting Corporation (1973–1986)
Prime Media Holdings, Inc. (2024–present)
Philippine Collective Media Corporation (2024–present)
DZMM Radyo Patrol 630
ABS-CBN 2
S+A 23
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1956
Huling pag-ere
Mayo 5, 2020
Dating call sign
  • DZYL-FM (1956–1960)
  • DZYK (1960–1968)
  • DZMM-FM (1968–1972)
  • DWWK (1973–1984)
  • DWOK (1984–1986)
  • DWKO (1986–1987)
  • DZOO (1987–1989)
Dating frequency
102.1 MHz (1956–1968)
101.1 MHz (1968–1972) [1]
Kahulagan ng call sign
Radio Romance (dating pangalan)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassB, C, D, E
Power25,000 watts (On operational: 22,500 watts)
ERP56,250 watts; Max ERP dedicated: 100–180+ KW
Link
WebsiteArchived official website sa Wayback Machine (naka-arkibo 2020-10-30)

Ang DWRR ay itinatag noong 1956 bilang isa sa mga istasyon ng radyo ng Chronicle Broadcasting Network (ngayon ay ABS-CBN). Ito ay muling binuhay noong 1986 at ilang beses na na-reformat. Noong Mayo 5, 2020, huminto ito sa pagsasahimpapawid, kasama ng mga istasyong pantelebisyon at iba pang mga himpilang panradyo nito sa buong, kasunod ng utos na pagpapatigil nito sa pag-ere na inilabas ng National Telecommunications Commission dahil sa pagkapaso ng prangkisa ng ABS-CBN upang sumahimpapawid. [3] Pormal na huminto ang operasyon ng himpilan noong Agosto 28, 2020, bilang resulta ng pagkakabasura ng prangkisa ng Kongreso noong Hulyo 10, 2020. [4] [5]

Kasaysayan

baguhin

DZYL-FM/DZYK-FM/DZMM-FM (1956–1972)

baguhin

DZYL-FM 102 MHz, na kalaunan ay pinangalanang DZYK-FM 102.1 MHz, ay ang kauna-unahang istasyong FM sa Pilipinas at nag-iisang himpilang panradyo sa FM ng dating Chronicle Broadcasting Network (CBN). Itinatag ito noong 1956 at kabilang sa pormat nito noon ay ang pagpapatugtog ng pinakabagong mga kanta noong panahong iyon. Noong 1957, binili ng CBN ang Alto Broadcasting System (ABS), na nagresulta sa pagsasanib-puwersa nito sa ilalim ng pangalang Bolinao Electronics Corporation, na binago noong 1967 upang maging ABS-CBN Broadcasting Corporation. Ang istasyon ay sumikat sa mga tagapakinig sa lugar ng Greater Manila. Noong 1968, lumipat ang DZYK-FM sa 101.9 MHz at binago ang callsign nito bilang DZMM-FM.

DWWK-FM/OK 101 (1973–1986)

baguhin

Ang DZMM-FM ay nanatiling istasyong panradyo sa FM ng ABS-CBN hanggang 1972, ngunit nang ideklara ni Ferdinand Marcos ang batas militar at lahat ng istasyon ng ABS-CBN, kabilang ang dalawang himpilang pantelebisyon at anim na himpilang panradyo sa AM sa Maynila, ay isinara ito. Ang istasyon ng FM ay muling binuksan, ngunit sa ilalim na ng Banahaw Broadcasting Corporation noong 1973 at muling pinalitang ang tawag-letra (callsign) ng istasyon bilang DWWK-FM. Bilang DWWK-FM, ang istasyon ay naging mas kilala sa format na jazz nito (1979 hanggang 1984). [6] Kabilang sa mga naging DJ ng istasyon ay sina Jing Magsaysay, Wayne Enage, Ed Picson, Dody Lacuna, Ronnie Malig, Pinky Villarama and Ronnie Quintos. Noong 1985, binago muli ang tawag-letra nito bilang DWOK-FM, at nagpalit muli ng pormat at binansagang, unang "AM-formatted" na istasyon ng FM, na nagtatampok ng mga balita, mga programang panserbisyo publiko, at musika mula sa mga nakaraang taon. Naging kabilang din si Helen Vela sa DWOK kasama ang kanyang sikat na programa na Lovingly Yours, Helen .

Knock Out Radio (1986–1987)

baguhin

Noong 1986 People Power Revolution, ang mga istasyon ng radyo at TV na kontrolado ng gobyerno ay nilusob ng mga repormistang rebelde at ang DWOK, DWAN (dating kilala bilang DWWA) at BBC-2 ay isinara, at noong Hulyo, pagkatapos ng pagbagsak ng rehimeng Marcos, ibinalik ng bagong tatag na Presidential Commission on Good Governance ang DWOK kasama ang DWWW (630 kHz) sa ABS-CBN. Binago muli ang callsign at nakilala na bilang DWKO at muling sumahimpapawid noong Hulyo 16. Si Lito Balquiedra Jr., Bise-Presidente para sa Radyo, ang nanguna sa pagbabalik ng network sa local broadcasting scene. Ang dating disc jockey ng istasyon na si Peter Musñgi (na kilala noon bilang Peter Rabbit) ay naging voice-over ng network at nagpahayag ng bagong slogan ng istasyon, "Panalo Ka Talaga!" . Nagsimulang mag-broadcast ang sister station na DZMM 630 noong sumunod na linggo.

Ang network ay nagsimulang kumuha ng mga bago at subok ng mga empleyado at DJ. Noong Setyembre 14, 1986, natapos ang testing period ng istasyon at muling inilunsad bilang DWKO-FM sa ilalim ng pangalang Knock-Out Radio 101.9, ang unang istasyon ng radyo ng FM na may format na AM. Sumahimpapawid ito araw-araw mula 5:00 am hanggang 2:00 am, kabilang sa naging pormat at pinatugtog ng istasyon ay ang pinakabagong Pinoy hits ng mga artista tulad nina Rico J. Puno, Yoyoy Villame, at APO Hiking Society, gayundin ang mga OPM stars tulad nina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Janno Gibbs, at Donna Cruz. Sa araw rin na ito ay muling sumahimpapawid ang ABS-CBN, ang parent company nito.

Halos limang buwan lamang ito tumagal at huling sumahimpapawid ang DWKO-FM noong Pebrero 28, 1987.

Zoo FM (1987–1989)

baguhin

Nang sumunod na araw, Marso 1, 1987, na-reformat ang istasyon bilang Zoo FM 101.9 (DZOO-FM; binibigkas bilang DZ-double O-FM), na may logo na hugis-brilyante at may pormat na uptrend pop. Naging islogan ng istasyon ang Hayop Talaga! at ito ay minanduhan ng grupo ng walong DJ na sina George Boone, Jeremiah Jr., Bob Curry, Bill O'Brien, Andy Santillan (aka Dave Ryan, na kalaunan ay knailala bilang "The Unbeatable"), at Joe Monkey. Kabilang din sa pinatutugtog ng istasyon ang disco music, top 40 at OPM hits ng mga bituin tulad nina Gary V, Randy Santiago, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta, lalo na noong ipinatupad ang Executive Order No. 255 ni Pangulong Corazon Aquino .

Kasama sa mga naging karibal nito ang The Giant 97.1 WLS-FM (ngayon ay Barangay LS 97.1), 99.5 RT (ngayon ay 99.5 Play FM), Magic 89.9, 89 DMZ (ngayon ay Wave 89.1 ), at NU 107 (ngayon ay Wish 1075 ). Sa huli, sa kabila ng muling pag-ariba ng ABS-CBN, na noong 1988 ay nakatungtong na sa unang puwesto sa industriya ng telebisyon, ang pangingibabaw ng WLS ang naging dahilan upang mamaalam ang Zoo FM. Hatinggabi ng gabi ng Hulyo 15, 1989, pormal na nagwakas sa pag-ere ang istasyon.

Radio Romance (1989–1996)

baguhin

Nag-sign off ang Radio Romance sa huling pagkakataon noong Abril 28, 1996.

WRR 101.9 (1996–2009)

baguhin

Noong Abril 29, 1996, muling nagbago ng pangalan at pormat ang DWRR at mula sa easy-listening ay sumentro sa mainstream pop music ang format nito at sumahimpapawid at nakilala sa tatak na WRR 101.9. Ito rin ang kauna-unahang istasyong panradyo sa FM na magbrodkast ng buo (fully broadcast) sa wikang Filipino, upang makipagkumpitensya sa mga karibal nitong istasyon na gumagamit ng wikang Ingles, gaya ng GMA Network's Campus Radio 97.1 WLS, Magic 89.9 and 99.5 RT. (Bago ito, ang wika ng lahat ng istasyon sa FM sa Maynila ay bumabase o gumagamit lagi ng wikang Ingles. Ang inisyal na islogan ng WRR ay All the Hits, All the Time!. Noong Nobyembre 2, 1998, ginamit na nito ang tagline na For Life! (halaw mula sa kapatid nitong istasyon sa Cebu.)

Sa huling bahagi ng taong 1999, inilipat ang kagamitang pang-transmitter ng DWRR mula sa ABS-CBN Broadcast Center sa bago nitong transmitter tower sa Eugenio Lopez Center sa Lungsod ng Antipolo.

Noong Hulyo 2005, ang tatak na WRR ay tinanggal mula sa pangalan ng istasyon at binago ang islogan nito tungo sa Alam Mo Na 'Yan!. Noong Nobyembre 2008, binago muli ito tungo naman sa islogang Bespren! (halaw mula sa salitang Ingles na Bestfriend!).

Sumahimpapawid sa huling pagkakataon ang istasyon na gamit ang tatak na 101.9 For Life! noong Setyembre 19, 2009, at sumailalim sa transisyon bilang paghahanda sa muling paglulunsad ng DWRR-FM tungo sa bago nitong pangalan noong Oktubre 1, 2009. Subalit, dahil sa naging epekto ng Bagyong Ondoy (Ketsana) sa Maynila, ipinagpaliban ito ng istasyon pansamantala, habang ang istasyon ay pansamantalang ginamit ang tatak na "ABS-CBN 101.9 FM" o "101.9".

Tambayan (2009–2013)

baguhin

MOR For Life! (2013–2020)

baguhin
Talaksan:MOR1019logo2014.png
Dating logo ng MOR 101.9, Enero 1, 2014 – 2017

Noong hatinggabi noong Hulyo 8, 2013, ang 101.9 FM ay nagbago muli ng pangalan at kinilala na bilang MOR 101.9 My Only Radio For Life! . [7] Nagsimula ang pormal na pagsasahimpapawid nito noong 5:00 am, kasama sina Joco Loco, Maki Rena at Eva Ronda. Mga DJ mula sa WRR 101.9 For Life! (Toni, China Heart, Reggie Valdez, Martin D., at Geri) ay naging bahagi pa rin ng on-air team, gayundin ang mga DJ mula sa dating Tambayan 101.9 na sina Charlie, Jasmin, Arnold Rei, Bea, ChaCha (Czarina Marie Balba), at Onse (Onse Tolentino). Ang rebranding ay lumikha ng isang pinag-isang tatak sa ilalim ng MOR para sa mga istasyon ng radyo sa FM ng ABS-CBN sa buong bansa at bumalik sa slogan na "For Life" na unang ginamit noong WRR 101.9 For Life! kapanahunan. Kasabay nito, pinasimunuan ng istasyon ang mukha ng drama broadcasting sa FM band sa pamamagitan ng paglulunsad ng daily drama anthology program na Dear MOR .

Noong Hunyo 2018, ang MOR Manila at ang mga rehiyonal na istasyon nito ay nag-anunsyo ng karagdagang rebrand bilang MOR Philippines, upang ikonekta ang 101.9 at ang mga istasyong panlalawigan nito na may pinag-isang tatak ng programa at malakas na pagpili ng musika; kaya, ang bagong tagline na "One Vibe, One Sound." [8] Nagsimula ang mga pambansang programming block noong Agosto 11, 2018, sa paglulunsad ng Dyis Is It at MOR Presents kasama si David Bang.

Noong Hunyo 1, 2019, inilipat ang MOR 101.9 video streaming sa Sky Cable Channel 239 mula sa Sony Channel Asia . Mapapanood din ito sa Channel 240 (MOR 97.1 Cebu) at Channel 241 (MOR 103.1 Baguio).

Noong Marso 2020, bilang tugon sa pinahusay na mga regulasyon sa quarantine ng COVID-19 at ang mga epekto nito sa staffing, nagpatupad ang istasyon ng pinaliit na operasyon ng programming; nagsimula rin itong makipag-hook sa kapatid nitong AM-station na DZMM Radyo Patrol 630 sa parehong araw.

Pagsara

baguhin

References

baguhin
  1. "G.R. No. 133347". Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 4, 2014. Nakuha noong Hunyo 23, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "KBP Radio Research Council".
  3. "ABS-CBN to go off air in compliance with NTC order". Mayo 5, 2020. Nakuha noong Mayo 5, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Baron, Gabriela (Hulyo 16, 2020). "Ces Drilon among ABS-CBN layoffs; MOR 101.9 signs off". Manila Bulletin. Nakuha noong Hulyo 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "House committee denies ABS-CBN a new franchise". Hulyo 10, 2020. Nakuha noong Hulyo 10, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Jazz the way you are". Daily Tribune. May 23, 2020. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Septiyembre 16, 2020. Nakuha noong August 25, 2021. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  7. 101.9 For Life launches new radio station jingle ABS-CBN News.
  8. "MOR stations nationwide unite for stronger MOR Philippines". abscbnpr.com (sa wikang Ingles). abscbnpr.com. Hunyo 1, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 25, 2018. Nakuha noong Hunyo 3, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unfit URL (link)
baguhin

Coordinates needed: you can help!