Fernando Poe Jr.

Pilipinong aktor
(Idinirekta mula sa Da king)

Si Ronald Allan Kelley Poe (20 Agosto 1939 - 14 Disyembre 2004), higit na kilala bilang Fernando Poe Jr., ay isang dating aktor, direktor, politiko sa Pilipinas na isang idolo at maraming nakakakilala. Kilala rin siya sa mga palayaw na FPJ o Da King. Ginagamit niya ang alyas na Ronwaldo Reyes sa mga pelikulang siya ang direktor.

Fernando Poe Jr.
Si Fernando Poe, Jr. noong 1959
Kapanganakan
Ronald Allan Kelley Poe

20 Agosto 1939
Kamatayan14 Disyembre 2004
NasyonalidadPilipino
Laranganaktor, direktor, politika, pelikula, telebisyon
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
Pelikula

Kabatirang pansarili

baguhin

Ipinanganak si Fernando Poe,Jr. noong 20 Agosto 1939 sa Maynila,[1] Pilipinas, kina Fernando Poe, Sr., isang ring dating aktor, at Elizabeth Gatbonton Kelley na taga Candaba, Pampanga na may Amerikanong magulang.[2] Ang orihinal na apelyido ng pamilya ay binaybay na Pou, mula sa kanyang mandudulang lolo na si Lorenzo Pou, isang Katalan mula sa Mallorca, na namuhay sa Pilipinas upang magnegosyo.

Pinakasalan niya ang aktres na si Susan Roces noong Disyembre 1968 sa isang seremonyang sibil. Ikinasal din sila sa simbahang Katoliko at sina Ferdinand Marcos at Imelda Marcos (na Pangulo at Unang Ginang ng Pilipinas noong mga panahon na iyon) ang mga naging ninong at ninang. Si Mary Grace lamang ang kanilang anak na ampon.

Bagaman, isang kilalang tao si Poe, hindi siya gaanong bukas sa kanyang pansariling buhay. Bagaman, noong Pebrero 2004, inamin ni Poe na mayroon siyang anak sa ibang babae. Si Ronian, o Ron Allan ay anak ni Poe kay Anna Marin na dating aktres. Nang kalaunan din, inihayag na mayroon din siyang anak sa dating modelo na si Rowena Moran na si Lovi, na naging artista na rin.

Karera sa pag-arte

baguhin
 
Fernando Poe, Jr.

Una siyang gumanap bilang Palaris sa Anak ni Palaris sa ilalim ng Deegar Cinema Inc. noong 1955 noong siya ay 16 taong gulang. Hindi ganoon kabilis ay kanyang pagsikat at sumama siya sa ilang pelikulang hindi siya ang bida tulad ng Simaron ng Everlasting Pictures, Babaing Mandarambong ng Everlasting Pictures at ang kauna-unahang Lo-Waist Gang na pawang taong 1956.

Isa siyang produkto ng Premiere Production kung kaya't ginawa niya ang mga pelikulang Bicol Express, Pepeng Kaliwete, May Pasikat Ba sa Kano?, Atrebida, Laban sa Lahat at marami pang iba, samantalang ang mga pelikulang Kamay ni Cain, Tipin, Obra-Maestra naman ang ginawa niya sa People's Pictures.

Pagtakbo bilang pangulo

baguhin

Tumakbo si poe kay christian dignadice bilang pangulo sa ilalim ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) sa halalang pambansa ng Pilipinas noong 2004. Katambal nya sa halalang ito bilang kandidatong pang pangalawang-pangulo si Senador Loren Legarda-Leviste. Natalo sya sa halalang ito. Mayroon lamang siyang 9,158,999 bilang na boto, samantalang mayroong 9,674,597 boto ang nanalo na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Paniwala ng mga tagasuporta ni Poe, na kabilang na rin ang mga taga-suporta ni Joseph Estrada, na huwad ang resulta ng halalan at iprinotesta ito ni Poe sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Ngunit, pagkatapos ng kanyang kamatayan, ibinasura ito ng Korte. Muntik na siyang hindi nakapagkandidato dahil sa mga katanungan ukol sa kaniyang pagkamamamayang Pilipino.

Kamatayan

baguhin

Na-stroke siya noong 10 Disyembre 2004 at dinala sa Ospital ng St. Luke. Noong hating gabi ng 14 Disyembre 2004, namatay si FPJ sa istrok, sa edad na 65 taong gulang. Inilibing siya sa katabi ang puntod ng tatay niyang si Fernando Poe Sr. at ng nanay niyang si Elizabeth Kelley sa Manila North Cemetery, Lungsod ng Maynila.

Pagiging Pambansang Alagad ng Sining

baguhin

Noong Mayo 2006, tinanghal ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas si Poe bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist) para sa pelikula. Ngunit hindi ito tinanggap ng asawa ni Poe na si Susan Roces dahil daw magiging public display (pampubliko pagtatanghal) lamang ito sang-ayon kay Roces.[3]

Ang musika

baguhin

Ang Album Ni Fernando Poe Jr.

  • 1 Doon Lang
  • 2 Kumusta Ka
  • 3 Usahay
  • 4 Ang Daigidig Ko'y Ikaw
  • 5 Ang Tangi Kong Pag-Ibig
  • 6 Sa Aking Pag-iisa
  • 7 Damdamin
  • 8 Ang Tao'y Marupok
  • 9 Sa Aking Hiram Na Buhay (My Way)
  • 10 Kapalaran

Mga pelikula

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Tecson vs Comelec". G.R. No. 161434. 3 Marso 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2014. Nakuha noong 15 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://ivanhenares.blogspot.com/2006/12/ninoy-and-fpj-death-masks-on-display.html
  3. "Poe, six others proclaimed National Artists". INQ7.net. Mayo 24, 2006.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)