Dumagat
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
- Tungkol ito sa isang pangkat etniko sa Pilipinas, para sa ibong kamag-anak ng lawin, pumunta sa Dumagat (ibon).
Ang Dumagat ay isa sa mga katutubo o etnikong ng Pilipinas. Kasama sa mga kauri nila ang Ayta, Mangyan, Negrito. Ang Dumagat ay isa sa mahalagang pangkat upang pagtuunan ng pag-aaral ng pinagmulan ng lahing kayumanggi sa Pilipinas sa dahilang sila ang isa sa unang pangkat ng tao na nakarating sa kapuluang Pilipinas sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa.
Ang salitang "Dumagat" ay nagmula sa salitang "rumakat"/"lumakat" o "lumakad" na siyang nagpapatunay na sila ay lakad na dumating sa luson at di-tumawid sa dagat. Ang dumagat ay pinagsamang Negrito, Hindu at kayumanggi bunga ng pagdagsa ng iba-ibang lahi sa paglipas ng panahon.Sa katunayan, ang katawagang Tagalog ay nagmula sa sinaunang salita na ito at ayon sa mga matatanda na buhay at nakasaksi sa panahon ng 1950 sa Balara (ngayo'y Quezon City), ang salita na ipinapantukoy sa tao na nagsasalita ng Tagalog ay "Tageloy"! at ang pantukoy sa salitang ito ay siya nangang "Tagalog". Ang kanilang wika o salita ay may-pagkasinauna at ang pagbanghay at pagbaybay nito ay hindi pirmihan kundi pabagu-bago batay sa pinagmulan ng salita. Sila ay nasa ika-4 na rehiyon sa Luson sa mga lalawigan ng Rizal, Laguna, Bulacan at bahagi ng Quezon.Ang ibang pangkat katutubo ay may ibang bansag ay bahagyang naiiba sa mga dumagat. Sa kasalukuyan, ang dumagat ay nahahati sa dalawang pangkat, isa ang remontado o mestiso at ang isa ay ang puro o Agta. Ang tunay na Agtang Dumagat ay nasa kabundukan ng Sierra Madre at ang remontado ay nakatira sa mga mataong bayan sa Rizal at Quezon tulad ng General Nakar, Quezon at Infanta, Quezon.
Ang tawag sa kanilang wika ay sorot ni dumaghet o "e sorot pa dumaget.May tatlong anyo ang pangungusap nila, ang una ay ang "mangnih o mangnah" na pang isahang pangkat o tribu ,ang ikalawa naman ay "baybay" o usap pangkalahatan ng mga agta ni dumaget,at ang ikatlo ay ang "aya'" na gamit lang sa "pasubkal" o mga piling banal na awit. Ayon sa kanilang paniniwala, ang kanilang salita ay banal kaya ito ay pinanatili nilang lihim, at baka gamitin ng iba sa maling paraan.Ang tawag nila sa Dios ay " e makedepat", sa katotohanan ay "e kamatoden at sa kabutihan ay "kapionan".kaya naman mahalaga sa kanila ang pag iral ng katotohanan at katuwiran ukol sa mabuting kapakanan ng bawat tao.May pagbigkas sa kanila na mahalaga sa ating kamalayan gaya ng "inomeral e kamatoden ta katoweden ni makedepat deketamapesan de tabiang ni makedepat". Isa sa mahalagang aklat na naisulat sa wikang ito ay ang Bibliang nasa bayan ng General Nakar, Quezon. Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.