Eclesiastes

beynte-sa una libro ng Biblya, kompuwesto ng 12 mga kabanata
(Idinirekta mula sa Ecclesiastes)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ng Eclesiastes[1], Aklat ng Ecclesiastes, kilala rin bilang Aklat ng Mangangaral o Aklat ng mga Mangangaral[2] ay aklat sa Bibliyang Hebreo at Kristiyano. Matatagpuan ito sa Lumang Tipan ng Bibliya. Ang pangalang Eclesiastes (Ecclesiastes sa Ingles) ay hango sa saling Griyego ng pangalang Hebreo ng aklat na ito na Cohelet (o Qohelet)[1] na nangangahulugang "isang guro" o "isang mangangaral na nasa isang kapulungan." Isa ito sa mga huling aklat na natanggap sa kanon ng Eskriturang Ebreo. May ilang mga nalalabing kaputol o mga piraso nito ang natagpuang kasama ng Mga Balumbong mula sa Patay na Dagat (Ingles: Dead Sea Scrolls) sa Qumran.[3]

Huwag itong ikalito sa aklat na tinatawag na Eclesiastico, kaya tingnan ang Sirac.

Paglalarawan

baguhin

Nangangahulugan ang "Eclesiastes" ng diwang "ang nagtitipon ng isang kapulungan" o "ang mangangaral." Paksa at layunin ng sumulat ng aklat na ito ang pagtuturo ng kahalagahan ng buhay ng tao at ang pagtuturing na "walang kabuluhan ang lahat ng mga bagay-bagay sa ilalim ng araw." Puno ito ng mga pagmumuni-muni hinggil sa pagiging sayang lamang ng buhay ng tao at ng mga bagay sa buhay. Bagaman may damdaming pesimismo o makapagpatalo ng may-akda, pinayuhan niya ang sinumang babasa ng aklat na ito na maghanap-buhay na mabuti at puspusan na hindi naman lumalampas sa mga makakayang gawin, at ang kasiyahan ang mga biyaya mula sa Diyos hanggang sa abot ng makakaya.[3] Ayon kay Jose C. Abriol, walang kalinawan ang pagpapataw ng parusa at pagkakaloob ng gantimpala ng Diyos sa tao pagsapit sa kabilang buhay subalit ipinapaliwanag ni Hesukristo ang ganitong uri ng pangangaral sa Bagong Tipan,[1] bagaman walang anumang siping ginamit mula sa aklat na ito o pahiwatig man lang sa Bagong Tipan.[3]

May-akda

baguhin

Nagpakilalang si Salomon, na anak ni David at hari sa buong Israel, ang manunulat ng aklat na ito. Dahil ito sa katagang nasa unahan ng aklat na nagsasaad ng: "Anak ni David, hari ng Herusalem." Subalit may mga dalubhasa sa Bibliya na nagsasabing maaaring inakdaan ito ng isang Israelita noong ika-3 daantaon BK.[1] Ayon sa Reader's Digest, bagaman nasusulat sa katauhan ni Salomon ang unang bahagi ng aklat, hindi talaga nakikilala ang katauhan ng manunulat kung ibabatay sa paksa at wika; at namuhay ang taong ito mga ilang taon pagkalipas ng ilan pang daantaon, maaaring noong mga 350 BK.[3]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Eclesiastes". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Aklat ng mga Mangangaral, Ang Biblia, AngBiblia.net
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Reader's Digest (1995). "Ecclesiastes". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin