Ezekias

(Idinirekta mula sa Hezekiah)

Si Hezekias ( /ˌhɛzˈk.ə/; Hebreo: חִזְקִיָּהוּ‎ {{transl|he|H̱īzəqīyyahū}: "Si Yahweh ang aking Lakas o si Yahweh ang aking Kapangyarihan"}), o Ezekias,[a] (born c. 741 BCE ayon sa Tanakh ay isang hari sa Kaharian ng Juda. Siya ay anak ni Ahaz. Sa kapanganakan ni Hezekias, si Hezekias ay inilarawan ni Isaias na sumulat ng Aklat ni Isaias na haring magpapatuloy sa matuwid na pamumuno sa trono ni David sa Kaharian ng Juda (Kapitulo 9-39). Siya ay tinawag na "makapangyarihang diyos at prinsipe ng kapayapaan". Ayon sa 2 Hari 18, si Hezekias ay isang matuwid na hari na "walang katulad niya pagkatapos niya o bago niya" na dumalisay sa Templo ni Solomon, nagbalik ng pagsamba "lamang" kay Yahweh at wumasak sa mga Asherah(2 Hari 18; 2 Cronica 29). Sa panahon ni Hezekias, ang kapayapaan ay sinabi ring mananaig sa Juda(Kapitulo 9-39; 39:8).

Hezekias
Ezekias
Guhit ni Hezekias ni llaume Rouillé]] Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553
Hari ng Kaharian ng Juda
Panahon
  • different theories:
  • * coregency with Ahaz 729 BCE (?)
  • sole reign 716/15–697 BCE
  • coregency with Manasseh 697–687/86 BCE (?)
  • * 697-642 BCE
Sinundan Ahaz
Sumunod Manasses ng Juda
Asawa Hephzibah
Anak
Ama Ahaz
Ina Abijah o Abi
Kapanganakan c. 739/41 BCE
malamang Herusalem
Kamatayan c. 687 BCE (aged 51–54)
malamang ay Herusalem
Libingan Herusalem
Pananampalataya Hudaismo, Yahwismo

Ayon sa Bibliya, nasaksihan ni Hezekias ang pagkawasak ng Kaharian ng Israel (Samaria) ni Sargon II ng Asirya c. 722 BCE at hari ng Juda sa pagkubkob ng Asirya ni Sennacherib ca. 701 BCE. Siya ay inalalarawan sa Bibliya na pagtatag ng isang malawakang reporma sa relihiyon kabilang ang istriktong mandato ng tanging pagsamba lamang Yahweh at pagbabawal ng pagsamba ng ibang mga Diyos sa Templo ni Solomon. Ayon sa 2 Hari 18:4-5," Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga haligi ng Diyosang si Ashera at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel. Ito ay tinawag na Nehushtan. Si Hezekias ay nagtiwala sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Walang katulad niya sa lahat ng mga hari ng Kaharian ng Juda bago niya o sumunod sa kanya."

Ito ay salungat sa 2 Hari 23:25 tungkol sa hari ng Kaharian ng Juda na si Josias na " At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya o pagkatapos niya na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya, at ng buong kaluluwa niya, at ng buong kapangyarihan niya, ayon sa buong kautusan ni Moises; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya." Ayon kay Hölscher, kinopya ng kalaunang editor ng 2 Hari ang 18:5 at nilapat ito kay Josias a na inaayunan rin ng iskolar na si Weippert.

Kuwento ayon sa Tanakh

baguhin

Laban sa pananakop ng Imperyong Neo-Asirya, ang magkaaway na mga kahariang ng Syria at Kaharian ng Israel (Samaria) ay bumuo ng alyansa(2 Hari) 22:1). Bago nito, humingi ng tulong si Ahab sa hari ng Kaharian ng Juda na si Jehoshaphat laban sa Syria(2 Kronika 18:3). Bagaman namatay si Ahab, ipinagpatuloy ni Jehoshaphat ang pakikipagtulugan sa mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) na sina Jehoram at Ahazias. Sa sumunod na siglo, naging basalyo ng mga Asiryo ang mga hari ng Israel at Syria. Ang hari ng Israel na si Menahem ay pumayag na maging basalyo ng Asirya. Si Pekah na pinuno ng hukbo ng Israel ay sumunggab sa trono ni Pekaiah na anak ni Menahem. Tumanggi si Pekah na maging basalyo ng Asirya at kasama ng Syria ay naghimagsik laban sa Asirya. Gayunpaman, alam nilang ang kanilang koalisyon ay walang kakayahan na talunin ang mga Asiryo at sinikap na bumuo ng koalisyon sa ibang mga bansa. Tanging ang hari ng Kaharian ng Juda na si Ahaz ang tumanggi na sumapi sa koalisyong ito. Dahil dito, sinikap nina Pekah at hari ng Aram-Damasco na si Rezin na palitan si Ahaz at ilagay ang anak ng isang taong nagngangalang Tabeel(Aklat ni Isaias 7:6). Sinalakay ng dalawa ang Kaharian ng Juda(1 Cronica 28, 2 Hari 16:6). Sa takot ni Ahaz, humingi siya ng tulong sa Asirya(2 Hari 16:7-8) at nagbigay ng tributo dito. Ayon sa 2 Hari 16:9, pinatay ng hari ng Asirya si Rezin ngunit walang ebidensiyang arkeolohikal na sumusuporta dito. Ito ay salungat sa 2 Cronica 28:20-21 na nagsalaysay na hindi tinulungan ng Asirya si Ahaz. Ang Israel ay naging basalyo ng Asirya. Pinatalsik ni ni Tiglath Pileser si Pekah at ipinalit si Hoshea na pumayag na maging basalyo ng Asirya. Pinatay ni Hoshea si Pekah. Pagkatapos mamatay ni Tiglath Pileser, tumanggi si Hoshea na magbigay ng tributo sa Asirya. Kinulong ng sumunod na haring si Shalmaneser V si Hoshea at kinubkob ang Kaharian ng Israel (Samaria). Ipinagpatuloy ng sumunod na haring si Sargon II ang pagsalakay sa Israel at ipinatapon ang mga mamamayan nito noong ca.722 BCE. Sa pag-upo sa trono ni Hezekias, ito ay napilitang sumali sa alyansa sa Sinaunang Ehipto laban sa Asirya. Tinuglisa ni Isaias ang alyansang ito (Kapitulo 28-30). Nang ca. 701 BCE, sinalakay ng hari ng Imperyong Neo-Asirya na si Sennacherib ang Herusalem ngunit ito ay umurong. Ito ay tinukoy sa Aklat ni Isaias na isang milagro ngunit ayon sa rekord ng Asirya, ang isang himagsikan ay sumiklab sa Babilonya nang taong iyon at patuloy na tinutugis ng mga Asiryo si Marduk-apla-iddina II. Pagkatapos ng pagsalakay ni Sennacherib, si Hezekias ay nagkasakit ngunit pinangakuan ng karagdagang 15 taon sa kanyang buhay(Aklat ni Isaias 20:6) at ang anino sa hagdan ay lumipat sa kabilang direksiyon(Isa. 38:8) Nang malaman ito ng hari ng Babilonya na si Marduk-apla-iddina II (na tinalo ni Sennacherib sa unang kampanya nito laban sa Babilonya) nagpadala siya ng mga sugo kay Hezekias upang makiusyoso at pinakitaan ni Hezekias ang mga ito ng lahat ng mga kayamanang kanyang nalikom. Dahil dito, sinuway siya ni Isaias at sinabing ang lahat ng mga kayamanang ito ay kukunin ng mga Babilonyo sa Lungsod ng Babilonya (Isaias 39).

Tingnan din

baguhin

Talababa

baguhin
  1. Hebreo: חִזְקִיָּ֫הוּ, חִזְקִיָּ֫ה, יְחִזְקִיָּ֫הוּ, Moderno: H̱īzqīyyáhu, H̱īzqīyyá, Yəẖīzqīyyáhu, Tiberiano: Ḥīzəqīyyāhū, Ḥīzeqīyyā, Yeḥīzeqīyyāhū; Acadio: 𒄩𒍝𒆥𒀀𒌑 Ḥazaqia'ú (ḫa-za-qi-a-ú); Sinaunang Griyego: Ἐζεκίας (Septuagint: Εζεζία) Ezekias (Ezezía); Latin: Ezechias; Ḥizkiyyahu o Ḥizkiyyah

Mga sanggunian

baguhin