Himagsikan sa Pilipinas (1969–kasalukuyan)

Ang Himagsikan sa Pilipinas (1969–kasalukuyan) ay ang pakikipagdigma ng iba't-bang mga armadong grupo laban sa pamahalaan ng Pilipinas. Bagamat ang ibang grupo ay nagsimula noong 1960, 1969 lamang nagsimula ang pakikidigma. Kilalang may koneksiyon ang lahat ng mga armadong grupo sa isa't isa ngunit ang magkaugnay na pakikidigma ng mga Komunista at mga Muslim na seperatista lamang ang itinuturing ng pamahalaan ng Pilipinas na lehitimong nakikidigma (hindi an pakikidigma ng mga Islamistikong grupo na itinuturing na mga terorista).[9] Aabot na ng halos 200,000 katao na ang namamatay dahil sa digmaan.

Himagsikan sa Pilipinas (1969–kasalukuyan)

Isang taong naghihimagsik na nagsasanay gamit ang kanyang baril.
Petsa1969-kasalukuyan
Lookasyon
Katayuan Nagpapatuloy sa kasalukuyan
Mga nakipagdigma

 Pilipinas


Mga kakampi:
Estados Unidos Estados Unidos[5]
Indonesia Indonesya
Libya Libya


Malaysia Malaysia

Bagong Hukbong Bayan[6]


Pangkat Moro para sa Liberasyong Pambansa [6]


Pangkat Moro para sa Liberasyong Islamiko[6]


Abu Sayyaf
Kilusang Rajah Sulaiman
Jemaah Islamiyah
Mga kumander at pinuno

Pilipinas Pangulo

Jose Maria Sison


Nur Misuari


Hashim Salamat


Khadaffy Janjalani
Abu Sabaya

Commader Robot
Mga nasawi at pinsala
Nasa loob ng 160,000-200,000 na ang namamatay[7]
Mahigit 3,000,000 hanggang 10,000,000 na ang mga taong napilitang lumikas dulot ng pakikidigma[8]

Kasaysayan

baguhin

Ang unang grupong nakipagdigma ay ang mga Komunista gaya ng Partido Komunista ng Pilipinas na hango pa sa Partido Komunista ng Pilipinas-1930 (na sinimulan noong dekada 1930). Nagmula ang grupo sa mga dating Hukbalahap na nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1968-69, itinatag ng partido ang New People's Army (NPA) o ang Bagong Hukbong Bayan sa mga pulo ng Luzon, Samar, at Leyte; at sa mga lalawigan ng Surigao at Agusan.[10] Ang pakikipagdigmaang ito ay kumitil na ng halos 40,000 mga biktima.[11]

Sa kalagitnaan ng 1960s-80s, sinimulan ng mga Moro ang kanilang pakikipaglaban para kumawala sa Pilipinas. Ang mga grupong Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front (na nagmula sa una) ay lubas at nagpakita. Aktibo ang mga ito sa mga pulo ng Mindanao, Palawan at Sulu. Lampas 160,000 na ang mga taong namatay dahil sa mga labanang may kaugnayan dito.[12]

Nagsimula namang lumabas ang mga grupong Islamistiko noong kalagitnaan ng 1990s, gaya nang Abu Sayyaf at ng Rajah Sulaiman movement, na tinutulungan ng mga grupong Jemaah Islamiyah (ng Indonesia) at Al Qaeda na mula pa sa labas ng Pilipinas. Simula 2001, tumutulong naman ang Estados Unidos sa pamahalaan ng Pilipinas sa pakikipaglaban sa mga grupong ito sa pamamagitan ng kanilang "Digmaan Laban sa Terrorismo".[13]

Kabilang din sa mga armadong grupo ay ang CAFGU at mga armadong Muslim at Kristiyano na binabayaran ng pamahalaan para tumulong sa pagsukbo ng mga rebeldeng mga grupo. Kasama dito ang mga armadong grupo na sangkot sa Pamamaslang sa Maguindanao.[3]

Listahan ng mga kaugnay na insidente

baguhin
  • Pagbomba sa Araw ni Rizal noong 2000
  • Pagbomba sa Zamboanga noong 2002
  • Pagbomba sa SuperFerry 14 noong 2004
  • Pagbomba sa Gitnang Mindanao noong 2006
  • Labanan sa Hilagang Cotabato noong 2008
  • Pagbomba sa Batasang Pambansa noong 2007
  • Pagpugot sa Basilan noong 2007
  • Pagbomba sa Mindanao noong Hulyo 2009

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 https://archive.today/20130102175449/www.france24.com/en/20080927-militia-fighting-plagues-philippines-mindanao-christian-muslim-militias
  2. http://english.aljazeera.net/news/asia-pacific/2008/11/20081113132836574720.html
  3. 3.0 3.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-13. Nakuha noong 2010-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-22. Nakuha noong 2010-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. US plays quiet role in the Philippines. BBC News. 16:51 GMT, Friday, 28 Marso 2008.
  6. 6.0 6.1 6.2 Revolution in the Philippines. JSTOR. Ivan Molloy. 1985. Pamantasan ng California.
  7. Crisis — Again — for the Philippines' Arroyo, Time Magazine, 1 Nobyembre 2007, inarkibo mula sa orihinal noong 2013-03-23, nakuha noong 2007-12-04{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kasaysayan Long Running Muslim and Communist Insurgencies Naka-arkibo 2009-05-28 sa Wayback Machine.. 04-12-2008 . Reuters
  9. Philippine army linked to murders. Thursday, 22 Pebrero 2007, 11:00 GMT. BBC News. Retrieved on 22 Pebrero 2010.
  10. "Philippines-Mindanao conflict - In detail". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-14. Nakuha noong 2009-10-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. ABS-CBN Interactive, NPAs down to 5,700[patay na link]
  12. Guide to the Philippines conflict. BBC News. 11:08 GMT, Friday, 10 Agosto 2007 12:08 UK
  13. "Philippines-Mindanao conflict - At a Glance". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-28. Nakuha noong 2009-10-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)