Humus

(Idinirekta mula sa Hummus)
Para sa organikong bahagi ng lupa, tingnan ang Umus.

Ang humus (Ingles: hummus; Arabe: حمص بطحينة, hummus bi tahini; Ebreo: חומוס; Armenyo: համոս) ay isang sawsawan o palaman na gawa sa giniling na garbansos, tahina, katas ng limon, at bawang. Popular ang humus sa iba't iba nitong mga lokal na anyo sa Gitnang Silangan, bagaman hindi tiyak kung saan mismo doon ito nagmula.

Humus
Humus na may mantika ng oliba at katas ng limon.
Ibang tawagHommos, houmous
KursoMeze
LugarGitnang Silangan
Ihain nangTemperatura ng silid o mainit
Pangunahing SangkapGarbansos, tahini

Ang hummus (Arabe: حُمُّص‎) ay isang pagkain na kinasasangkapan ng garbansos (tsikpi). Ang pinagmulan nito ay hindi nalalaman subalit isa itong sawsawan o pagkaing pamahid na yari sa niluto at nilamas na mga garbansos na hinaluan ng tahini, langis ng oliba, katas ng limon, asin at bawang, na tanyag sa Gitnang Silangan, partikular na sa kulturang Arabe.[1] Sa ngayon, tanyag din ito sa Turkiya, Hilagang Aprika, Morocco, at sa mga lutuing panggitnang silangan na niluluto sa buong mundo.

Etimolohiya

baguhin

Ang hummus a isang salitang Arabe na nangangahulugang "garbansos", at ang buong pangalan ng inihandang pamahid ay حمّص بطحينة ḥummuṣ bi ṭaḥīna, na may kahulugang "garbansos na mayroong tahini".[2][3] Maaaring mag-iiba-iba ang baybay ng salitang ito, lalo na sa wikang Ingles.[4] Ang "houmous" ay ang pamantayang baybay nito sa Ingles ng Britanya. Ang iba pang mga pagbabaybay ay maaaring hummous, hommos, humos, hommus at hoummos.

Kasaysayan

baguhin

Maraming mga pinagkunang may kaugnayan sa pagluluto na naglalarawan sa hummus bilang isang pagkaing sinauna,[5][6][7] o inuugnay ito sa bantog na mga katauhang pangkasaysayan na katulad nina Saladin.[8] Talagang kasama sa saligang mga sangkap nito ang mga garbansos, sesame, limon at bawang — na kinakain na sa rehiyon sa loob ng nakalipas na mga milenyo.[9][10]

Subalit, sa katunayan, walang tiyak na katibayan para sa ipinapahiwatig na sinaunang kasaysayan ng hummus bi tahini.[11] Bagaman malawakang kinakain ang garbansos sa rehiyon, at kadalasan silang niluluto sa mga nilaga at iba pang maiinit na mga pagkain (iyong isang "payak na pagkain" na mayroong karne, mga pulso at mga pampalasa na inilarawan ni Muhammad bin Hasan al-Baghdadi noong ika-13 daantaon[12] ang kinatas na mga garbansos na kinakain nang malamig at mayroong tahini ay hindi lumitaw bago ang kapanahunan ng Abbasid sa Ehipto at sa Levanto.[13]

Ang pinakamaagang nalalamang mga resipi para sa isang lutuin na kahalintulad ng hummus bi tahini ay nakatala sa mga aklat na pampagluluto sa Cairo noong ika-13 daantaon.[14] Ang isang malamig na purée o pinakatas (tinubig) na mga garbansos na mayroong suka at inatsarang mga limon na mayroong mga yerba, mga pampalasa, at langis, ngunit walang tahini o bawang, ay lumitaw sa Kitāb al-Wusla ilā l-habīb fī wasf al-tayyibāt wa-l-tīb;[13] at isang kinatas na mga garbansos at mga tahini na tinatawag na hummus kasa ay lumitaw sa Kitab Wasf al-Atima al-Mutada: nakabatay ito sa kinatas na mga garbansos at mga tahini, at pinaasim sa pamamagitan ng suka (bagaman hindi ng limon), subalit naglalaman din ito ng maraming mga pampalasa, mga yerba, at mga mani, at walang bawang. Inihahain din ito sa pamamagitan ng pagpapagulong nito at pagpapanatiling nakalatag sa buong magdamag,[15] na maaaring nakapagbibigay dito ng isang napaka kakaibang tekstura o kagaspangan kung ihahambing mula sa hummus bi tahini.

Kabatirang pangnutrisyon

baguhin
Hummus, pangkomersiyo
Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 g (3.5 oz)
Enerhiya695 kJ (166 kcal)
14.3
9.6
7.9
Ang mga bahagdan ay pagtataya
gamit ang US recommendations sa matanda.
Mula sa: USDA Nutrient Database

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sami Zubaida, "National, Communal and Global Dimensions in Middle Eastern Food Cultures" na nasa Sami Zubaida at Richard Tapper, A Taste of Thyme: Culinary Cultures of the Middle East, London at New York, 1994 at 2000, ISBN 1-86064-603-4, p. 35.
  2. Maan Z. Madina, Arabic-English Dictionary of the Modern Literary Language, 1973, s.v. ح م ص
  3. Newman, Joni Marie (2007), Cozy Inside, Lulu.com, p. 67, ISBN 1604028955, 9781604028959 {{citation}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pam Peters (2007), The Cambridge Guide to Australian English Usage, Cambridge University Press, p. 370, ISBN 0-521-87821-7{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. mideastfood.about.com, Hummus 101 Naka-arkibo 2014-07-04 sa Wayback Machine., nakuha noong 28 Pebrero 2008
  6. choice.com, More about hummus, "Hummus has existed for thousands of years." retrieved 5 May 2008
  7. insidehookah.com Food - Hummus Naka-arkibo 2012-02-19 sa Wayback Machine., "...it is evident that it’s been a Middle Eastern/Mediterranean favorite, and sometimes staple, for thousands of years." nakuha noong 5 Mayo 2008
  8. Percival, Jenny, Lebanon to sue Israel for marketing hummus as its own, guardian.co.uk, 7 Oktubre 2008, nakuha noong 9 Nobyembre 2009
  9. Tannahill p. 25, 61
  10. Brothwell & Brothwell passim
  11. http://www.straightdope.com, Who invented hummus? Naka-arkibo 2008-09-05 sa Wayback Machine., 21 Marso 2001, "Hummus has been around for too long, in too many forms, and the origin is lost in antiquity... There's no way of knowing where it started...", nakuha noong 5 Mayo 2008
  12. Tannahill, p. 174
  13. 13.0 13.1 Lilia Zaouali, Medieval Cuisine of the Islamic World, University of California Press, 2007, ISBN 978-0-520-26174-7, salinwika ng L'Islam a tavola (2004), p. 65
  14. Encyclopedia of Jewish Food, John Wiley & Sons, 2010, ni Gil Marks, pahina 270.
  15. Perry et al., p. 383