Iligan
Ang Lungsod ng Iligan (Cebuano: Dakbayan sa Iligan; Ingles: Iligan City) ay isang mataas ang pagka-urbanisadong lungsod na nasa hilaga ng lalawigan ng Lanao del Norte, Pilipinas, at dati itong kabisera ng nasabing lalawigan. Humigit-kumulang 795 kilometro ang layo nito mula sa timog-silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 363,115 sa may 87,239 na kabahayan.
Iligan Dakbayan sa Iligan Lungsod ng Iligan | |
---|---|
Iligan City | |
Palayaw: Industrial Center of the South and City of Majestic Waterfalls | |
Mapa ng Lanao del Norte na nagpapakita ng lokasyon ng Iligan. | |
Mga koordinado: 8°14′N 124°15′E / 8.23°N 124.25°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Hilagang Mindanao (Rehiyong X) |
Lalawigan | Lanao del Norte |
Distrito | Nag-iisang Distrito ng Lanao del Norte |
Mga barangay | 44 (alamin) |
Pagkatatag | 1609 |
Ganap na Bayan | 1832 |
Ganap na Lungsod | Hunyo 16, 1950 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Lawrence Lluch Cruz (LDP-NPC) |
• Pangalawang Punong Lungsod | Henry C. Dy (LDP-GO) |
• Manghalalal | 185,452 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 813.37 km2 (314.04 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 363,115 |
• Kapal | 450/km2 (1,200/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 87,239 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 11.80% (2021)[2] |
• Kita | ₱2,471,915,911.001,124,252,000.00 (2020) |
• Aset | ₱11,534,333,142.00479,831,000.00 (2020) |
• Pananagutan | ₱5,900,273,471.002,046,485,000.00 (2020) |
• Paggasta | ₱2,360,476,092.00 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 9200 |
PSGC | 103504000 |
Kodigong pantawag | 63 |
Uri ng klima | Tropikal na klima |
Mga wika | Wikang Maranao Sebwano Wikang Binukid wikang Tagalog |
Websayt | iligan.gov.ph |
Etimolohiya
baguhinAng salitang Iligan ay mula sa salitang Higaonon na iligan o ilijan na nangangahulugan "kuta ng tanggulan" laban sa madalas na pag-atake ng mga pirata at iba pang tribo sa Mindanao.
Kasaysayan
baguhinSa nayon ng Bayug nagsimula ang lungsod ng Iligan, apat (4) na kilometro hilaga ng kasalukuyang Poblacion. Ito ang naging pinakaunang pamayanan ng mga katutubo bago dumating ang mga Kastila. Nabago ang kadalisayan ng lahi ng mga taal na mamamayan ng lugar nang magsimulang magdatingan noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon ang mga dayong Bisaya mula sa kaharian sa pulo ng Panglao.
Ayon sa mananalaysay na Hesuwita na si Francisco Combes, sinakop ng hari ng ng Mollucas ang Panglao na naging dahilan ng pag-alis nang maraming bilang ng mga mamamayan nito patungo sa kasalukuyang Dapitan, Zamboanga del Norte.
Pagiging Lungsod
baguhinGamit ang mga hangganan nito noong ito ay isang bayan pa, ginawang lungsod ang Iligan noong Hunyo 16, 1950.[3] Inihayag na unang klaseng lungsod ang Iligan noong 1969 at inuri muli bilang Uring "A" na unang klaseng lungsod noong Hulyo 1, 1977 sa kapangyarihan ng PD. Bilang 465. Noong 1983, inuri muli itong isang mataas na urbanisadong lungsod.
Heograpiya
baguhinNaghahanggan ang Lungsod ng Iligan sa hilaga sa tatlong bayan ng Misamis Oriental, ang Lugait, Manticao at Opol, at sa tatlong bayan ng Lanao del Norte sa timog; ang mga bayan ng Baloi, Linamon at Tagoloan; at sa mga bayan ng Kapai, at Tagoloan II sa Lanao del Sur. Naghahanggan din naman sa hilagang silangan ang lungsod sa Lungsod ng Cagayan de Oro, sa silangan sa bayan ng Talakag, Bukidnon, at sa kanluran sa Look ng Iligan.
Mamamayan at Kultura
baguhinPangunahing Kristiyanismo ang relihiyon sa lungsod ng Iligan(93.61%), kung saan karamihan dito ay kabilang sa Simbahang Katoliko. Cebuano ang pangunahing wikang sinasalita sa lungsod.
Mga Barangay
baguhinAng Lungsod ng Iligan ay nahahati sa 44 na mga barangay, kung saan 6 ang urban at 38 ang rural.
|
|
|
Media
baguhinTV
baguhin- ABS-CBN Northern Mindanao (Channel 4 in Cagayan de Oro Relay)
- RMN DXIC TeleRadyo 7
- GMA 11
Radyo
baguhinAM
baguhin- RMN DXIC 711
- IBC DXWG Radyo Budyong 855
- DXBI Bombo Radyo 927
- DXRJ 1476
FM
baguhin- Barangay FM 90.1
- 92.1 Radyo Totoo
- MOR 92.9
- 95.1 Brigada News FM
- 99.3 Yes The Best
- 100.1 Hope Radio
- 100.9 Bandrea News FM
- 102.3 iFM
- 103.1 Wild FM
- 105.5 Radyo Pilipinas
- 107.1 Love Radio
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 2,872 | — |
1918 | 10,078 | +8.73% |
1939 | 28,273 | +5.03% |
1948 | 25,725 | −1.04% |
1960 | 58,433 | +7.07% |
1970 | 104,493 | +5.98% |
1975 | 118,778 | +2.60% |
1980 | 167,358 | +7.10% |
1990 | 226,568 | +3.08% |
1995 | 273,004 | +3.56% |
2000 | 285,061 | +0.93% |
2007 | 308,046 | +1.08% |
2010 | 322,821 | +1.72% |
2015 | 342,618 | +1.14% |
2020 | 363,115 | +1.15% |
Sanggunian: PSA[4][5][6][7] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Lanao del Norte". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "R.A. No. 525, Iligan City Charter". LawPH.com. Nakuha noong 2011-04-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region X (Northern Mindanao)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region X (Northern Mindanao)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region X (Northern Mindanao)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Lanao del Norte". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
baguhin- Iligan City Government Portal Naka-arkibo 2008-08-21 sa Wayback Machine.
- Iligan City Online Travel Guide Naka-arkibo 2008-01-12 sa Wayback Machine.
- First Free Email in Iligan
- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.