Indotsina

(Idinirekta mula sa Indochina)

Ang Indotsina o Tangway ng Indotsina, ay isang rehiyon sa Timog-silangang Asya. Ito ay nasa bandang silangan ng Indiya at sa timog ng Republikang Popular ng Tsina.

Ang Indotsina: ang may kulay na madilim na lunti ay palaging kasama sa kataga; ang may kulay na mapusyaw na lunti ay karaniwang kasama.
Ang Indotsina noong 1886.

Ang Indotsina ay binubuo ng mga teritoryo ng sumusunod na mga bansa:

Ang mga bansang nabanggit sa itaas ay nakikilala na bilang Indotsina magmula noong panahon ng Kolonyalismong Pranses.[1] Gayunpaman, kapag isinasali ang pangunahing lupain ng Timog-silangang Asya, madalas ding naisasama sa nasasaklawan ng kataga ang mga sumusunod:

Ang pangunahing uri ng pananampalataya sa rehiyon na ito ay Budismong Theravada o Hinayana. Ang Budismong Mahayana naman ay may malaking impluwensiya sa Biyetnam, habang ang Malaysia naman ay naimpluwensiyahan ng maraming pananampalataya. Kasama na rito ang Islam, ang pangunahing pananampalataya ng mga Malay, at ang iba't-ibang uri ng Budismo, Hinduismo, at Kristyanismo.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 McAuliff, John (Enero 1997). "Indochina". Foreign Policy in Focus, Tomo 2, Bilang 16. magkatuwang na proyekto ng Interhemispheric Resource Center (IRC) at ng Institute for Policy Studies (IPS). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-15. Nakuha noong 2008-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)