Kalakhang pook
Ang isang kalakhang pook o kalakhang lugar (Ingles: Metropolitan area), minsang tinatawag na metro area o commuter belt sa Ingles, ay isang rehiyon na binubuo ng mataong pusod urbano o urban core at ng di-gaano mataong mga nakapaligid na teritoryo o lupain at nagkakapareho o nagkakaisa sa industriya, impraestruktura, at pabahay.[1] Ang isang kalakhang pook ay kadalasang binubuo ng maraming mga hurisdiksiyon at munisipalidad: mga neighborhood, township, boro, lungsod, bayan, exurb, naik, kondado, distrito, estado, at maging mga bansa tulad ng mga eurodistrito. Dahil sa nagbago ang mga institusyong panlipunan, ekonomiko at pampolitika, naging napakahalagang rehiyong ekonomiko at pampolitika ang mga kalakhang pook.[2] Kasama sa mga kalakhang pook ang isa o higit pang mga pook urbano, gayon din mga karatig-lungsod at bayan (satellite cities and towns) at mga pook rural sa pagitan nito na sosyoekonomikong nakaugnay sa pusod urbano, at karaniwang sinusukat ayon sa mga padron ng pangkaraniwang paglalakbay (commuting patterns).[3] Sa Estados Unidos, napabantog ang konseptong kalakhang pook pang-estadistika (metropolitan statistical area). Maaaring maging bahagi ng mas-malaking mga megalopolis ang mismong mga kalakhang pook.
Para sa mga sentrong urbano sa labas ng mga kalakhang pook na nakalilikha ng kahawig na rehiyong urbano sa mas-maliit na antas, ang konseptong regiopolis at ng regiopolitan area o regio ay ipinakilala ng mga Alemang propesor noong 2006.[4] Sa Estados Unidos, ginagamit ang katawagang micropolitan statistical area''.
Pangkalahatang kahulugan
baguhinAng isang kalakhang pook ay sinasama ang isang aglomerasyong urbano (ang magkalapit na built-up area) sa mga sonang hindi naman kinakailangang urbano ang katangian, ngunit magkaugnay nang husto sa sentro dahil sa empleo o iba pang komersiyo. Minsang tinatawag na commuter belt ang mga malalayong sonang ito, at maaaring umabot sa malayong dako mula sa sonang urbano, sa ibang mga entidad pampolitika. Halimbawa, ang township ng Islip sa Pulo ng Long, New York ay itinuturing na bahagi ng Kalakhang pook ng New York.
Sa katunayan, hindi naaalinsunod ang pamamaraan ng mga kalakhang pook, kapuwa sa opisyal at di-opisyal na paggamit. Kung minsan hindi naiiba ang mga ito sa isang pook urbano, at sa ibang pagkakataon naman sumasaklaw ang mga ito sa malawak na mga rehiyong may kaunting kaugnayan sa isang pamayanang urbano; marapat lamang na isaalang-alang ang mga pahambing na estadistika para sa isang kalakhang pook. Maaaring maiba nang milyun-milyon ang mga bilang ng populasyon na ibinibigay sa isang kalakhang pook.
Walang mahalagang pagbabago sa saligang konsepto ng kalakhang pook o metropolitan area mula nang unang ginamit ito noong 1950,[5] bagamat naganap mula noon ang mahahalagang mga pagbabago sa lawak ng nasasakupang lugar, at marami pa ang inaasahan.[6] Dahil pabagu-bago ang katawagang "metropolitan statistical area" ("kalakhang pook estadistikal"), ang katawagan na pangkaraniwang ginagamit ay kadalasang "metro service area," "metro area," o "MSA" na hindi lamang kasama ang isang lungsod, kung hindi mga nakapalibot na mga pook naik at exurb, at kung minsan pati mga pook rural, na lahat ay ipinalalagay na nakakapag-impluwensiya. Ang isang polisentrikong kalakhang pook (polycentric metropolitan area) ay binubuo ng maraming mga aglomerasyong urbano na hindi ini-uugnay ng tuluy-tuloy na pagsibol. Sa pagbibigay-kahulugan ng isang kalakhang pook, ito ay sapat na ang isang lungsod o mga lungsod ay bumubuo ng isang sentro o nucleus kung saang may mataas na antas ng pagsasama-sama ang ibang mga pook.
Tingnan din
baguhin- Pinaunlad na mga kapaligiran
- Pagbabago ng ekonomiya
- Kalakhang pook pang-estadistika
- Kalakhang ekonomiya
- Paglawak ng lungsod
- Urban heat island
Mga talaan ng mga kalakhang pook
baguhin- Talaan ng mga kalakhang pook na nagpapang-abot ng maraming mga bansa
- Talaan ng mga kalakhang pook ayon sa populasyon
- Talaan ng mga kalakhang pook sa Asya
- Talaan ng mga kalakhang pook sa Aprika
- Talaan ng mga kalakhang pook sa Kaamerikahan
- Talaan ng mga kalakhang pook sa Europa
Mga teoriya sa pagpaplanong kalakhan
baguhinMga katawagan
baguhin- Pagsasanib (politika)
- Kalakhang pook ng senso
- Pinagsamang pook pang-estadistika
- Pinagsamang lungsod-kondado
- Conurbation
- Ecumenopolis
- Rehiyong Industriyal
- Mas-malaking mga Sonang Urbano (Larger Urban Zones o LUZ)
- Megacity
- Megalopolis (uri ng lungsod)
- Metropolis
- Labis na pagdami ng populasyon ng tao
- Paglawak ng lungsod
- Pook urbano
- Mga pinakamalaking lungsod sa mundo
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Squires, G. Ed. Urban Sprawl: Causes, Consequences, & Policy Responses. The Urban Institute Press (2002)
- ↑ Mark, M.; Katz, B; Rahman, S.; Warren, D. (2008). "MetroPolicy: Shaping A New Federal Partnership for a Metropolitan Nation" (PDF). Brookings Institution. pp. 4–103.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Definition of Urban Terms" (PDF). demographia.com. Nakuha noong 22 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Prof. Dr. Iris Reuther (FG Stadt- und Regionalplanung, Universität Kassel): Presentation "Regiopole Rostock". 11 December 2008, retrieved 13 June 2009 (pdf).
- ↑ "Metropolitan and Micropolitan". Nakuha noong 27 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Whitehouse.gov Naka-arkibo 23 July 2009[Date mismatch] sa Wayback Machine.
Mga kawing panlabas
baguhin- "The World's Cities in 2016" (PDF). United Nations. Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (page 1 illustrates metropolitan area versus city proper and urban agglomeration) - Metropolis.org, An organisation of world metropolises
- Urban Employment Areas in Japan (Metropolitan Employment Areas in Japan)
- Turismo.fvg.it, (Metropolis read by maps in Friuli Venezia Giulia – Northeast of Italy – EU)
- Geopolis : research group, university of Paris-Diderot, France — Urbanization of the world