Lansangang-bayang Jose P. Laurel

(Idinirekta mula sa Lansangang Jose P. Laurel)

Ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel (Jose P. Laurel Highway) ay isang pambansang lanangan sa lalawigan ng Batangas sa rehiyon ng Calabarzon. Kalinya nito ang Southern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway, E2), at tumatawid ang mga ito sa isa't-isa sa lungsod ng Lipa. Kasama sa lansangan ang isang maigsing bypass route sa may poblasyon ng Santo Tomas, na sumasangay mula sa lansangan at dumudugtong sa Lansangang-bayang Maharlika sa Tagpuang Santo Tomas.

Lansangang-bayang Pangulong Jose P. Laurel
President Jose P. Laurel Highway
Daang Maynila–Batangas (Manila–Batangas Road)
Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa lungsod ng Lipa.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Mula sa N1 (Lansangang-bayang Maharlika) / AH26 sa Santo Tomas
 

N433 sa Banaybanay, Lipa

  • E2 (STAR Tollway) / N434 (Diversion Road) sa Balagtas, Lungsod ng Batangas
  • N438 (Daang Tolentino) sa Kumintang Ibaba, Lungsod ng Batangas
  • N436 (Daang Calicanto) sa Poblacion, Lungsod ng Batangas
  • N437 (Abenida Rizal) sa Poblacion, Lungsod ng Batangas
HanggangKalye M.H. del Pilar sa Lungsod ng Batangas
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodTanauan, Lipa, Lungsod ng Batangas
Mga bayanSanto Tomas, Malvar, San Jose
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N3N5

Alinsunod sa pagsasakatuparan ng Sistemang Pamilang sa Ruta (Route Numbering System) ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) mula noong taong 2014, ang kabuuang lansangan, kasama ang maigsing karugtong sa Santo Tomas, ay itinakdang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 4 o Rutang 4 (N4).

Kasaysayan

baguhin

Karamihan sa Lansangang-bayang Jose P. Laurel ay sumusunod sa dating Route 19 noong panahon ng mga Amerikano, na nagdugtong ng daungang-bayan ng Batangas (Lungsod ng Batangas ngayon) sa Lansangang-bayang Maharlika sa Santo Tomas.

Karamihan sa lansangan ay ipinangalang Jose P. Laurel Highway (Lansangang-bayang Jose P. Laurel), mula sa pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas na si Jose P. Laurel.

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel ay isang 49 kilometro (30 milyang) pambansang pangunahing daan na nasa loob ng lalawigan ng Batangas. Dumadaan ito sa oryentasyong hilaga-patimog, at karamiha'y dumadaan sa mga barangay na pampamahayan. Karamihan sa lansangan ay may dalawa hanggang apat na mga linya, maliban sa bahaging Lansangang-bayang Ayala, na may anim na mga linya at may panggitnang harangan at iilang mga grade separation, at pinaganda mula sa dating pang-apatang lansangan na walang harangan sa gitna. Kasalukuyang pinalalawak sa apat na linya ang mga bahaging pandalawahan kalakip ng dumaraming antas ng trapiko, maaari sa pagdaragdag ng mga linya sa daanan o paglalatag ng kongkreto o aspalto sa tabi ng daanan.

Santo Tomas - Lipa

baguhin

Nagsisimula ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa Santo Tomas bilang isang sangay ng Lansangang-bayang Maharlika, at papasok sa poblasyon o kabayanan nito. Isa pang daan na itinayo bilang panlagpas sa lansangan sa paligid ng bayan at nakabilang din na N4, ay nag-uugnay ng Lansangang-bayang Maharlika sa pangunahing linya ng lansangan sa barangay San Roque.

 
Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa barangay Darasa, Tanauan

Papasok ang daan sa lungsod ng Tanauan, at magiging isang nahating daan na may mga halaman bilang panggitnang harangan. Aalis ang Rutang 421, na papuntang Tagaytay sa pamamagitan ng Talisay, sa sangandaang may ilaw-trapiko sa kabayanan ng lungsod. Babalik muli ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa ilang walang hating daan, at dadaan sa mga pantahanang barangay ng Tanauan, at kalauna'y papasok sa bayan ng Malvar, kung saang nagiging isang pang-apatang daan ang lansangan sa kabayanan nito. Babagtas sa kabayanan ang Kalye Pedro Montecer na dumudugtong sa kalinyang STAR Tollway. Lilisanin ng lansangan ang kabayanan at dadaanin nito ang mga rural na barangay Malvar, at papasok sa lungsod ng Lipa malapit sa LIMA Industrial Park na matatagpuan sa hangganan ng Malvar at Lipa.

Sa barangay Inosluban, lalawak sa pang-apatang daan ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel. Sa Marawoy tatapos ang dalawang lansangan: Lansangang-bayang Governor F. Leviste (Daang Balete) na nag-uugnay ng STAR Tollway at Balete, at Daang Lipa City–Alaminos na nag-uugnay ng Lipa at Alaminos sa lalawigan ng Laguna. Sa isang rotonda malapit sa SM City Lipa nagsisimula ang Rutang 431 (N431), at ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel ay magiging isang pang-animang daang panlagpas (bypass road) na nangangalang Lansangang-bayang Ayala (Ayala Highway), isang daan na bahagyang grade-separated na nililinyahan ng mga establisimiyentong pangnegosyo. Sa barangay Mataas Na Kahoy, sasama ang pangalawang ruta ng N431 sa isang rotondang malapit sa Robinsons Place Lipa.

Lipa - Lungsod ng Batangas

baguhin
 
Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa barangay Tambo, Lipa

Mula Mataas Na Kahoy, sa loob ng Lipa, nagiging isang pang-apatang lansangan ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel, at dadaan sa De La Salle Lipa. Tatawirin nito ang abandonado (at ang magiging) Linyang Batangas ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas, na nililinyahan ng mga kabahayan at mga linya ng kuryenteng 69,000 ang boltahe, sa barangay Tambo. Sa parehong barangay rin tatawid ang STAR Tollway sa lansangan, kung saan dinudugtong ng Labasan ng Lipa ang parehong mga ruta. Dadaan ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa mga karamiha'y pantahanang barangay ng Tambo at Sico, at dadaan sa timog ng Fernando Air Base na pinaglilingkuran ng isang maigsing sangay ng lansangan, ang Rutang 432. Babagtas naman sa ruta sa timog-kanluran ng baseng panghimpapawid ang isang panlalawigang daan ng kalapit na bayan ng Mataasnakahoy. Papasok naman ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa barangay Banaybanay, at sasangay mula sa lansangan ang N433 na nag-uugnay sa mga bayan sa dakong kanluran ng Batangas, gayundin sa mga bayan ng Cuenca at Alitagtag.

Papasok naman ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa bayan ng San Jose sa rural na barangay ng Banaybanay 2. Dating pandalawahan, pinalawak ang bahaging Banaybanay ng lansangan sa apat na mga linya noong 2016 upang maglaman sa dumaraming trapiko. Liliko ang lansangan sa lugar na punung-puno ng mga punong niyog, bago umakyat at maglinya nang malapitan sa magiging Linyang Batangas.

 
Lansangang-bayang Jose P. Laurel malapit sa Palatandaang Itlog ng San Jose sa bayan ng San Jose

Bago pumasok sa San Jose, liliko ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel upang lagpasan ang kabayanan at susunod sa isang pang-apatang rutang panlagpas sa barangay Taysan. Mula barangay Santo Cristo, susundan ng lansangan ang rutang paliko na maglilinya sa dating linyang daambakal ng Batangas, at dadaan sa mga barangay ng Calansayan at Aguila. Sumailalim ang bahagi ng lansangan sa mga nabanggit na barangay sa pagpapalawak upang maglingkod sa dumaraming antas ng trapiko sa lansangan.

Papasok ang daan sa Lungsod ng Batangas, sa rural na barangay ng Concepcion. Tatawid dito ang abandonadong linyang Batangas. Kalauna'y lalawak sa apat na mga linya ang lansangan hanggang sa barangay Balagtas, maliban sa isang pang-apatang tulay sa ibabaw ng Ilog Balagtas na sumasailalim sa pagpapalawak.

Sa barangay Balagtas, magtatagpo ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa STAR Tollway at Diversion Road (Rutang 434) sa isang rotondang itinayo pagkaraan ng pagtatapos ng bahaging Lipa-Lungsod ng Batangas ng nabanggit na mabilisang daanan. Sasama ang lansangan sa isang pandalawahang lansangan na dumadaan sa mga barangay-arrabal ng lungsod. Sa Kumintang Ibaba, paglapit ng Kapitolyong Panlalawigan ng Batangas, babalik sa apat ang mga linya, isang dagdag sa naunang pandalawahang lansangan, hanggang sa sangandaan nito sa Daang Calicanto (Rutang 436), kung saang liliko pakaliwa ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel papuntang Kalye P. Burgos. Mula sa sangandaan nito sa Rutang 436, susundan nito ang P. Burgos hanggang sa Bantayog ni Rizal malapit sa hugnayan ng Gusaling Panlungsod ng Batangas, Plaza Mabini, Basílika ng Kalinís-linisang Paglilihî kay María, at St. Bridget College.

Mga sangandaan

baguhin

Ang buong ruta matatagpuan sa Batangas

Lungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
Santo Tomas   N1 / AH26 (Lansangang-bayang Maharlika) – MaynilaHilagang dulo.
Kalye Governor Malvar
Abenida Governor Carpio
  N4 (Lansangang-bayang Jose P. Laurel/Santo Tomas Bypass)
Tulay ng San Juan sa ibabaw ng Ilog ng San Juan. Hangganang Santo Tomas-Tanauan.
Tanauan  N421 (Abenida Mabini/Daang Tanauan–Talisay) – STAR Tollway, Talisay, TagaytaySangandaang ilaw-trapiko. Naglilingkod sa Parokya ng San Juan Ebanghelista at La Consolacion College Tanauan.
MalvarKalye Pedro Montecer - STAR Tollway
LipaDaang Leviste
Lansangang-bayang F. Leviste - STAR Tollway, Balete
Daang Alaminos–Lipa City - San PabloNaglilingkod sa Fiesta World Mall, Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa, at Stonyhurst Southville International School
  N431 (Kalye General Luna) – Padre Garcia, Rosario, San JuanRotonda
  N431 (Abenida B. Morada) – Kabayanan ng lungsod ng Lipa, Padre Garcia, Rosario, San JuanRotonda
  E2 (STAR Tollway) – Maynila, Lungsod ng Batangas
  N432Naglilingkod sa Fernando Air Base
Daang Mataaskahoy - Mataasnakahoy
  N433 – Cuenca, Lemery, Calaca
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi

Mga daang panlagpas at sangay

baguhin

Santo Tomas Bypass

baguhin

 

Santo Tomas Bypass
KinaroroonanBarangay 2 Poblacion hanggang San Roque, Santo Tomas

Diversion Road (Lungsod ng Batangas)

baguhin

 

Diversion Road
KinaroroonanBalagtas hanggang Bolbok, Lungsod ng Batangas

Ang Diversion Road (literal na Tagalog: Daang Panlihis), itinakda bilang Rutang 434, ay isang rutang panlihis sa Lungsod ng Batangas na nag-uugnay ng barangay Balagtas sa Rutang 436 at Pantalan ng Batangas, at nilalagpasan ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa mga suburbanong barangay ng Alangilan at Kumintang Ibaba. Itinayo ang daan upang mabigyan ng ruta ang mga mabigat na trak papuntang pantalan at mga karatig-bayan ng San Pascual at Bauan nang hindi na kinakailangan pang dumaan sa mga arrabal at kabayanan ng lungsod. Itinayo ang Diversion Road na may apat na mga linya at karamihang dumadaan sa pook-rural na unti-unting pinauusbong ng mga establisimiyentong pangnegosyo na itinayo sa ruta. Nakatayo sa ruta ang bagong terminal ng pampublikong transportasyon ng Lungsod ng Batangas sa barangay Alangilan, sa dakong labas ng lungsod. Dating isang buong sangandaan na nasa-lupa ang katimugang dulo ng ruta sa Bolbok sa may sangandaan nito sa Rutang 436 at sa daang papasok sa Pantalan ng Batangas, hanggang sa itinayo ang isang flyover noong 2006 para sa tuwirang trapiko patungong pantalan mula Diversion Road at gayon din naman mula pantalan hanggang Diversion Road.

Mga pinagkukurusan

baguhin

Ang buong ruta matatagpuan sa Lungsod ng Batangas

kmmiMga paroroonanMga nota
   N4 (Lansangang-bayang Jose P. Laurel) / E2 (STAR Tollway) – Maynila, Lipa, Lungsod ng BatangasRotonda. Hilagang dulo.
Hilagang dulo ng Bolbok Flyover
  N436 – Kabayanan ng Lungsod ng Batangas, Bauan
Katimugang Dulo ng Bolbok Flyover
Pantalan ng BatangasKarugtong sa dako ng sangandaan sa Rutang 436.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi

Mga sanggunian

baguhin