Abenida Makati
Ang Abenida Makati (Ingles: Makati Avenue) ay ang pangunahing lansangang komersyal sa Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Bumubuo ito sa silangang hangganan ng Ayala Triangle at isa ito sa mga tatlong pangunahing abenida ng Makati Central Business District o CBD. Dumadaan ito sa direksyong hilaga-patimog na mukhang patagilid at halos kalinya sa EDSA. Dumadaan ito sa dalawang magkaibang distrito sa lungsod: ang Makati CBD at ang lumang Makati Población (kabayanan ng lungsod). Ang haba nito ay 2.3 kilometro (1.4 milya), at ang mga linya nito ay maaaring dalawa (sa kabayanan) o tatlo-apat na linya (sa ligid ng CBD). Mayroon itong maikling tagapagpatuloy patungong San Lorenzo Village bilang Kalye San Lorenzo (San Lorenzo Drive).
Abenida Makati Makati Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 2.3 km (1.4 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Tulay ng Makati-Mandaluyong sa Poblacion |
Dulo sa timog | Abenida Arnaiz sa San Lorenzo Village |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Sa hilagang dulo nito matatagpuan ang lumang bahagi ng Makati na nagsisimula sa Tulay Makati-Mandaluyong at Abenida J.P. Rizal. Tutuloy ito sa kabayanan ng lungsod hanggang sa Abenida Gil Puyat na nagtatakda sa katimugang dulo ng lumang distrito. Sa timog ng Gil Puyat patungong Makati CBD, nagiging mas-komersyal at mas-pang-mayaman ang anyo ng abenida. Kapwa matatagpuan sa katimugang dulo ang Sentrong Ayala at Abenida Arnaiz.
Kasaysayan
baguhinNagsilbi bilang pangunahing daan patungo sa dating Palapagang Nielson mula San Pedro de Macati ang abenida. Tinawag ito noon bilang Daang Culi-Culi (Culi-Culi Road) na nagbigay rin ng daan patungong Culi-Culi (Baranggay Pio del Pilar ngayon) sa kanluran ng palapagan.[1] Noong isinara ang paliparan pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga patakbuhan nito ay ginawang mga malawak na daan na kilala ngayon bilang Abenida Ayala at Paseo de Roxas. Ang control tower nito ay pinreserba at isa na ngayong aklatan ng Filipinas Heritage Library.[2] Matatagpuan ang nasabing aklatan sa abenida sa timog-silangang panulukan ng Ayala Triangle.
Ang Abenida Makati, lalong-lalo na ang bahagi na nasa kabayanan ng Makati, ay may kasaysayan ng prostitusyon. Ang mga ligid sa Kalye P. Burgos, na may mga nightklab, bar, at otel pambadyet, ay kinukunsidera ng marami bilang red light district ng Makati.[3][4] Subalit sa kasalukuyan, isinasailalim ang nasabing lugar sa pagpapabuti at pagpapaganda, kasama na riyan ang pagtatayo ng mga bagong gusali tulad ng mga nasa bagong complex ng Century City.[5]
Tingnan din
baguhinMga daan
baguhinMga kaugnay na artikulo
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Ayala Now April–June 2015" (PDF). Ayala Corporation. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 27 Oktubre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History of FHL". Filipinas Heritage Library. Nakuha noong 8 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Makati now a sin city". Inquirer.net. Nakuha noong 8 Setyembre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Flesh trade thrives in Makati". Trafficking.org.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 8 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Century City Mall to set the stage for a shopping district North of Makati". Manila Standard Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-01. Nakuha noong 8 Setyembre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)