Ang MariMar ay isang Pilipinong palabas na itinanghal noong 13 Agosto 2007 hanggang 14 Marso 2008 sa GMA Network, na pinagbibidahan nina Marian Rivera bilang MariMar, Dingdong Dantes bilang Sergio Santibañez, at Katrina Halili bilang Angelika Santibañez.[1][2]

MariMar
Promosyonal na larawan ng MariMar ng GMA Network.
UriMelodrama
GumawaInés Rodena
Televisa
NagsaayosDode Cruz
DirektorJoyce E. Bernal
Mac Alejandre
Pinangungunahan ni/ninaMarian Rivera
Dingdong Dantes
Katrina Halili
Kompositor ng temaTata Betita
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapWilma Galvante
LokasyonKalakhang Maynila, Pilipinas
Oras ng pagpapalabas30-45 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid13 Agosto 2007 (2007-08-13) –
14 Marso 2008 (2008-03-14)
Kronolohiya
Sumunod saLupin
Website
Opisyal
Tungkol sa palabas pantelebisyon sa Pilipinas ang artikulong ito. Para sa orihinal na serye na galing sa Mehiko, silipin ang Marimar.

Isinagawa ito ng GMA Network sa Pilipinas mula sa orihinal na palabas sa Mehiko na may kaparehong pamagat, ngunit may mga pagbabago sa balangkas. Pinagbidahan nina Thalía at Eduardo Capetillo ang naunang serye, na isa ring muling pagsasagawa ng seryeng La Venganza, na nagmula din sa TeleVisa.[3]

Balangkas ng palabas

baguhin

Isang mabuting anak nina Gustavo at Lupita Aldama si MariMar. Habang nakasakay sila sa eroplano, naaksidente ito at nagkahiwahiwalay silang tatlo. Namatay si Lupita, nakaligtas si Gustavo at si MariMar, ngunit hindi na makaalala si MariMar. Kinupkop siya nina Lolo Pancho at Lola Cruz. Sa kanyang pagdadalaga, napakasalan niya ang anak ni Renato Santibañez na si Sergio Santibañez. Si Renato ay asawa ni Angelikang dating kasintahan ni Sergio. Ginamit niya si MariMar upang pagselusin si Angelika. Habang nagtatagal, nahulog na ang loob ni Sergio kay MariMar hanggang sa tuluyan na nga siyang umibig sa kanya. Si Angelika naman ay hindi makapaniwalang ipinagpalit siya ni Sergio sa isang mahirap. Hinamak niya ang buhay ni MariMar nang umalis si Sergio. Ginawa niya ang lahat upang magkahiwalay ang dalawa. Pinasunog niya ang bahay ni MariMar kasama ang mga nakilalang pamilya ni MariMar. Umalis si MariMar sa San Martin de la Costa dala ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Pumunta siya ng Maynila, kung saan nakita siya ni Inocencia at tinulungan ito. Makalipas ang ilang taon, nanganak na si MariMar at pinangalanan niya itong Cruzita, kasunod sa pangalan ng kanyang lola. Nagtrabaho siya sa mga Aldama, bilang si Bella Cruz, na kalaunan ay nalaman niyang kanyang totoong pamilya sa pagbalik ng kanyang alaala. Nang mamatay si Gustavo, naipangalan sa kanya ang buong kayamanan ng mga Aldama. Pumunta siya sa ibang bansa upang mag-aral. Sa kanyang pagbabalik, nag-isip siya ng paraan upang maghiganti sa lahat ng taong umapi sa kanya: kay Renato, Angelika at kay Sergio. Nagkakilala sila ni Rodolfo San Jinez na naging matinding karibal ni Sergio kay Bella Aldama, (ang pangalang ginamit ni MariMar nang siya ay yumaman). Hindi nagtagal naging isang matinding mang-iibig ni Bella si Rodolfo. Nais niyang makuha ang puso ni MariMar, kasama na ang kayamanan nito. Nang hindi matuloy ang kasal nila Rodolfo at MariMar dahil umiibig pa rin si MariMar kay Sergio, ginawa niya ang lahat upang makuha niya ang kayamanan ni MariMar. Ipinadukot niya ito at humingi siya ng pabuya para sa kaligtasan ni MariMar. Mabuti na lamang at dumating si Sergio, at nailigtas niya si MariMar mula sa kamay ni San Jinez. Matapos ang gulo, hindi pa din natapos ang hirap ng buhay ni MariMar ng hindi kalaunan ay nalaman niyang magkapatid sila ni Angelika sa ama nang dumating si Vanessa May sa buhay ng mga Aldama. Ang buong pagkakaakala ni MariMar ay bumait na talaga si Angelika, ngunit nagpapanggap lamang pala siyang mabait upang magkaroon ng malaking tiwala sa kanya si MariMar, at hindi siya mabuko sa mga susunod niyang mga balak.

Kasikatan sa Pilipinas

baguhin

Ang orihinal na MariMar mula sa Mexico ay ipinalabas noong taong 1997 sa RPN. Ito ay mabilis na tinangkilik ng mga Pilipino, at nagkaroon ng antas na umabot hanggang 50%. Ang seryeng ito ng Mehiko ang nagbigay kay Thalía ng kasikatan sa Pilipinas upang tangkilikin muli ng mga Pilipino ang iba pa niyang palabas tulad ng Maria Mercedes, Maria La del Barrio, at Rosalinda na umabot sa 75% na grado, na sinasabing pinakamataas na grado ng palabas sa Pilipinas.[4]

Mga tagapangasiwa ng programa

baguhin

Ito ang pagbabalik ni Binibinig Joyce E. Bernal sa GMA Network.[5]

Mga manunulat: Benedict Migue, Denoy Punio, Kit Villanueva-Langit
Punong manunulat: Dode Cruz
Tagasuri ng pagkakagawa: Anette Gozon-Abrogar, Don Michael Perez
Tagapangasiwa ng produksiyon: Redgynn S. Alba
Tagapagpaganap na humahawak sa paggawa: Wilma Galvante
Direktor: Joyce E. Bernal, Mac Alejandre

Mga tagapagpaganap

baguhin

Nang ipinahayag ng GMA Network ang muling pagsasagawa ng Marimar sa Pilipinas, naniniwala ang mga manonood na agad mapupunta ang palabas kay Angel Locsin at kanya itong pagbibidahan, ngunit tinanggihan ito ni Angel Locsin sa kadahilanan ng paglipat sa kabilang estasyon ng ABS-CBN.[6]

Nagbigay ng awdisyon ang GMA Network sa katauhan ni MariMar. Maraming mga artista ang sumalang sa awdisyon kabilang na sina Nadine Samonte, Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Marian Rivera, Valerie Concepcion at Karylle, at mga artista mula sa kabilang estasyon, ABS-CBN, tulad nina Angelica Panganiban at Rica Peralejo (ngunit itinangging sumalang sa awdisyon[7]), ay sumalang sa awdisyon.

Ang MariMar ay napunta agad kay Marian Rivera, na may 80% na pagkakapanalo, at tinalo ang pinakamalapit niyang katunggaling si Jennylyn Mercado.[8]

Mga pagbabago sa Pilipinong MariMar

baguhin
  • Sina Lolo Pancho at Lola Cruz ay ang mga umampon kay MariMar nang siya ay maaksidente, habang sa Marimar ng Mexico ay mga kadugo niya ang mga ito.
  • Si Sergio ay isang propesyonal na NASCAR mamamaneho samantalang sa orihinal na Marimar ay isa siyang manlalaro ng saker.
  • Ang hasyenda ng mga Santibañez ay naging isang pahingahan sa muling pagsasagawa ng Marimar.
  • Sa Marimar ng Televisa, si Lupita Aldama ay makikita lamang sa mga pagbabalik-tanaw ni Gustavo, samantalang sa MariMar ng GMA Network ay ipinakitang ang mga pangyayaring kasama si Lupita.
  • Si Angelika ay mas matanda ng ilang taon kay Marimar sa bersyon ng Mehiko, samantalang sa seryeng ginawa ng Pilipinas, sila ay magkababata na.
  • Si Natalia Montenegro ay hindi na karibal ni MariMar sa puso ni Sergio, kundi karibal niya sa pagiging isang Aldama.
  • Si Arturo ay mamamaneho ni Sergio at isang baklang matalik niyang kaibigan, samantalang sa orihinal, si Arturo ay isang babaerong kasama ni Sergio sa kanyang grupo.
  • Si Fifi ang kapareha na ni Fulgoso sa seryeng ginawa ng Pilipinas, samantalang si Mimi ang kanyang kapareha sa orihinal. Lumabas din si Mimi sa MariMar ng GMA Network ngunit hindi malaki ang ginampanan niya sa palabas.
  • May bagong mga karakter din ang nadagdag sa palabas gaya nina Dr. Rhia Concepcion, Dr. Hayden, Kim Chan, Cruzita, Vanessa May, Rowena, Diego, Rodrigo, at Garapacho.
  • Si Inocencia ay naging matalik na kaibigan ni MariMar, samantalang isa ito sa mga karibal ni MariMar sa puso ni Sergio sa orihinal na bersyon.
  • Si Angelika ay naging kapatid sa ama ni MariMar, ngunit sa totoong istorya, wala silang ugnayan sa bawat isa maliban sa pagiging magkaribal sa puso ni Sergio.

Markang nakuha ng serye

baguhin

Sa unang gabing ipinalabas ang MariMar noong 13 Agosto 2007, nakakuha ng mataas na marka ang palabas na mayroong 36.6% (ayon sa pagsusuri sa Kalakhang Maynila). Matapos ang isang buwan, noong 13 Setyembre 2007, nakakuha ng 39.3% na marka ang palabas, na lumagpas sa 38.3% nakuha nila sa unang linggo ng palabas.[9] Noong 5 Oktubre 2007, nakuha na nila ang 40% marka.[10] At noong 26 Oktubre 2007, nakakuha naman sila ng 44.6% marka sa buong Kalakhang Maynila.[11][12] At noong 19 Nobyembre 2007, nakuha na nila ang 49.5% marka, malapit sa markang 50% nakuha ng Mehikanong telenobelang MariMar ni Thalía ang sinasabing pinakamataas na markang nakuha ng seryeng Mehikano sa Pilipinas.[13][14]

Ang huling yugto o kabanata ng MariMar ay nakatakda nang ipalabas at magwakas sa buwan ng Pebrero, ngunit dahil sa mataas na marka at magandang gawain na ipinapakita ng palabas, paabutin pa ang pagpapalabas nito hanggang sa ikalawang linggo ng buwan ng Marso.

Ang huling marka na nakuha ng serye ay 52.6% ayon sa nakuhang marka mula sa Kalakhang Maynila. Ito ang pinakamataas na seryeng nakuha ng isang palabas sa telebisyon.

Mga temang awit

baguhin

Ang panimulang temang awit ng MariMar ay inawit ni Regine Velasquez[15]. Maraming bahagi ng liriko ng kanta ang isinalin lamang sa Filipino ni Tata Betita mula sa totoong liriko sa orihinal na MariMar. Ang kantang Mahal Kita ay kantang inawit ni Gerald Santos[16] nang siya ay manalo sa isang patimpalak sa pag-awit na Pinoy Pop Superstar na orihinal na isinulat para lamang sa kanya. Kinanta lamang ito ni Maricris Garcia[17], na isa ring wagi sa patimpalak na nasabi, upang maging isa sa mga temang kanta ng MariMar, ngunit paminsan-minsan, ginagamit din nila ang bersyon ng kanta ni Gerald Santos. Ang kantang Ikaw Lang At Ako ay unang ginamit sa isang palabas ng GMA Network tuwing hapon, ang Couple or Trouble. Ginamit lamang ito ng palabas nang matapos na ang nasabing drama tuwing hapon. Ito ay kanta ni Janno Gibbs[18] kung saan sa biyong musiko nito ay kasama niya ang kanyang asawa at gumaganap na si Tiya Esperanza sa palabas, si Bing Loyzaga - Gibbs.

Mga pagkilalang natamo

baguhin

4th USTv Students' Choice Award:[19]

Pinkatanyag na Maikling Serye (Most Popular Drama/Miniseries):

  • MariMar

Pinakapopular na aktres sa Maikling Serye (Most Popular Actress in a Drama):

Pinakapopular na aktor sa Maikling Serye (Most Popular Actor in a Drama):

Guillermo Mendoza Memoral Scholarship Foundation, Inc.[20]

Pinakapambihirang Bituin sa Telebisyon (Phenomenal TV Star):

Pinakapopular na Programang Pantelebisyon (Most Popular TV Program):

  • MariMar

1st Filipino-American Visionary Awards:

Pinakapaboritong aktor sa Telebisyon (Favorite Television Actor):

Pinakapaboritong aktres sa Telebisyon (Favorite Television Actress):

38th Box-Office Entertainment Awards

Pinakapopular na Programang Pantelebisyon (Most Popular TV Program):

  • MariMar

Pinakapopular na mga Direktor Pantelebisyon (Most Popular TV Directors)

  • Mac Alejandre & Joyce Bernal

Pinakapipitagang Babaeng Bituin (Most Promising Female Star)

Pinakapambihirang Bituin sa Telebisyon (Phenomenal TV Star)

Mga sanggunian

baguhin
  1. Aktwal na pamagat ng serye batay sa IMDB
  2. Marian Rivera to star in Marimar
  3. "GMA 7, siksik sa mga pasabog". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-14. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. MariMar (Philippine TV series) (sa Ingles)
  5. "Nagbalik si Direk Joyce sa Kapuso Network". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-30. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Tinanggihan ni Angel Locsin ang MariMar dahil sa sahod". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-06. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Tinanggihan ni Rica Paralejo ang pag-aawdisyon sa MariMar". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-05. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Marian Rivera has "80 percent" chance of playing Marimar". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-18. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. GMA NEWS.TV, TV Ratings: Marimar hits 39.3%; surpasses pilot rating
  10. "Nakakuha ang MariMar na nakakayanig na 40%". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-11. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Tumutuloy pa rin ang pagtaas ng MariMar at Kung Mahawi Man Ang Ulap". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-24. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. ""MariMar" and "Zaido" reach new heights". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-18. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. ""Daisy Siete" tops daytime race for three days while "MariMar" closes in on 50% mark". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-13. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. ""Marimar" achieves new milestone while Kamandag primer spews venom". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-13. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-24. Nakuha noong 2008-02-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. http://profile.imeem.com/OLiMD4/music/LWu9-5IO/gerald_santos_mahal_kita
  17. http://www.leoslyrics.com/listlyrics.php?hid=tDUlyHQURyc=
  18. http://galun.imeem.com/playlist/LSrvojkv/gma7_marimar_ost_music_playlist/
  19. [1]
  20. http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-03-19&sec=3&aid=53162
  21. "FIRST READ ON PEP: John Lloyd Cruz and Bea Alonzo named Box-Office King & Queen for 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-09. Nakuha noong 2008-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Silipin din

baguhin

Panlabas na kawing

baguhin