Kapuluang Spratly

pinag-aagawang kapuluan sa Dagat Kanlurang Pilipinas
(Idinirekta mula sa Mga pulo ng Spratly)

Ang Kapuluan ng Kalayaan[1] o Kapuluang Spratly (Tsino: 南沙群島/南沙群岛; pinyin: Nánshā Qúndǎo; Malay: Kepulauan Spratly; Biyetnames: Quần đảo Trường Sa) ay isang pinag-agawang kapuluan sa Dagat Timog Tsina. Binubuo ng mga pulo, isleta, káyo,[2] at higit sa 100 bahura, minsan nakagrupo sa mga nakalubog na lumang karang,[3] matatagpuan ang kapuluan sa bandang gitna ng mga baybayin ng Pilipinas, Malaysia, at timog Biyetnam. Ipinangalan kay Richard Spratly, ang balyenerong Britaniko noong ika-19 siglo na nakakita ng Pulo ng Spratly noong 1843, mas kaunti pa sa 2 km2 (490 akre) ang lupang natural ng mga isla na nakakalat sa lawak ng higit sa 425,000 km2 (164,000 mi kuw).

Mapa ng mga Pulo ng Spratly

Isa sa mga pangunahing kapuluan ang Kapuluang Spratly sa Dagat Timog Tsina na nagpapalubha sa pamamahala at ekonomika sa bahaging ito ng Timog-silangang Asya dahil sa estrahetikong lokasyon nito sa mga daanan ng mga barko. Halos walang nakatira sa mga isla, ngunit napapalibutan ito ng dagat na mayaman sa isda at posibleng may malalaking reserba ng langis at likas na gas,[4][5][6] kaya mahalaga ito sa mga nag-aangkin sa kanilang mga pagtatangka na magtatag ng mga hangganang internasyonal. May mga pamayanang sibilyan sa iilang pulo, ngunit sa halos 45 pulo, isleta, bahura at buhanginan na inookupahan ng mga militar mula sa Malaysia, Tsina (PRC), Taiwan (ROC), Pilipinas, at Biyetnam. Bukod pa rito, nag-angkin ang Brunay ng eksklusibong sonang ekonomiko sa timog-silangang bahagi ng Kapuluang Spratly, kabilang dito ang di-tinatahanang Bahurang Louisa.

Buod ng heograpiya at ekonomika

baguhin

Noong 1939, mga isleta sa bahura ang Kapuluang Spratly na pinanirahan ng mga ibong dagat.[2] Kahit nagtataglay ang Kapuluang Spratly ng 18 likas na pulo (tingnan sa baba), ayon sa isang sangguniang Tsino noong 1986, binubuo ang kapuluang Spratly ng 14 pulo o isleta, 6 pampang, 113 bahurang lubog, 35 lubog na pampang at 25 buhanginang lubog.[7]

Kilala ang hilagang-silangang bahagi ng Kapuluang Spratly bilang Dangerous Ground (Lupang Mapanganib) at kakikitaan ng maraming mababang isla, bahurang lubog, at degradadong, lubog na karang na may sagay na kadalasang tumataas bigla mula sa kalaliman ng dagat na higit pa sa 1,000 metro (3,000 tal) – kaya delikadong maglayag sa lugar na iyon.

Halos parehas ang mga pulo; ang mga ito ay káyo (o cay sa Ingles): mga islang buhangin na nabuo sa mga lumang bahura na degradado at nakalubog.

Halos walang masasakang lupa ang Kapuluang Spratly. Halos walang nakatira roon, at iilang pulo lamang ang may permanenteng suplay ng maiinom na tubig.[5][8]

Kabilang sa mga likas na yaman nito ang isda, guwano, langis at likas na gas.[9] Kasama sa mga gawaing ekonomiko ang komersiyal na pangingisda, pagbabarko, pagmimina ng guwano, pagsasamantala ng langis at gas, at mas kamakailan, turismo. Matatagpuan ang Kapuluang Spratly malapit sa ilang mga daanan ng barko.

# Pangalan ng Pulo sa Karang Area
(ha.)
Lokasyon Kasalukuyang inookupahan ng Tinambakang lupa
1 Pulo ng Ligaw Pampang ng Tizard 46.00 10°23′N 114°21′E / 10.383°N 114.350°E / 10.383; 114.350 Taiwan (Pulo ng Taiping) ~6 ha
2 Pulo ng Pag-asa Kapuluang Pag-asa 37.20 11°03′N 114°17′E / 11.050°N 114.283°E / 11.050; 114.283 Pilipinas (Pulo ng Pag-asa)
3 Pulo ng Likas Pulo ng Likas 18.60 11°05′N 115°01′E / 11.083°N 115.017°E / 11.083; 115.017 Pilipinas (Pulo ng Likas)
4 Pulo ng Spratly Pulo ng Spratly 13.00 08°38′N 111°55′E / 8.633°N 111.917°E / 8.633; 111.917 Biyetnam (Pulo ng Trường Sa)
5 Pulo ng Parola Bahura ng North Danger 12.70 11°28′N 114°21′E / 11.467°N 114.350°E / 11.467; 114.350 Pilipinas (Pulo ng Parola)
6 Pulo ng Pugad Bahura ng North Danger 12.00 11°26′N 114°20′E / 11.433°N 114.333°E / 11.433; 114.333 Biyetnam (Pulo ng Song Tử Tây) ~8 ha
7 Pulo ng Rurok Pampang ng Pagkakaisa 08.00 09°52′N 114°19′E / 9.867°N 114.317°E / 9.867; 114.317 Biyetnam (Pulo ng Sinh Tồn) ~1 ha
8 Pulo ng Lawak Pangkat Nanshan 07.93 10°45′N 115°49′E / 10.750°N 115.817°E / 10.750; 115.817 Pilipinas (Pulo ng Lawak)
9 Pulo ng Bailan Pampang ng Tizard 07.00 10°23′N 114°28′E / 10.383°N 114.467°E / 10.383; 114.467 Biyetnam (Pulo ng Sơn Ca) ~2.1 ha[10]
10 Pulo ng Kota Pampang ng Kota 06.45 10°40′N 114°25′E / 10.667°N 114.417°E / 10.667; 114.417 Pilipinas (Pulo ng Kota)
11 Bahura ng Celerio Bahura ng Celerio 06.20 07°22′N 113°50′E / 7.367°N 113.833°E / 7.367; 113.833 Malaysia (Bahura ng Layang-Layang)
12 Pulo ng Binago Pampang ng Tizard 05.30 10°11′N 114°22′E / 10.183°N 114.367°E / 10.183; 114.367 Biyetnam (Pulo ng Nam Yết)
13 Pulo ng Datu Kalantiaw Pulo ng Datu Kalantiaw 01.60 07°51′N 112°55′E / 7.850°N 112.917°E / 7.850; 112.917 Biyetnam (Pulo ng An Bang)
14 Pulo ng Julian Felipe Pampang ng Pagkakaisa 01.60 09°51′N 114°29′E / 9.850°N 114.483°E / 9.850; 114.483 Biyetnam (Pulo ng Sinh Tồn Đông)
15 Bahura ng Kanluran Bahura ng Quezon 01.10 08°52′N 112°15′E / 8.867°N 112.250°E / 8.867; 112.250 Biyetnam (Pulo ng Đá Tây)
16 Bahura ng Gitna Bahura ng Quezon 00.88 08°56′N 112°21′E / 8.933°N 112.350°E / 8.933; 112.350 Biyetnam (Pulo ng Trường Sa Đông)
17 Pulo ng Patag Pangkat Nanshan 00.57 10°49′N 115°49′E / 10.817°N 115.817°E / 10.817; 115.817 Pilipinas (Pulo ng Patag)
18 Pulo ng Panata Pampang ng Kota 00.44 10°43′N 114°32′E / 10.717°N 114.533°E / 10.717; 114.533 Pilipinas (Pulo ng Panata)

177 ha (440 akre) ang kabuuang lawak ng mga likas na pulo ng kapuluan at 200 ha (490 akre) kapag kasama ang tinambakang lupa.

 
Mapa galing sa NAMRIA na pinapakita ang mga pulo at katangian ng Kapuluang Spratly o ng Kapuluan ng Kalayaan (Spartly Islands). Ang mga pangalan ng mga pulo at katangian ay ang kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin
 
Ipinapakita ng mapang Velarde ang aktuwal na kontrol ng Pilipinas sa Buhanginan ng Panatag, pati na rin ang mga pulo sa labas ng Palawan, na kinilala bilang Kapuluang Spratly. Naging isa sa mga pangunahing ebidensiya ang mapa sa pandaigdigang kaso Pilipinas v. Tsina. Pinabulaanan nito ang di-umano'y pag-aangkin ng Tsina tungkol sa siyam na gatlang na guhit.[11]

Ipinakikita ng mga rekord na pinaninirahan ang mga isla ng mga mangingisdang Tsino at Biyetnames sa iba't ibang panahon sa kasaysayan. Noong 1888, pinagkalooban ang Central Borneo Company ng arindamyento o lease upang magguwano "sa Pulo ng Sprattly at Káyo ng Amboyna."[12] Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inokupahan ito ng mga tropa mula Indotsinang Pranses at Hapon.[13][14][15] Subalit walang talaan ng malalaking pamayanan sa mga isla hanggang 1956, kung kailan nagpasya ang Pilipinong abenturero na si Tomás Cloma, Sr. na "angkinin" ang isang bahagi ng kapuluang Spratly bilang kanya, pinangalanan itong "Free Territory of Freedomland" (Malayang Teritoryo ng Lupang-malaya).[16]

May ebidensiya ng presensiya ng tao sa rehiyon noon pa mang 50,000 taon nakalipas sa Kuwebang Tabon, Palawan. Kaya mahirap sabihin kung kailan unang dumating ang mga tao sa kapuluang ito. Sa loob ng makasaysayang panahon, ilang grupo ang maaaring dumaan o sumakop sa mga pulo. Mula 600 BK hanggang 3 BK, nagkaroon ng migrasyon mula silangan pakanluran ng mga miyembro ng madaragating kultura ng Sa Huỳnh. Maaaring dumaan sila sa mga Kapuluang Spratly habang papunta sila sa Biyetnam. Itong mga migrante ang mga ninuno ng mga Cham, mga taong nag-aaustronesyo na nagtatag ng imperyo ng Lumang Champa na namuno sa dagat na kilala noon ng maraming siglo bilang Dagat Champa.[17][18]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Anda, Redempto (17 Hulyo 2012). "Government told of China buildup 2 months ago" [Pagtatatyo ng Tsina, ipinaalam sa pamahalaan sa 2 nakaraang buwan]. Philippine Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2013. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Claudius Madrolle (1939). "La question de Hai-nan et des Paracels" [Ang tanong ng Hai-nan at Paracel]. Politique étrangère (sa wikang Pranses). 4 (3): 302–312. doi:10.3406/polit.1939.5631. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hunyo 2018. Nakuha noong 7 Mayo 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "South China Sea Islands". Terrestrial Ecoregions. World Wildlife Fund.
  4. Owen, N. A. and C. H. Schofield, 2012, Disputed South China Sea hydrocarbons in perspective [Pinag-aagawang haydrokarbon sa Dagat Timog Tsina sa balanseng pangmalas] (sa wikang Ingles). Marine Policy. bol. 36, blg. 3, mga pa. 809–822.
  5. 5.0 5.1 "Why is the South China Sea contentious?" [Bakit pinagtatalunan ang Dagat Timog Tsina?]. BBC (sa wikang Ingles). Hulyo 12, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Q&A: South China Sea dispute" [T&S: Alitan sa Dagat Timog Tsina]. BBC News (sa wikang Ingles). 13 Hunyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2013. Nakuha noong 30 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The Impact of Artificial Islands on Territorial Disputes Over The Spratly Islands, by Zou Keyuan" [Ang Epekto ng Mga Pulong Artipisyal sa Alitan sa Teritoryo ng Kapuluang Spratly, ni Zou Keyuan] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2016. Nakuha noong 7 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Mark E. Rosen (18 Hulyo 2016). "China Has Much to Gain From the South China Sea Ruling" [Tsina, Malaking Mapapakinabangan sa Alituntunin ukol sa Dagat Timog Tsina]. The Diplomat (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Abril 2017. Nakuha noong 2017-04-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Tandaan, gayunpaman, kinekuwestiyon ng isang ulat ng US EIA noong 2013 ang ekonomikong biyabilidad ng karamihan ng mga potensiyal na reserba.
  10. "Sandcastles of their own: Vietnamese Expansion in the Spratly Islands" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2015. Nakuha noong 13 Mayo 2016. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Ever heard of the 1734 Murillo Velarde map and why it should be renamed?" [Narinig mo na ba ang Mapa ni Murillo Velarde ng 1734 at kung bakit kailangan itong pangalanan muli?] (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Setyembre 2019. Nakuha noong 6 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "FO 881/5741". Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2020. Nakuha noong 20 Pebrero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Timeline". History of the Spratlys (sa wikang Ingles). www.spratlys.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2014. Nakuha noong 21 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Chemillier-Gendreau, Monique (2000). Sovereignty Over the Paracel and Spratly Islands [Sovereignty sa Mga Kapuluang Paracel at Spratly] (sa wikang Ingles). Kluwer Law International. ISBN 978-90-411-1381-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. China Sea pilot [Piloto sa Dagat Tsina] (sa wikang Ingles). Bol. 1 (ika-8th (na) edisyon). Taunton: UKHO – United Kingdom Hydrographic Office. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2014. Nakuha noong 21 Marso 2014.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "China and Philippines: The reasons why a battle for Zhongye (Pag-asa) Island seems unavoidable" [Tsina at Pilipinas: Ang mga dahilan kung bakit tila hindi maiiwasan ang labanan para sa Pulo ng Zhongye (Pag-asa)]. China Daily Mail (sa wikang Ingles). 13 Enero 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Marso 2014. Nakuha noong 21 Marso 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Thurgood, Graham (1999), From Ancient Cham to Modern Dialects: Two Thousand Years of Language Contact and Change [Mula Sinaunang Cham hanggang Modernong Diyalekto: Dalawang Libong Taon ng Pakikipag-ugnayan at Pagbabago sa Wika] (sa wikang Ingles), University of Hawaii Press, p. 16, ISBN 978-0-8248-2131-9, inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-21, nakuha noong 16 Disyembre 2015{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "The Cham: Descendants of Ancient Rulers of South China Sea Watch Maritime Dispute From Sidelines" [Ang Cham: Mga Kaapu-apuhan ng mga Sinaunang Pinuno ng Dagat Timog Tsina, Nagnonood ng Maritimong Alitan sa Tabi]. National Geographic (sa wikang Ingles). 18 Hunyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2014. Nakuha noong 29 Hunyo 2015.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)