Ang Miss World 1953 ay ang ikatlong edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 19 Oktubre 1953.

Miss World 1953
Denise Perrier
Petsa19 Oktubre 1953
PresentersEric Morley
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
Lumahok15
Placements6
Bagong sali
  • Ceylon
  • Ehipto
  • Gresya
  • Israel
  • Monako
  • Noruwega
Hindi sumaliIrlanda
NanaloDenise Perrier
 Pransiya
← 1952
1954 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni May-Louise Flodin ng Suwesya si Denise Perrier ng Pransiya bilang Miss World 1953.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pransiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Alexandra Ladikou ng Gresya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Marina Papaelia ng Ehipto.[3]

Mga kandidata mula sa labinlimang bansa ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.

Kasaysayan

baguhin
 
Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1953

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa labinlimang bansa ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanyang kompetisyong pambansa, at dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

baguhin

Dapat sanang kakatawan sa bansang Ehipto sa edisyong ito si Miss Egypt 1953 Antigone Costanda. Gayunpaman, dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Marina Papaelia. Kalaunan ay lumahok sa sumunod na edisyon si Costanda at nagwagi.[4][5]

Dahil pinili ni Miss France 1953 Sylviane Carpentier na huwag sumali sa Miss World o sa Miss Universe upang magpakasal, dalawang magkaibang kompetisyon ang isinagawa upang piliin ang kinatawan ng Pransiya para sa Miss World at Miss Universe. Ang Miss Cinémonde pageant ang naatasang pumili ng kandidata ng Pransiya sa Miss Universe, samantalang ang French Committee of Elegance ang naatasang pumili ng kandidata ng Pransiya sa Miss World.[6] Kalaunan ay napili si Denise Perrier bilang kinatawan ng Pransiya sa Miss World, habang napili si Christiane Martel bilang kinatawan ng Pransiya sa Miss Universe.[7] Parehong nagwagi ang dalawa sa kanilang sinalihang internasyonal na kompetisyon.[3][8]

Mga unang pagsali at pag-urong

baguhin

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Ceylon, Ehipto, Gresya, Israel, Monako, at Noruwega sa edisyong ito. Hindi sumali si Mary Murphy ng Irlanda sa edisyong ito dahil siya ay nagkasakit.

Dapat sanang lalahok sa edisyong ito si Sepia Degehet ng Belhika, ngunit ipinadala na lamang ng Miss Belgium si Degehet sa Miss Europe matapos ang pangyayaring idinulot ng kandidata ng Belhika noong nakaraang taon.[9][10] Hindi rin kumalahok si Marcella Mariani ng Italya matapos makatanggap ng alok para sa isang pelikula.[11] Dapat rin sanang lalahok sina Lore Felger ng Austrya Leyla Saroufin ng Libano, subalit hindi sila nakasali dahil sa kakulangan sa isponsor.[12]

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansang sumali sa Miss World 1953 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1953
1st runner-up
  •   Gresya – Alexandra Ladikou
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up

Kompetisyon

baguhin

Pormat

baguhin

Pumarada muna ang labing-isang kandidata suot ang kanilang evening gown sa harapan ng mga hurado. Pagkatapos ay pumarada naman ang labing-isang kandidata sa kanilang mga damit panlangoy. Pagkatapos ng pagrampa sa kanilang mga damit panlangoy, inanunsyo ni Eric Morley ang limang pinalista upang iparampa muli sa harapan ng mga hurado habang suot ang kanilang mga evening gown.[2][3]

Komite sa pagpili

baguhin
  • Cowan Dobson – Isang portrait artist mula sa Eskosya
  • Charles Eade – direktor ng dyaryong Sunday Dispatch
  • Margaret Lockwood – Ingles na aktres
  • David Niven – Ingles na aktor
  • M. Pireur – miyembro ng komite ng Miss Europe
  • Godfrey Winn – Mamamahayag na Ingles

Mga kandidata

baguhin
 
Ang mga kandidata ng Miss World 1953

Labinlimang kandidata ang lumahok para sa titulo.[13]

Bansa Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Wilma Kanders[14] 20 Düsseldorf
  Ceylon Manel Illangakoon[15] 20 Colombo
  Dinamarka Ingrid Andersen 21 Copenhague
  Ehipto Marina Papaelia[16] 20 Cairo
  Estados Unidos Mary Kemp Griffin[17] 23 Los Angeles
  Gran Britanya Brenda Mee[18] 20 Derby
  Gresya Alexandra Ladikou 20 Kavala
  Israel Havatzelet Dror[19] 19 Tel-Abib
  Monako Elizabeth Chovisky[20] 18 Monako
  Noruwega Solveig Gulbrandsen[21] 23 Oslo
  Olanda Yvonne Meijer[22] 20 Haarlem
  Pinlandiya Maija-Riitta Tuomaala[23] 19 Helsinki
  Pransiya Denise Perrier[24] 18 Ambérieu-en-Bugey
  Suwesya Ingrid Johansson 18 Estokolmo
  Suwisa Odette Michel 19

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Denise, 18, elected 'Miss World'". The Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1953. p. 2. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "She's Miss World". Daily News (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 1953. p. 74. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 "Paris cutie gains "Miss World" title". News-Press (sa wikang Ingles). 20 Oktubre 1953. p. 1. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. ""Miss Egypt" is now "Miss World"". The Courier-Mail. Brisbane. 21 Oktubre 1954. p. 5. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "'Revenge at last' for beauty contest winner". The Courier-Mail (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1954. p. 5. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Sylviane Carpentier, Miss France 1953, est décédée". Le Dauphine (sa wikang Pranses). 17 Oktubre 2017. Nakuha noong 22 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Miss Cinema is niet mis!" [Miss Cinema is not wrong!]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 26 Hunyo 1953. p. 1. Nakuha noong 25 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "New Miss Universe is a cute Parisian dish". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1953. p. 10. Nakuha noong 25 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Op weg naar de titel "Miss Europa"" [On the way to the title “Miss Europe"]. Nieuw Utrechtsch dagblad (sa wikang Olandes). 1 Setyembre 1953. p. 5. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Veronese, Massimo (26 Agosto 2020). "Marcella Mariani, la tragica Miss Italia che perse la vita al posto della Loren". Il Giornale (sa wikang Italyano). Nakuha noong 22 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Aspira al titolo di Miss Mondo" [Aspire to the title of Miss World]. La Stampa (sa wikang Italyano). 10 Hunyo 1953. p. 1. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Miss Mondo Miss Mondo sarà scelta stasera in una sala di Londra" [Miss World Miss World will be chosen tonight in a hall in London]. La Stampa (sa wikang Italyano). 19 Oktubre 1953. p. 7. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "SARA' LA PIÙ' BELLA?" [IT WILL BE THE MOST BEAUTIFUL]. La Nuova Stampa (sa wikang Italyano). 18 Oktubre 1953. p. 6. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng La Stampa.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Mrs. Sri Lanka World 2020: Crowned, de-crowned & re-crowned". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 7 Abril 2021. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Miss Egypt peps things up with a bikini". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 1953. p. 2. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Beauty aspires to 'cop' title". Pittsburgh Post-Gazette (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1953. p. 2. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "But—there's a chance for Miss Dee". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 24 Agosto 1953. p. 10. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Miss Israel '53". The Jewish News of Northern California (sa wikang Ingles). 14 Agosto 1953. p. 4. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2022. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng The National Library of Israel.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Not Beautiful Enough!". Mirror (sa wikang Ingles). 23 Enero 1954. p. 8. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Concorrenti al titolo di Miss Mondo" [Contestants for the title of Miss World]. La Stampa (sa wikang Italyano). 15 Oktubre 1953. p. 3. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. ""Miss Holland" naar Turkije" ["Miss Holland" to Turkey]. Nieuwe Tilburgsche courant (sa wikang Olandes). 29 Agosto 1953. p. 9. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. De Rybel, Seija (8 Setyembre 2006). "Maija-Riitta Tuomaala. Miss Suomi 1953". Yle (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 22 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Jaegle, Yves (18 Agosto 2012). "C'est notre seule Miss Monde". Le Parisien (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2022. Nakuha noong 22 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin