Miss World 1954
Ang Miss World 1954 ay ang ikaapat na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 18 Oktubre 1954.
Miss World 1954 | |
---|---|
Petsa | 18 Oktubre 1954 |
Presenters | Eric Morley |
Pinagdausan | Lyceum Ballroom, Londres, Reino Unido |
Lumahok | 16 |
Placements | 6 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik | Irlanda |
Nanalo | Antigone Costanda Ehipto |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Denise Perrier ng Pransiya si Antigone Costanda ng Ehipto bilang Miss World 1954.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Ehipto sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Karin Hultman ng Estados Unidos, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Efi Mela ng Gresya.[2]
Mga kandidata mula sa labing-anim na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.
Kasaysayan
baguhinPagpili ng mga kalahok
baguhinAng mga kalahok mula sa labing-anim na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo, at dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa matapos ang pag-urong ng orihinal na nanalo.
Mga pagpalit
baguhinIniluklok ang first runner-up ng Miss Italy 1954 na si Cristina Fanton bilang kandidata ng Italya sa Miss World matapos masangkot sa isang aksidente si Miss Italy 1954 Eugenia Bonino.[3][4] Iniluklok ang second runner-up ng Miss France 1954 na si Claudine Bleuse matapos na piliin ni Miss France 1954 Monique Lambert na huwag lumipad papuntang Londres upang sumali sa Miss World.[5]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
baguhinLumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Belhika, Italya, at Turkiya, at bumalik ang bansang Irlanda na huling sumali noong 1952. Hindi sumali ang mga bansang Israel, Monako, at Noruwega sa edisyong ito.
Hindi sumali si Malka Rozenblat ng Israel matapos malaman ng mga pageant organizer ng Miss Israel na may asawa si Rozenblat. Bagamat pinapayagan ng Miss World ang mga babaeng may asawa na sumali sa kompetisyon, hindi pinapayagan ng Miss Israel ang mga babaeng may asawa na sumali sa kahit anong internasyonal na kompetisyon. Hindi sumali si Mona Stornes ng Noruwega matapos piliin ang magpakasal sa Amerika.[6][7] Hindi sumali ang Monako matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok. Dapat rin sanang lalahok si Seeta Indranie Mahabir ng Kanlurang Indies, ngunit hindi ito nagpatuloy dahil sa kakulangan ng suporta mula sa kanilang pamahalaan.
Mga resulta
baguhinMga pagkakalagay
baguhinPagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1954 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
5th runner-up |
Kompetisyon
baguhinPormat
baguhinPumarada muna ang labing-isang kandidata suot ang kanilang evening gown sa harapan ng mga hurado. Pagkatapos ay pumarada naman ang labing-isang kandidata sa kanilang mga damit panlangoy. Pagkatapos ng pagrampa sa kanilang mga damit panlangoy, ang na pinalista ang napili upang iparampa muli sa harapan ng mga hurado habang suot ang kanilang mga damit panlangoy.[8]
- Lady Isabel Barnett – Tanyag na personalidad sa telebisyon ng Reyno Unido
- Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe
- Bebe Daniels – Amerikanang aktres
- Simon Elwes – Pintor na Ingles
- Gracie Fields – Aktres na Ingles
- Sir Cedric Hardwicke – Stage actor na Ingles
- Vijaya Lakshmi – High commissioner ng Indiya sa Londres
- Ben Lyon – Amerikanong aktor na naging komedyante sa radyo ng Reyno Unido
Mga kandidata
baguhinLabing-anim na kandidata ang lumahok para sa titulo.[9][10]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Frauke Walther[11] | 19 | Düsseldorf |
Belhika | Nelly Dehem[12] | 19 | Bruselas |
Ceylon | Jeannette de Jonk[13] | 20 | Colombo |
Dinamarka | Grete Hoffenblad[14] | 17 | Rødovre |
Ehipto | Antigone Costanda[15] | 21 | Alehandriya |
Estados Unidos | Karin Hultman[16] | 22 | Rochester |
Gran Britanya | Patricia Butler | 23 | Hoylake |
Gresya | Efi Mela[14] | 21 | Atenas |
Irlanda | Connie Rodgers[14] | 24 | Dublin |
Italya | Cristina Fanton[17] | 17 | Modena |
Olanda | Conny Harteveld[18] | 22 | Leiden |
Pinlandiya | Yvonne de Bruyn[19] | 19 | Helsinki |
Pransiya | Claudine Bleuse[20] | 16 | Villeconin |
Suwesya | Margareta Westling[21] | 19 | Estokolmo |
Suwisa | Claudine Chaperon Du Larret[14] | 20 | Zürich |
Turkiya | Sibel Göksel[14] | 18 | Istanbul |
Mga tala
baguhin- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Meet 'Miss World'". The Straits Times (sa wikang Ingles). 20 Oktubre 1954. p. 1. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Revenge at last' for beauty contest winner". The Courier-Mail (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1954. p. 5. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty Contests Now Grim Business In Italy". The Newcastle Sun (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 1954. p. 8. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Italia infortunata sarà sostituita da Cristina Fanton" [Injured Miss Italy will be replaced by Cristina Fanton]. La Stampa (sa wikang Italyano). 13 Oktubre 1954. Nakuha noong 20 Abril 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "No title". Barrier Miner (sa wikang Ingles). 22 Oktubre 1954. p. 11. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Norway of 1954 files suit for divorce". The Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 25 Pebrero 1958. p. 2. Nakuha noong 7 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Blonde is queen". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 7 Mayo 1954. p. 50. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 "Miss World". Het Nieuws: Algemeen Dagblad (sa wikang Olandes). 19 Oktubre 1954. p. 2. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Judges' dilemma: Which to pick for 'Miss World'". The Straits Times (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 1954. p. 2. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sono tenute sotto chiave le concorrenti a « Miss Mondo»" [Competitors in "Miss Mondo" are kept under lock and key]. La Stampa (sa wikang Italyano). 16 Oktubre 1954. p. 3. Nakuha noong 20 Abril 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Too much sex appeal". The Sun (sa wikang Ingles). 20 Oktubre 1954. p. 1. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Candidaten uit zestien landen Wie zal „Miss World" voorden?" [Candidates from Sixteen Countries: Who will present “Miss World”?]. Twentsch dagblad Tubantia (sa wikang Olandes). 16 Oktubre 1954. p. 7. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jeanette is the pick of Ceylon". The Newcastle Sun (sa wikang Ingles). 1 Nobyembre 1954. p. 6. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 "Wereldkampioenschap der schoonheid" [Beauty World Championship]. Het Parool (sa wikang Olandes). 16 Oktubre 1954. p. 3. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Miss World' receives congratulations". Pittsburgh Post-Gazette (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1954. p. 1. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kodak beauty tours London on of Miss World test". Democrat and Chronicle (sa wikang Ingles). 16 Oktubre 1954. p. 29. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cristina Fanton è giunta a Londra per l'elezione di Miss Mondo 1954" [Cristina Fanton has arrived in London for the election of Miss World 1954]. La Stampa (sa wikang Italyano). 15 Oktubre 1954. p. 5. Nakuha noong 20 Abril 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Holland naar Londen" [Miss Holland to London]. Provinciale Drentsche en Asser courant (sa wikang Olandes). 13 Oktubre 1954. p. 2. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seppänen, Mika (14 Hunyo 2013). "Entinen Miss Suomi kuoli yllättäen". Ilta-Sanomat (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 22 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "She was France's first selection". The Newcastle Sun (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 1954. p. 12. Nakuha noong 22 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Teenagers seek title". The Herald (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 1954. p. 10. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)