Ang Miss World 1955 ay ang ikalimang edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 20 Oktubre 1955.

Miss World 1955
Susana Duijm
Petsa20 Oktubre 1955
PresentersEric Morley
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
Lumahok21
Placements8
Bagong sali
  • Australya
  • Austrya
  • Beneswela
  • Honduras
  • Kuba
  • Lupangyelo
Hindi sumali
  • Ehipto
  • Suwisa
  • Turkiya
Bumalik
  • Israel
  • Monako
NanaloSusana Duijm
Venezuela Beneswela
← 1954
1956 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng aktor na si Eunice Gayson si Susana Duijm ng Beneswela bilang Miss World 1955.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Beneswela sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Margaret Anne Haywood ng Estados Unidos, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Tzoulia Coumoundourou ng Gresya.[2][3] Hindi nakadalo si Miss World 1954 Antigone Costanda ng Ehipto dahil sa sigalot sa pagitan ng Ehipto at Reyno Unido sa Kanal Suez.

Mga kandidata mula sa dalawampu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.

Kasaysayan

baguhin
 
Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1955

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa dalawampu't-isang mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo.

Mga pagpalit

baguhin

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Suomi 1955 na si Mirva Arvinen matapos na hindi lumahok si Miss Suomi 1955 Inga-Britt Soderberg dahil nanalo na ito sa Miss Europe.[4] Dahil hindi sumali ang orihinal na Miss Australia 1955 na si Shirley Bliss, dalawang kandidata ang nais maging kinatawan ng Australya sa Miss World: sina Miss Victoria Beverley Prowse ng Melbourne, at si Miss South Australia Pat Doran ng Adelaide. Upang mapili kung sino ang kakalahok sa Miss World, nagsagawa ng isang botohan ang isang dyaryo sa Londres para sa kanilang mambabasa, at ang napili ng publiko bilang Miss Australia ay si Prowse.[5]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

baguhin

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Australya, Austrya, Beneswela, Honduras, Kuba, at Lupanyelo, at bumalik ang mga bansang Israel at Monako na huling sumali noong 1953. Hindi sumali ang mga bansang Ehipto, Suwisa, at Turkiya sa edisyong ito. Hindi sumali si Yolanda Cristina Gigliotti ng Ehipto dahil sa sigalot ng Reyno Unido at Ehipto tungkol sa Kanal Suez.[6] Hindi sumali si Claude Ivry ng Suwisa at Suna Soley ng Turkiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Dapat sanang kakalahok sina Lorna McLeod ng Alaska at Barbara Mamo Vieira ng Hawaii. Gayunpaman, hindi nakasali ang mga ito dahil sa kakulangan sa badyet upang lumakbay papuntang Londres.[7]

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1955 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1955
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
5th runner-up
Top 8

Kompetisyon

baguhin

Pormat ng kompetisyon

baguhin

Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semi-finalist sa edisyong ito ay itinaas sa walo mula sa anim noong nakaraang edisyon. Ang walong semifinalist ay napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competiton.

Komite sa pagpili

baguhin
  • Steve Cochran – Amerikanong aktor[9]
  • Jack Hylton – piyanistang Ingles
  • Sir Hardy Amies – taga-disenyong Ingles[9]
  • Charles Eade – mamamahayag na Ingles
  • Gerald Kelly – dating pangulo ng British Royal Academy[9]
  • Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe
  • Smith Crighton – sosyalidad na Ingles
  • Hermione Gingold – aktres na Ingles
  • Gloria Swanson – Amerikanang aktres[9]

Mga kandidata

baguhin

Dalawampu't-isang kandidata ang lumahok para sa titulo.[8][10]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Heidi Krüger[10] 18 Berlin
  Australya Beverly Prowse[11] 23 Melbourne
  Austrya Felicitas Von Goebel[12] 24 Viena
  Belhika Rosette Ghislain[13] 22 Hainaut
  Beneswela Susana Duijm[14] 19 Caracas
  Ceylon Sita Gunarate[10] 22 Colombo
  Dinamarka Karin Palm-Rasmussen[10] 18 Copenhague
  Estados Unidos Margaret Haywood[15] 20 Jonesboro
  Gran Britanya Jennifer Chimes[16] 22 Leamington
  Gresya Tzoulia Coumoundourou[17] 18 Icaria
  Honduras Pastora Pagán[18] 18 San Pedro Sula
  Irlanda Evelyn Foley[10] 22 Dublin
  Israel Miriam Kotler[10] 21
  Italya Franca Incorvaia[10] 18
  Kuba Gilda Marín[1] 26 Havana
  Lupangyelo Arna Hjörleifsdóttir[19] 22 Akureyri
  Monako Josette Travers[10] 16 Monako
  Olanda Angelina Kalkhoven[20] 18 Amsterdam
  Pinlandiya Mirva Arvinen[21] 19 Helsinki
  Pransiya Gisele Thierry[22] 21 Paris
  Suwesya Anita Åstrand[10] 21 Alingsas

 Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Miss World". The Leader-Post (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1955. p. 13. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Acclaimed 'Miss World'". The Central Queensland Herald (sa wikang Ingles). 27 Oktubre 1955. p. 12. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Venezuelan beauty wins 'Miss World'". The Calgary Herald (sa wikang Ingles). 22 Oktubre 1955. p. 7. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Junttilan, Veli (6 Hunyo 2005). "Miss Eurooppa Suomesta". Turun Sanomat (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 7 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "England asked to choose between two lovely lasses from Australia". Mirror (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 1955. p. 6. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Andrews, Farah (17 Enero 2019). "Egyptian singer Dalida celebrated with Google Doodle". The National (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "On the Inside". Fairbanks Daily News-Miner (sa wikang Ingles). 23 Setyembre 1955. p. 4. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 "Susanna Djuim (uit Venezuela) Miss World" [Susanna Djuim (from Venezuela) Miss World]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 21 Oktubre 1955. p. 1. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 "Practice Makes Perfect". The Daily News (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1955. p. 13. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 10.5 10.6 10.7 10.8 "Susane Djuim (Venezuela) is de mooiste van '55" [Susane Djuim (Venezuela) is the most beautiful of '55]. Algemeen Dagblad (sa wikang Olandes). 21 Oktubre 1955. p. 3. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Model will face judge". The Daily News (sa wikang Ingles). 18 Oktubre 1955. p. 9. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Miss Austria wird seit 90 Jahren gewählt". Wien (sa wikang Aleman). 27 Enero 2019. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Miss 55: "J'ai hésité avant de venir"". La Dernière Heure (sa wikang Pranses). 6 Abril 2009. Nakuha noong 23 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Roterman, Natalie (19 Hunyo 2016). "Susana Duijm Dead: First Latina To Ever Win Miss Mundo Passes At 79". Latin Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Arkansas girl almost Miss World". Pittsburgh Post-Gazette (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1955. p. 36. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Miss England a mother". The Daily News (sa wikang Ingles). 31 Oktubre 1955. p. 3. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Crowning glory". The Daily News (sa wikang Ingles). 7 Disyembre 1955. p. 15. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Gámez, Sabino (20 Agosto 2010). "Pastora Pagán, 55 años después de la hazaña". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 10 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Arna Hjörleifsdóttir fra Akureyri kjörin „Fegurðardrottning íslands"" [Arna Hjörleifsdóttir from Akureyri elected "Beauty Queen of Iceland"]. Fálkinn (sa wikang Islandes). 19 Agosto 1955. p. 3. Nakuha noong 8 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Miss Holland". Het Parool (sa wikang Olandes). 18 Oktubre 1955. p. 9. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "The mystery of a miss". The Daily News (sa wikang Ingles). 28 Oktubre 1955. p. 6. Nakuha noong 16 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Wants to be "Miss World"". The Straits Times (sa wikang Ingles). 18 Oktubre 1955. p. 10. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin