Abenida Ortigas

(Idinirekta mula sa Ortigas Avenue)

Ang Abenida Ortigas (Ingles: Ortigas Avenue) ay isang lansangang may haba na 15.5 kilometro (9.6 milya) at bumabagtas sa silangang bahagi ng Kalakhang Maynila at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Rizal. Isa ito sa mga pinakaabalang lansangan sa Kamaynilaan, na may mas-maraming trapiko kaysa ng EDSA. Binabagtas nito ang Lundayang Ortigas sa mga lungsod ng Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Pasig.

Abenida Ortigas
Ortigas Avenue
Abenida Ortigas pakanluran patungong Lundayang Ortigas mula IPI.
Impormasyon sa ruta
Haba15.5 km (9.6 mi)
Bahagi ng
  • R-5 R-5
  • N60 mula EDSA hanggang L. Sumulong Memorial Circle
  • N184 mula Daang Santolan hanggang EDSA
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranKalye Granada at Daang Santolan sa San Juan
 
Dulo sa silangan N600 (L. Sumulong Memorial Circle) sa Antipolo
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodSan Juan, Mandaluyong, Lungsod Quezon at Pasig sa Kalakhang Maynila, at Antipolo sa Rizal
Mga bayanCainta at Taytay in Rizal
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang kanlurang dulo nito ay sa sangandaan nito sa Daang Santolan sa Lungsod ng San Juan, at ang silangang dulo nito ay sa L. Sumulong Memorial Circle sa Antipolo, Rizal. Ang bahagi ng abenida mula Palitan ng Daang Palibot Blg. 5–Abenida Ortigas hanggang Antipolo ay tinaguriang Karugtong ng Abenida Ortigas (Ortigas Avenue Extension). Paglampas ng Daang Santolan, tutuloy ang Abenida Ortigas bilang Kalye Granada na magiging Abenida Gilmore ilang sandali bago tumbukin nito ang Bulebar Aurora upang makapasok sa New Manila, Lungsod Quezon.

Ang bahagi ng Abenida Ortigas mula Abenida Eulogio Rodriguez Jr. (C-5) sa Ugong, Pasig, hanggang sa Taytay Diversion Road sa Taytay ay itinakdang bahagi ng Daang Radyal Blg. 5 (R-5). Ang pangunahing bahagi ng abenida mula EDSA hanggang L. Sumulong Memorial Circle sa Antipolo ay isang bahagi ng N60 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Sa kabilang banda, ang bahagi ng abenida mula EDSA hanggang Daang Santolan ay itinalagang bahagi ng N184 ng nasabing sistema.

Pangalan at kasaysayan

baguhin

Ipinangalan ito kay Francisco Ortigas y Barcinas, ang nagtatag ng Ortigas & Company Limited Partnership, ang may-ari ng lupaing Hacienda de Mandaluyon kung saan itinatag ang Lundayang Ortigas.

Paglalarawan ng ruta

baguhin
 
Abenida Ortigas sa Taytay, Rizal.

Nagsisimula ang Abenida Ortigas bilang isang pisikal na karugtong ng Kalye Granada paglampas ng Abenida Bonny Serrano sa Lungsod Quezon. Dadaanin nito ang Greenhills Shopping Center, San Juan at ang likod ng Wack Wack Golf and Country Club. Tatawirin nito ang Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa Palitan ng EDSA-Ortigas at dadaan sa Lundayang Ortigas, at gagawa ng bahagyang liko sa Abenida Meralco. Dadaan ang abenida sa Ugong kalaunan pagpasok nito sa Pasig at tatawid ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) sa Palitang C5-Ortigas. Paglampas ng Palitang C-5-Ortigas, tinatawag itong Karugtong ng Abenida Ortigas (Ortigas Avenue Extension). Tatawid ito kalaunan sa Ilog Marikina at Manggahan Floodway, bahagyang magiging pang-isahang daanan (single carriageway) at babalik muli sa pandalawahang daanan (dual carriageway), at papasok sa Cainta, Rizal pagkatapos ng SM City East Ortigas (dating Ever Gotesco Ortigas). Tatawid ito sa Abenida Andres Bonifacio at Abenida Imelda sa Tagpuang Cainta, ang unang simula ng Manila East Road. At pagkatapos tutuloy ito sa Antipolo at dadaan sa Tagpuang Kaytikling kasama ang Taytay Diversion Road papuntang Manila East Road. Paglampas ng Kaytikling, susundan nito ang paliku-likong ruta sa Antipolo, at dadaan sa ilang mga pantahanang subdibisyon bago matapos ito sa L. Sumulong Memorial Circle malapit sa Panlalawigang Kapitolyo ng Rizal. Tutuloy ito patungong kabayanan ng Antipolo bilang Kalye P. Oliveros, na nagtatapos malapit sa Dambana ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Our Lady of Peace and Good Voyage).

Mga sanggunian

baguhin

14°35′45″N 121°3′17″E / 14.59583°N 121.05472°E / 14.59583; 121.05472