Padron:UnangPahinaArtikulo/Watawat ng Pilipinas

Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may araw na walo ang sinag, at tatlong bituin, parehong kulay ginto, at nakapatong sa puting tatsulok na equilateral. Sa gawing taas ng natitirang bahagi ay ang kulay asul at sa ibaba nito ang kulay pula. Ang pagkakabagay-bagay ng watawat ay 1:2.

Ang watawat ay unang naisip gawin ni Emilio Aguinaldo. Si Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Josefina Herbosa de Natividad ang nagtahi ng unang bandila sa Hong Kong. (Sa ibang aklat, ang pangalan ng pamangkin ay Delfina Herbosa de Natividad.)

Ayon sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas ng 12 Hunyo 1898, ang puting trianggulo ang natatanging sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon. Ang tatlo nitong bituin ay kumakatawan sa tatlong heograpikal na grupo ng mga isla sa bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao, bagama't sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ang isa sa tatlong bituin nito ay orihinal na kumatawan sa isla ng Panay, imbes na Visayas. Gayunpaman, kapwa silang nagpapahiwatig ng mismong ideya: ang pagkakaisa ng mga magkakahiwalay na tao at kultura sa iisang Nasyon. Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsiyang unang nag-alsa sa Kastila: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, at Batangas.

Mga kamakailan lamang napili: ThalíaMariMarFernando Cueto AmorsoloMicrosoft WindowsMarami pang artikulong napili...