Pagpanaw at parangal kay Corazon Aquino

Pumanaw ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009 sa edad na 76. Nilibing siya noong 5 Agosto 2009. Tinuturing siyang Bayani ng sa ika-5 ng Agosto. Siya itinuturing na Bayani ng Rebolusyong EDSA ng 1986 na nagbalik sa malayang pamamahala sa Pilipinas. Bagamat nagsimula sa buhay politika bilang isang "karaniwang maybahay", kinikilala na siya ngayon bilang isang Simbolo ng Demokrasya sa buong Daigdig. Siya ang biyuda ng martir na si dating Senador Benigno Aquino. Inulan siya ng parangal sa pamamagitan ng mga dilaw na laso at konpeti bilang pagkilala sa kanyang dakilang kabayanihan.

Ang pusisyon ng libing ni Corazon Aquino
Ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon "Cory" Aquino.

Noong 24 Marso 2008, inanunsiyo ng pamilyang Aquino na may sakit na kanser sa kolon ang dating Pangulong si Corazon Aquino.[1] Binigyan siya ng kimoterapya nang malamang may hanggang tatlong buwan na lamang siya mabubuhay.[2] Sa mga pampublikong pahayag, noong 13 Mayo 2008, kanyang sinabi na maganda ang resulta ng pagpapaggamot matapos siya suriin ang dugong kinuha sa kanya[3] Bagamat nakakaranas ng matinding karamdaman, nanatiling aktibo sa publiko si Gng. Aquino, at patuloy siyang sumasama sa mga misa hanggang maospital noong mga huling araw ng Hunyo 2009.

Mga huling araw

baguhin

Ipinahayag noong Hulyo 2009 na malubha na ang kundisyon ng dating Pangulo kaya't isinugod na siya sa Makati Medical Center hinggil sa kawalan ng ganang kumain.[4] Dahil sa kalubhaan ng kanyang kundisyon, nagpasya ang pamilyang Aquino na itigil na lamang ang lahat ng gawaing medikal pati na ang kimoterapya.[5][6]

Pagkamatay

baguhin
 
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:

Namatay si Gng. Aquino sa sanhing cardiopulmonary arrest matapos ang maraming kumplikasyon buhat ng sakit niya sa kolon,[7] sa edad na 76 noong 1 Agosto 2009, 3:18 ng madaling araw, doon sa Makati Medical Center.[8]

"Our mother peacefully passed away at 3:18 a.m. (19:18 GMT Friday) of cardio-respiratory arrest (Namatay ng mapayapa ang aming ina noong ika-3:18 ng madaling araw sa sanhing paghuling kardyorespiratoryo)," sabi ng kanyang panganay na anak na lalaking si Senador Benigno Aquino III nang kausap ang mga mamahayag sa Kalakhang Maynila.[9]

Mga paunang reaksiyon

baguhin

Nagsimula ng mga misa sa patay ang lahat ng mga parokyang Katoliko matapos ang pagkamatay ni Aquino, na dapat sana'y mga misa para sa pagpapagaling ng may sakit.[10] Nagtakda naman ng sampung araw na paglulksa ang pamahalaan[11] Sinabi ng dating Pangulong Joseph Estrada na nawalan ng "ina" at "boses ng liwanag ang mga Pilipino", habang itinuring niyang si Aquino bliang "Philippines' most loved woman (Ang pinakaminamahal na babae ng Pilipinas)",[12] Bagamat sinuportahan ng namayapang pangulo ang ang papatalsik sa kanya.[13] Nagbigay pugay ang Senado ng Pilipinas sa pamamagitan ng Pangulo ng Senado na si Juan Ponce Enrile. Ang lider ng Minorya na si Aquilino Pimentel, Jr., ay nagsabi sa halong lunkgot-at-saya na "We shall be forever indebted to Cory for rallying the nation behind the campaign to topple dictatorial rule and restore democracy' (Habang-panahon tayo magkakautang kay Cory dahil sa pagkakaisang idinulot niya sa bayan para mapatalsik ang diktatoryal na rehimen at sa pagbalik niya sa demokrasya)."[14]

Internasyunal

baguhin

Sa isang telegrama kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sinabi ng Pangulo ng Rusya na si Dmitry Medvedev na, “The name of Corazon Aquino is associated with a period of profound reforms and the democratic transformation of Filipino society (Ang pangalan ni Corazon Aquino ay maihahabilin sa panahon ng kakaibang reporma at demokratikong pagbabago ng mamayanang Pilipino).” Sinabi rin niya na ang simpatya at interes na ibinahagi ni Aquino sa bansang Rusya ang nagpalakas sa relasyong Ruso-Pilipino.[15] Maliban sa nabanggit na bansa, nagbigay rin ng mensahe ang iba pang mga nasyon tulad ng Estados Unidos, kung saan ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay nagpahayag na si Aquino ay "admired by the world for her extraordinary courage (pinararangalan ng buong daigdigdahil sa di-mapantayan nitong katapangan)". Sinabi rin ng Kalihim ng Pahayagan ng Puting Bahay (White House) na si Robert Gibbs na "Her courage, determination, and moral leadership are an inspiration to us all and exemplify the best in the Filipino nation (Ang kanyang katapangan, determinasyon, at marangal na pamumuno ay isang inspirasyon sa ating lahat na ipinagmamalaki ang kagalingan ng Bansang Pilipino)." Nagbigay rin ng mga mensahe ang mga ambahador tulad ng sa Tsile[16] Pinarangalan din ni Papa Benito XVI ang kanyang "courageous commitment to the freedom of the Filipino people, her firm rejection of violence and intolerance (matapang na pagtataguyod ng kalayaan ng mamayanag Pilipino at ang kanyang pagtanggi sa karahasan at di-pag-uunawaan)," ayon sa Arsobispo ng Maynila na si Gaudencio Kardinal Rosales. Sinabi ng Pangulo ng Timog Aprika na si Jacob Zuma na siya ay "a great leader who set a shining example of peaceful transition to democracy in her country (isang magaling na pinuno na naging isang liwanag sa mapayapang transisyon patungo sa demokrasyang kanyang bayan)."[17]

 
Pila ng mga taong nais masulyapan ang sa Katedral ng Maynila sa harapan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ang katawan ng dating Pangulong Aquino ay unang inihimlay sa Himnasyo ni San Benilde ng La Salle Greenhills sa Mandaluyong hanggang sa 3 Agosto 2009 kung kailan ito inilipat sa Katedral ng Maynila.[18] Isa sa mga unang nakiramay ay si Wan Azizah Wan Ismail, ang asawa ng lider ng oposisyon ng Malaysia na si Anwar Ibrahim, na dumating pa sa Maynila noong Linggo at naghalintulad sa napayapang Pangulo kay Jose Rizal.[19][20]

Dinaluhan ng iba't ibang personalidad sa politika at as showbis ang lamay ng dating Pangulo. Nakiramay rin ang iba't ibang ordinaryong tao gaya ng mga mag-aaral, mga madre, mga mayayaman at mahihirap, mga empleyado ng mga opisina, at mga bata at matatanda. Dumalo rin sa pagluluksang ito ang mga dating Pangulo gaya ni Fidel V. Ramos at Joseph Estrada. Nagpaabot din ng pakikiramay and Pamilya Marcos sa pamamagitan ng pagdalo nina Bongbong at Imee Marcos sa burol.[21]

Prosesyon

baguhin

Matapos ilamay sa La Salle Greenhills, idinaan ang katawan ni Aquino sa daanang EDSA, kung saan ginanap ang unang Rebolusyong ng EDSA. Inihambing ang pangyayari sa libing ni Ninoy lalo na noong napadpad na ng mga labi ang kahabaan ng daanang Ayala kung saan inawit ang nasyunalistang kantang "Bayan Ko". Maraming personalidad, pati na higit sa dalawampu't limang libong ordinaryong tao ang dumalo sa parada. Maliban sa mga nabanggit, dumaan din ang katawan ng dating Pangulo Simbahan ng EDSA, sa Luneta, at sa iba pang makasaysayang lugar sa Kalakhang Maynila. Sinalubong ang mga labi sa Katedral ng Maynila ng higit sa dalawumpung libong katao. Inaasahang higit sa isang daang libong tao ang dumagsa sa prosesyon.

Libing

baguhin

Nilibing si Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque ng 5 Agosto 2009, na idineklara ng Pangulong Arroyo na isang piyesta opisyal.[18] Bagamat isang Pangulo, Hindi siya makakatanggap ng isang "Opisyal na Libing" dahil na rin sa pagtanggi niya at ng kanyang Pamilya.[8][22] Ang Pangulo ng Silangang Timor na si Jose Ramos Horta ay inaasahang darating sa libing ni Aquino.[23]

Mga sumunod na pangyayari

baguhin

Bumuhos sa ang suporta ng mga kapwa niyang Pilipino sa Internet at napuno ang mga blog, forum, pati na ang YouTube, Twitter, at Facebook. Itinuring din siya bilang isang Simbolo ng Demokrasya ng iba't ibang pahayagan at estasyon ng telebisyon kabilang na ang TV5, AksyonTV, UNTV-37, GMA Network, ABS-CBN, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, BBC, CNN, Los Angeles Times, Al Jazeera, at Xinhua. Itinakda din ng kasalukuyang Pangulo na isang "piyesta opisyal" ang araw ng kanyang libing habang nakabinbin sa Kongreso ang isang batas na nagsasaad na isang "Pambansang Pista" ang kanyang kaarawan ng Enero 25.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Cory Aquino has colon cancer--family". ABS-CBN News Online. 2008-03-24. Nakuha noong 2008-03-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. Maila Ager (2009-7-28). "Aquino blood pressure fluctuating – family". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-29. Nakuha noong 2009-7-28. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong) Naka-arkibo 2009-07-29 sa Wayback Machine.
  3. Abigail Kwok (2008-05-13). "Aquino: 'My body is responding positively to the treatment'". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2008-05-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fe Zamora (2009-7-1). "Prayers sought for ailing Cory Aquino; Friend says ex-leader in 'serious' condition". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-04. Nakuha noong 2009-7-1. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong) Naka-arkibo 2009-07-04 sa Wayback Machine.
  5. "No more chemotherapy for Cory, says close family friend". GMA News.TV. 2009-7-2. Nakuha noong 2009-7-2. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  6. Agence France Presse (2009-7-2). "No more treatment for Aquino—spokeswoman". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-04. Nakuha noong 2009-7-2. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong) Naka-arkibo 2009-07-04 sa Wayback Machine.
  7. http://www.bworldonline.com/BW080109/breakingnews.php[patay na link]
  8. 8.0 8.1 Ager, Maila (2009-08-01). "Cory Aquino dies". INQUIRER.net. Nakuha noong 2009-07-31.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Philippines ex-leader Aquino dies". BBC News. 2009-07-31. Nakuha noong 2009-07-31.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Churches start requiem Masses for Cory Aquino". GMANews.tv. 2009-08-01. Nakuha noong 2009-08-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Palace declares week of mourning on passing of Cory". GMANews.tv. 2009-08-01. Nakuha noong 2009-08-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Estrada: Aquino RP's 'most loved' woman". INQUIRER.net. 2009-08-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-29. Nakuha noong 2009-08-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-07-29 sa Wayback Machine.
  13. "Nation lost 'mother, guiding voice'". INQUIRER.net. 2009-08-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-02. Nakuha noong 2009-08-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-08-02 sa Wayback Machine.
  14. "Senators remember Cory's greatness". GMANews.tv. 2009-08-01. Nakuha noong 2009-08-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Dmitry Medvedev expressed his condolences to President of the Philippines Gloria Macapagal-Arroyo following the passing of former President of the Republic Corazon Aquino". Presidential Press and Information Office. 1 Agosto 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-07. Nakuha noong 2009-08-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "World mourns Aquino's death". INQUIRER.net. 2009-08-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-04. Nakuha noong 2009-08-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-08-04 sa Wayback Machine.
  17. "Aquino mourned at wake by thousands of Filipinos". Associated Press. Yahoo! News. 2009-08-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-03. Nakuha noong 2009-08-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 "Arroyo cuts short US trip, sets Agosto 5 holiday for Cory". GMAnews.tv. 2009-08-02. Nakuha noong 2009-08-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Archive copy". Earth Times. 2009-08-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-03. Nakuha noong 2009-08-04.{{cite news}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Anwar and wife, Pope Benedict mourn Cory". Manila Times. 03 Agosto 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-05. Nakuha noong 2009-08-04. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong) Naka-arkibo 2009-08-05 sa Wayback Machine.
  21. "Marcos children pay last respects to Aquino". INQUIRER.net. 2009-08-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-05. Nakuha noong 2009-08-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-08-05 sa Wayback Machine.
  22. Aquino's family is refusing a state funeral. Naka-arkibo 2009-08-06 sa Wayback Machine. Accessdate=2009-08-03
  23. "1K cops to secure Manila Cathedral for Cory wake, vigil". GMAnews.tv. 2009-08-02. Nakuha noong 2009-08-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)