Pamantasang Pangkompyuter ng AMA

Naka-redirect ang AMA dito. Para sa ibang kahulugan ng AMA, tingnan AMA (paglilinaw).

Ang AMA Computer University (AMACU) ay isang pamantasang matatagpuan sa Project 8, Lungsod Quezon, Pilipinas. Ito ay sumasalaw sa pagtuturo ng mga teknolohiyang elektronik, impormasyon, at komunikasyon. Ito ay isa sa mga tatak pangkalakal ng AMA Education Group. Gumagamit ito ng kalendaryong trimestral, kung saan ang isang typikal na apat na taong programang pangkolehiyo sa kalendaryong semestral ay matatapos lamang ng 3 taon at 3 buwan.

AMA Computer University
SawikainPaaralan ngayon
Itinatag noong15 Oktubre 1980
UriPribado
Academikong kawaniMga 50
Mga undergradweytMga 2500
PosgradwaytMga 50
Lokasyon, ,
Kampus25,000 m²
HymnAng Himig ng AMA

Ang AMA Education Group ay kinikilalang isa sa paaralang pinakamabilis umangat na may 3000-4000 na mga nagsitapos. Kaso ito rin ang may pinakamababang antas ng tiwala ng mga mag-aaral at alumni dahil wala pa sa 100 ang lalahok sa mga homecoming at ibang progama ng paaralan.

Kasaysayan

baguhin

AMA Institute

baguhin

Ang AMA Computer University ay tinatag ni Amable M. Aguiluz, Sr. Ang kanyang anak, Dr. Amable R. Aguiluz V, ay naisipang ipatupad ang hiling ng ama para maintindihan ng mamimili ang halaga at gamit ng mga komputer. Tinatag ni Aguiluz V ang AMA Institute of Computer Studies na kung saan ang unang silid-aralan ay tinayo sa Shaw Boulevard noong 20 Oktubre 1980. Kabilang sa mga inalok AMA Institute of Computer Studies ay ang mga short-term courses tulad ng Electronic Data Processing Fundamentals, Basic Programming, at Technology Career. Tanging 13 na mga mag-aaral ang nagenrollsa unang semester.

AMA Computer College, ang mga branches at sister schools

baguhin

Nabuo ang AMA Computer College noong Hunyo 1981. Sa panahong ito pinalawak nito ang agham sa kompyter sa pamamagitan ng pagalok ng apat na taong kursong "Bachelor of Science degree in Computer Science". Mula sa 13 naging 600 ito noong 1983 at 2,000 noong 1985 ng tinayo ito bayan ng Makati. At noong 1987, tinayo ang sentro ng paaralan sa Quezon City. Tinayo ang unang paaralan sa Cebu at Davao.

Sa pagpasa ng kongreso ng Philippine Higher Education Act noong 1994, binigyang laya ang mga pribadong paaralan sa pagtatakda ng halaga ng mga bayarin sa edukasyon. Sinimulan ng AMA ang agresibong pagkampanya at pagmamarketing. Dito nasolusyonan nito ang mababang bilang mga enrollees. At dito nagsimula ang pagiging kapitalista ng mga paaralan.

Sa pagasenso ng AMACC ay nabuo ang mga maliliit na mga paaralan nito tulad ng AMA Computer Learning Center (ACLC) noong 1986 at AMA Telecommunication & Electronic Learning Center noong 1996.

Pagangat bilang Pamantasan

baguhin

Ang AMA Computer College sa Lungsod Quezon ay sinertipikahan ng SGS o Société Générale de Surveillance International Certification Services Canada, Inc. Ang certification ay pormal na ginawaran ng SGS-ICS ang tatak na ISO-9001 noong Marso 1999. Ngunit mahalaga rin na mapanatili ng paaralan ang systema nito dahil dumadaan ito sa pagsusulit ng SGS tuwing 6 na buwan.

Ang AMACC sa Lungsod Quezon ay ginawaran ng titulo bilang Pamantasan ng Commission on Higher Education (CHED) noong 20 Agosto 2001. Ang AMA Computer College ng Quezon City ay naging AMA Computer University.

Noong 2004, ang AMA Computer University ay lumagda ng kasunduan sa Carnegie Mellon University para sa pagpapalaganap ng programa nitong iCarnegie sa pamamagitan ng paggamit ng e-learning sa curriculum ng AMA. Ito ay naging kontrobersiyal dahil ang dating kasunduan ng CMU ay pinirmahan ng karibal na paaralang STI.

AMA University Online Education (OEd)

baguhin

Inilunsad noong 2011 ng AMA University ang "Blended Learning" katuwang ang Face to Face sa mga guro. Ito ay may kauukulang hati sa ilalabas na grado ng isang mag-aaral noon ay 50% at sa ngayon ay 30% ang makukuha ng mag-aaral mula sa guro ang kanilang grado (grade).

Ang "AMA Blended Learning" ay ginagamit lamang sa eksklosibong paraan ng AMA Computer University sa loob ng Trimesteral o tatlong buwan at higit pa

Lagay ng Ibang AMA Computer College Campuses

baguhin

Hindi pinahintulutan ng CHED ang ibang AMA campuses pa panggamit ng titulong “Pamantasan” ay pinapayagan lamang na gamitin ang titulong of “Kolehiyo” o “Institute” dahil hindi pa pumapasa ang mga paaralang ito sa mga pamantayan ng CHED.

Naging kontrobersiyal ang AMA dahil sa pagpalit sa maraming guro ng mga kompyuter. Ang layunin ng AMA ay para ipalaganap ang paggamit ng e-Learning. Ngunit pinsiya ng ilang konsehal sa ilang branches nito na ang e-Learning ay supplementary lamang.

Ang Nursing School ng AMA Group ay hindi pinayagan ng CHED na mag-operate dahil hindi sumunod ang paaralan sa pamantayan ng ahensiya. Inapela ito ng AMA sa Pangulong Gloria Arroyo at dahil dito nagbitiw ang Chairman nito na si Rolando dela Rosa.

Ilan din sa maliliit na branches ng AMACC at ACLC ay di akreditado ng CHED. Dito nagdulot ng kalituhan sa ilang mga graduate nito sa ECE at Accountancy na hindi pinayagang magsulit sa pagkuha ng lisensiya sa Professional Regulations Commission (PRC).

Sangay

baguhin
Kalakhang Maynila Hilagang Luzon Timog Luzon Kabisayaan Mindanao
Caloocan, Fairview Quezon City, Las Piñas, Mandaluyong, Makati, Manila, Parañaque, Pasig, Lungsod ng Quezon (Main Campus) Angeles, Baguio, Cabanatuan, Dagupan, Laoag, Malolos, Olongapo, La Union, Pampanga, Lungsod ng Tarlac, Gapan Lungsod ng Batangas, Biñan, Calamba, Dasmariñas, East Rizal, Legazpi, Lipa, Naga Bacolod, Lungsod ng Cebu, Dumaguete, Lungsod ng Iloilo Cagayan de Oro, Lungsod ng Kotabato, Lungsod ng Dabaw, Heneral Santos, Lungsod ng Zamboanga

Mga Kurso sa AMACU

baguhin

Programang Kolehiyo

baguhin
COMPUTING
  • Bachelor of Science in Information Technology
  • Bachelor of Science in Computer Science
  • Bachelor of Science in Information System
  • Bachelor of Science in Cybersecurity
ENGINEERING
  • Bachelor of Science in Computer Engineering
  • Bachelor of Science in Electronics Engineering
  • Bachelor of Science in Electrical Engineering
  • Bachelor of Science in Industrial Engineering
BUSINEESS AND MANAGEMENT
  • Bachelor of Science in Business Administration
    • Major in Marketing Management
  • Bachelor of Science in Business Administration
    • Major in Human Resource Management
  • Bachelor of Science in Business Administration
    • Major in Management Information System
  • Bachelor of Science in Business Administration
    • Major in Financial Management
  • Bachelor of Science in Entrepreneurship
  • Bachelor of Science in Real Estate Management
  • Bachelor of Science in Office Administration
HOSPITALITY & TOURISM MANAGEMENT
  • Bachelor of Science in Hospitality Management
  • Bachelor of Science in Tourism Management
EDUCATION
  • Bachelor in Elementary Education
  • Bachelor of Secondary Education
    • Major in Mathematics
  • Bachelor of Secondary Education
    • Major in Computer Education
  • Bachelor of Secondary Education
    • Major in English
  • Bachelor of Science in Virtual Education
  • Certificate of Teaching Program
ACCOUNTANCY
  • Bachelor of Science in Accountancy
  • Bachelor of Science in Accounting
    • Information System
  • Bachelor of Science in Internal Auditing
CRIMINOLOGY
  • Bachelor of Science in Criminology
ARTS & SCIENCES
  • Bachelor of Arts in Psychology
  • Bachelor of Arts in English
  • Bachelor of Arts in Political Science
  • Bachelor of Arts in Communication
  • Bachelor of Arts in Economics
  • Bachelor of Science in Psychology
  • Bachelor of Science in Social Work
MEDICAL / NURSING / ALLIED HEALTH
  • Doctor of Medicine
  • Bachelor of Science in Nursing
  • Practical Nursing
  • Caregiving
MARITIME
  • Bachelor of Science in Maritime Transportation
AVIATION
  • Private Pilot License course (PPL) - 50 hrs
  • Private Pilot License (PPL)

- Commercial Private License (CPL) with Instrument Rating (IR) course - 160 hrs

  • Private Pilot Pilot License (PPL)

- Commercial Private License (CPL) with Instrument Rating (IR) course - 200 hrs

  • Flight Instructor course (FI) - 35 hrs
  • 2-yr Aircraft Maintenance Technology (AMT)
  • 2-yr Aircraft Electronics Technology (AVT)
GRADUATE PROGRAMS
  • Master of Business Administration
  • Master of Information Technology
  • Master of Science in Computer Science
  • Master of Arts in Computer Education
  • Master in Public Administration
  • Doctor of Information Technology
  • Doctor of Business Administration
BASIC EDUCATION
  • Nursery
  • Kindergarten
  • Elementary (G1 to G6)
  • Junior High School (G7 to G10)
  • Senior High School (G11 to G12)
NEW PROGRAMS
  • Bachelor of Science in Data Science
  • Bachelor of Science in Blockhain Technology
  • Doctor of Veterinary Medicine


Elementarya at High School

baguhin

Ang AMA Computer University ay may programang pang pre-school, elementarya, at high school sa tatak-kalakal bilang St. Augustine International School. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang nag sumisiyasat sa programang ito.

Ang AMA Computer University Town

baguhin

Ang AMA Education Group ay nagplaplano na sa pagtayo ng isang maluwag na campus, at pinangalanan itong University Town. Bilang selebrasyon ng ika-30th na taon nito in 2010, ang AMA Computer University Town ay itatayo sa 50-hektayang lupa sa General Trias, Cavite. Hinango ito sa ibang pamantasan sa Europa at Amerika na nalalayong makakuha ng ligtas at masyang kapaligiran.

Sister schools ng AMACU

baguhin
  • AMA Computer College. Ito ang mga paaralan, tulad ng AMACU na may kursong pang 4- na taon. Ito ay may pending na akreditasyon ng CHED. Kabilang dito ang Makati, East Rizal, Fairview, Cebu, Davao Campuses. Ilan dito ay nasa isang rented floor sa isang commercial building.
  • AMA Computer Learning Center. Tulad din ito ng AMACC pero short courses lang dito. Ilan dito ay nasa isang paupahang palapag sa isang commercial building.
  • St. Augustine School of Nursing. Tulad din ito ng AMACC pero short courses ukol sa Caregiving ang nandito. Ilan dito ay nasa isang paupahang palapag sa isang commercial building.
  • ABE School of Business and Accountancy. Tulad din ito ng AMACC pero short courses ukol sa Business ang nandito. Ilan dito ay nasa isang paupahang palapag sa isang commercial building.
  • AMA International Institute of Technology. Tulad din ito ng AMACC pero short courses ukol sa Radio Technician ang nandito. Ilan dito ay nasa isang paupahang palapag sa isang commercial building.
  • Norwegian Maritime Academy. Tulad din ito ng AMACC pero courses ukol sa Maritime ang nandito. Ilan dito ay nasa isang paupahang palapag sa isang commercial building.
  • AMA Medical School. Tulad din ito ng AMACC pero courses ukol sa Medicine ang nandito. Ilan dito ay nasa isang paupahang palapag sa isang commercial building.
  • St. Augustine International (Satellite) School. Tulad ng Saint Agustine. Ito ang mga paaralan na hindi matatagpuan sa AMACU at may hiwalay sa bulding.

Mga Kawing Panlabas

baguhin