Pambata (magasin)
Ang magasing Pambata ay unang inilathala noong 1979 ng Communication Foundation for Asia (CFA) ni itinatag ni Padre Cornelio Lagerwey, isang misyonerong Olandes. Ito ay may tanggapang matatagpuan sa Santa Mesa, Maynila, Pilipinas. Ito ay pang-akademikong tulong sa pag-aaral sa mababang paaralan para sa mga asignaturang tulad ng agham, matematika, Ingles at araling panlipunan. Nagbibigay ito ng impormasyon hinggil sa agham at teknolohiya, balarila at talasalitaan, kasaysayan at heograpiya, kalusugan, matematika, panitikan, at mga sining. Tumanggap ito ng natatanging pagkilala mula sa Philippine Board on Books for Young People (PBBY) noong 1999 at Catholic Mass Media Awards (CMMA) noong 2000. Ito ay nauugnay sa iba pang babasahing gaya ng Gospel Komiks, edisyong Ingles at Filipino; Baby Jesus para sa mga mag-aaral sa paunang elementarya; Jesus para sa mga mag-aaral mula una hanggang ikatlong baitang; Gospel Komiks Magazine para sa kabataan; at Gospel Now para sa mga mag-aaaral sa mataas na paaralan at mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo.[1]
Kategorya | Magasin |
---|---|
Dalas | Tuwing kalahating buwan |
Tagalathala | Communication Foundation for Asia |
Unang sipi | 1979 |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Ingles/Filipino |
Websayt | http://cfamedia.org/ |
Sanggunian
baguhin- ↑ "The Pambata Magazine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-29. Nakuha noong 2015-08-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-10-29 sa Wayback Machine.