Pang-astronomiyang Obserbatoryo ng Kourovka
Ang Pang-astronomiyang Obserbatoryo ng Kourovka, opisyal na kilala bilang K.A. Barkhatova Kourovka Astronomical Observatory (Pang-astronomiyang Obserbatoryo ng K.A. Barkhatova Kourovka) , ay isang obserbatoryo sa Kourovka, Oblast ng Sverdlovsk, Rusya. Pinapatakbo ang obserbatoryo ng Instituto ng Likas na mga Agham at Matematika, isang subdibisyon ng Pamantasang Pederal ng Ural. Ipinangalan ito sa dating propesor sa Pamantasang Pederal ng Ural, si K.A. Barkhatova, isang astronomong Sobyet.
Mga alternatibong pangalan | Kourovka Astronomical Observatory |
---|---|
Ipinangalan sa/kay | Klavdia Barkhatova |
Kodigo ng obserbatoryo | 168 |
Lokasyon | Sverdlovsk Oblast, Sloboda |
Koordinado | 57°02′12″N 59°32′50″E / 57.03671°N 59.54727°E |
Altitud | 280 m (920 tal) |
Naitatag | 1965 |
Websayt | astro.insma.urfu.ru/kourovka |
Deskripsyon
baguhinNaitatag ang Pang-astronomiyang Obserbatoryo ng Kourovka noong 1965 ng Pamantasang Estado ng Ural (Pamantasang Pederal ng Ural ngayon), na nakapagtatag na ng isang mas maliit na obserbatoryo noong 1957.[1] Sa parehong panahon, nasa rurok ang Unyong Sobyet ng kanilang mga naunang programang pangkalawakan, na ang kanilang serye ng mga satelayt na Sputnik ay nailunsad noong huling bahagi ng dekada 1950. Isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng obserbatoryo ay si K.A. Barkhatova, isang astronomo na nagtapos sa pamantasan noong 1941. Ang layunin ng bagong obserbatoryo ay upang subaybayan ang mga paggalaw ng mga artipisyal na satelayt, na may pasilidad sa paglaon nito para sa paglawak ng pag-aaral ng ibang aspeto ng astronomiya.[1]
Mayroon ang obserbatoryo ng iba't ibang hanay ng mga teleskopyo na ginagamit upang mangoleta ng datos para sa mga programang Ruso at internasyunal. Kabilang sa mga bagay na minamasdan ang mga bituin, ang Araw, at ibang mga bagay na napakalapit sa daigdig. Nakapangalap ang obserbatoryo ng mga datos na gagamitin para sa pagtuklas ng mga bagong sistema ng bituin at eksoplaneta.[2]
Nailagay ang napakalakas na teleskopyong SBG sa obserbatoryo noong 2005.[3] Narito din sa obserbatoryo ang isang programa ng paghahanap ng isang eksoplaneta, ang proyekto ng Paghahanap ng Planeta sa Kourovka. Isinagawa ang proyekt gamita ang masulong na teleskopyo ng obserbatoryo, kabilang ang isang teleskopyo (tinalaga bilang MASTER-I at MASTER-II-URAL) na kinokontrol ng isang network na robotiks.[4] Partikula, ginagamit ang mga teleskopyo ng Kourovka sa paghahanap para sa mga senyas ng mga eksoplaneta sa konstelasyon ng Cynus.[4] Ginamit din ang mga kagamitan sa Kourovka para sa pagsasagawa ng isang potometrikong pag-aaral ng V1033 Cas, isang pambihirang intermediyang polar na sistema ng bituin.[5]
Sang-ayon sa websayt ng obserbatoryo, ito lamang ang obserbatoryo na nakaposisyon sa lugar na sumusubaybay ang isang saklaw na longhitud mula Kazan hanggang Irkutsk.[2]
Isang planetang minor, ang 4964 Kourovka, ay ipinangalan sa obserbatoryo.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Опасные ситуации природного характера. Ч. 1-1 | Баньковский Лев Владимирович". Issuu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-11-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Astronomical Observatory". insma.urfu.ru (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-12-08. Nakuha noong 2020-11-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2020-12-08 sa Wayback Machine. - ↑ Glamazda, D.. (2012). SBG camera of Kourovka Astronomical observatory. Astrophysical Bulletin. 67. 10.1134/S1990341312020101. (sa Ingles)
- ↑ 4.0 4.1 Artem Y. Burdanov, Paul Benni, Vadim V. Krushinsky, Alexander A. Popov, Evgenii N. Sokov, Iraida A. Sokova, Sergei A. Rusov, Artem Yu. Lyashenko, Kirill I. Ivanov, Alexei V. Moiseev, Denis A. Rastegaev, Vladimir V. Dyachenko, Yuri Yu. Balega, Özgür Baştürk, Ibrahim Özavcı, Damian Puchalski, Alessandro Marchini, Ramon Naves, Stan Shadick, Marc Bretton, First results of the Kourovka Planet Search: discovery of transiting exoplanet candidates in the first three target fields, Monthly Notices of the Royal Astronomical Society, Bolyum 461, Isyu 4, 01 Oktubre 2016, Pahina 3854–3863, (sa Ingles) https://doi.org/10.1093/mnras/stw1580
- ↑ "Photometric study sheds more light on the properties of the intermediate polar V1033 Cas". phys.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-11-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (2003) (4964) Kourovka. In: Dictionary of Minor Planet Names. Springer, Berlin, Heidelberg. https://doi.org/10.1007/978-3-540-29925-7_4842 (sa Ingles)