Ang Kambodya (Khmer: កម្ពុជា, tr. Kâmpŭchéa), opisyal na Kaharian ng Kambodya, ay bansang matatagpuan sa Tangway ng Indotsina sa Timog-Silangang Asya. Pinapaligiran ito ng Taylandiya sa hilagang-kanluran, Laos sa hilaga, Biyetnam sa silangan, at Golpo ng Taylandiya sa timog-kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 181,035 km2 at may populasyon na tinatayang 17 milyon mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Phnom Penh.

Kaharian ng Kambodya
  • ព្រះរាជាណាចក្រកម្ពុជា (Khmer)
  • Preăh Réachéanachâkr Kâmpŭchéa
Watawat ng Kambodya
Watawat
Eskudo ng Kambodya
Eskudo
Salawikain: ជាតិ សាសនា ព្រះមហាក្សត្រ
Chéatĕ, Sasnéa, Preăh Môhaksâtr
"Bansa, Relihiyon, Hari"
Awitin: បទនគររាជ
Nôkôr Réach
"Kahariang Marilag"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Phnom Penh
11°33′N 104°55′E / 11.550°N 104.917°E / 11.550; 104.917
Wikang opisyalKhmer
KatawaganKamboyano • Khmer
PamahalaanUnitaryong parlamentaryong elektikbong monarkiyang konstitusyonal
• Monarko
Norodom Sihamoni
Hun Manet
LehislaturaParlamento
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Pambansang Asembleya
Kasarinlan 
mula sa Pransiya Pransiya
• Pagpapahayag
9 Nobyembre 1953
• Republika
17 Marso 1970
17 Abril 1975
7 Enero 1979
• Transisyonal na Awtoridad
30 Hunyo 1992
Lawak
• Kabuuan
181,035 km2 (69,898 mi kuw) (ika-88)
• Katubigan (%)
2.5
Populasyon
• Pagtataya sa 2021
Neutral increase 17,300,000
• Densidad
87/km2 (225.3/mi kuw) (96th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
$79.451 billion
• Bawat kapita
$4,727
KDP (nominal)Pagtataya sa 2019
• Kabuuan
$26.628 bilyon
• Bawat kapita
$1,614[1]
Gini (2013)36.0
katamtaman
TKP (2019)Increase 0.594
katamtaman · 144th
Salapi
Sona ng orasUTC+07:00 (ICT)
Kodigong pantelepono+855
Internet TLD.kh

Dinodomina ng Ilog Mekong (kolokyal Khmer: Tonle Thom o "the great river"; tonle = ilog, thom = malaki) at ang Tonlé Sap ("the fresh water river"; "ang tubig-tabang na ilog") ang heograpiya ng Kambodya. Ang Tonlé Sap ang isa sa pangunahing pinagmumulan ng kalakal ng isda. Ang pagiging mababa sa heograpiya ay nangangahulugan na malaking bahagi ng bansa ay nakaupo malapit sa "below sea level", at ang pangunahing pinanggagalingan ng tubig mula sa ilog ng Mekong ay dumadaloy pabalik sa katabing Ilog ng Sap tuwing tag-ulan.

Turismo at pananahi ang pangunahing industriya rito. Noong 2006, nalagpasan ng mga namumuhunang dayuhan ang 1.7 milyon na marka. Noong 2005, nadiskubre ang deposito ng langis at natural na langis sa mga baybayin malapit sa palugit ng Taylandiya, at kapag nasimulan ang pagmina nito sa taong 2009 o 2010, ang kikitain sa pagmina nito ay siguradong may malaki at taos na epekto sa kinabukasan na ekonomiya ng bansa.

Etimolohiya

baguhin

Ang Kambodya ay tradisyonal na transliterasyon sa Ingles mula sa Pranses na Cambodge, habang direktang transliterasyon naman ang Kampuchea ng mga mapagmahal sa wikang Khmer. Ang Khmer Kampuchea ay mula sa sinaunang kaharian ng Khmer na Kambuja (Kambujadesa). Sinaunang Sanskrit ang panganlang Kambuja o Kamboja ng mga Kambojas, isang unang tribo sa Hilagang India na ipinangalan sa nakatuklas nito na si Kambu Svayambhuva, na pinaniniwalaang may lahing Cambyses.

Sa opisyal na sulat Khmer Mul, ang pangalan ng bansa   (regular na skripto  ), Preahreachanachâk Kampuchea, na ang ibig sabihin ay "Kaharian ng Kambodya". Kung susuriin ang salitang ito, kalakip dito ang: Preah- ("banal"); -reach- ("hari, royal", mula sa Sanskrit); -ana- (mula sa Pāli āṇā, "kawani, lakas, kapangyarihan", mula din sa Sanskrit ājñā, ganoon din ang ibig sabihin) -châk (mula sa Sanskrit cakra, na ang ibig sabihin ay "gulong", isang simbulo ng kapangyarihan at pamumuno).

Ang pormal namang pangalang ginagamit sa mga okasyon tulad ng mga pananalita sa politika at mga programang pamamahayag ay   (regular na skripto  ), Prâteh Kampuchea, na literal na nangangahulugang "ang Bansa ng Kambodya". Prâteh ang pormal na salita na ang ibig sabihin ay "bansa".

Ang kolokyal na pangalan ng salitang pangkaraniwang ginagamit ng mga Khmer ay  , Srok Khmae, na ang ibig sabihin ay "ang Lupain ng mga Khmer". Ang Srok ay isang Mon-Khmer na salita na halos katumbas din ng prâteh, ngunit ito ay hindi pormal. Isinusulat na may "r" sa dulo ng salitang Khmer ngunit ang huling "r" ponema ay nawawala sa karamihan ng kanilang mga katutubong wika noong ika-19 na siglo at ito ay hindi na binibigkas sa kontemporaryong pananalita.

Simula ng kanilang kalayaan, ang opisyal na pangalan ng Kambodya ay binago ng makailang beses at lalo na sa kapanahunan ng kaguluhan, giyera at papalit-palit na gobyerno.

  • Kaharian ng Kambodya / Royaume du Cambodge sa ilalim ng pamamahala ng monarkiya mula 1953 hanggang 1970;
  • Republika ng Khmer / République Khmère (isang literal na pagkasalin ng Republika ng Pranses) sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno ni Lon Nol mula 1970 hanggang 1975;
  • Demokratikong Kampuchea / Kampuchea démocratique sa ilalim ng komunistang pamamahala ng Khmer Rouge mula 1975 hanggang 1979;
  • Republika ng Mamamayang Kampuchea / République populaire du Kampuchea sa ilalim ng pamamahala ng tulungang gobyerno ng Biyetnam at Kambodya mula 1979 hanggang 1989;
  • Estado ng Kambodya / État du Cambodge (isang nutral na pangalan, habang dinidinig ang usapan kung ibabalik sa monarkiya) sa ilalim ng pamamahala ng Mga Nagkakaisang Bansa mula 1989 hanggang 1993;
  • Kaharian ng Kambodya / Royaume du Cambodge ginamit muli sa pagbalik ng monarkiya noong 1994

Politika

baguhin

Ang politika ng Kambodya ay pormal na naganap ayon sa konstitusyon ng bansa noong 1993, sa balangkas na parlyamento, representante ng demokratikong kaharian. Ang punong ministro ng Kambodya ang pinuno ng gobyerno, at ang pinagsanib na "multi-party system" ay pinamumunuan ng hari bilang pinuno ng estado. Ang Punong Ministro ay iniluluklok ng Hari sa pamamagitan ng payo at pagsang-ayon ng Pambansang Lupon (National Assembly); ang Punong Ministro at ang kanyang piling mga ministro ang nagpapatupad ng kapangyarihan sa gobyerno. Ang kapangyarihan ng Sangay ng Panghukuman ay ipinagkakaloob sa "executive" at sa dalawang grupo ng parlyamento, ang Pambansang Lupon ng Kambodya (National Assembly of Cambodia) at ang Senado.

Noong 14 Oktubre 2004, si Haring Norodom Sihamoni ay napili ng espesyal na Konseho ng 9 katao para sa trono, kasama sa proseso ay ang mabilisang pagpapatupad pagkatapos ng surpresang pagbaba sa pwesto ni Haring Norodom Sihanouk (Ama ni Haring Sihamoni) isang linggo ang nakakalipas. Ang pagkapili kay Haring Sihamoni ay sinuportahan ni Punong ministro Hun Sen at ng Tagapagsalita ng Pambansang Lupon na si Prinsipe Norodom Ranariddh (kapatid ni Haring Sihamoni), na parehong miyembro ng konseho sa trono. Siya ay kinoronahan sa Phnom Penh noong 29 Oktubre. Ang monarkiya ay maka-simbulo lamang at hindi nakikihati sa pampolitika na kapangyarihan. Isang batikang mananayaw si Haring Norodom Sihamoni, nag-aral siya ng sayaw na ballet sa Ruso at wala pa siyang asawa hanggang ngayon. Magaling din siya sa wikang Czech dahil matagal siyang tumira sa Republika ng Czech (kilala sa tawag na Czechoslovakia).

Ayon sa mga balita ng BBC, talamak ang kurupsiyon ng mga politiko sa Kambodya[2], kasama dito umano ay ang mga tulong pinansiyal mula sa iba't-ibang pandaigdigang bansa lalo na sa Estados Unidos kung saan ang pera ay inililipat sa mga pansarili o personal na mga "accounts"[3]. Kurupsiyon din ang dahilan ng pagkakaroon ng malaking agwad sa mga kinikita o sweldo ng mga mamamayan nito.[4]

Mga rehiyon at lalawigan

baguhin
Isang napipindot na mapa ng Kambodya na nagpapakita ng pagkakahating administratibo nito.
Munisipalidad (Krong) Lalawigan (Khett) Pulo (Koh)
Phnom Penh Banteay Meanchey Koh Kong
Sihanoukville (Kampong Som) Battambang Koh Polaway
Pailin Kampong Cham Koh Rong
Kep Kampong Chhnang Koh Rong Samlon
Kampong Speu Koh Sess
Kampong Thom Koh Tang
Kampot Koh Thass
Kandal Koh Thonsáy
Koh Kong Koh Traolach
Kratié Koh Treas
Mondulkiri
Oddar Meancheay
Pursat
Preah Vihear
Prey Veng
Ratanakiri
Siem Reap
Stung Treng
Svay Rieng

Nahahati sa 20 lalawigan (khett) at 4 na munisipalidad (krong) ang Kambodya. Nahahati pa ito sa distrito (srok), kumunyon (sangkat), malalaking distrito (khan), at pulo (koh).











Ang Phnom Penh ang may pinakamalaking populasyon na may kulang-kulang sa 2 milyon sa kabuuhang 15 milyong papulasyon ng bansa. Ang bulubunduking probinsiya ng Mondulkiri sa Hilagang-Silangan sa palugit ng Biyetnam ang pinakalapad ngunit pinakakaunti ang papulasyon.[5]

Heograpiya

baguhin
 
Klima ng Phnom Penh

Ang Kambodya ay may lapad na 181,040 kilometro kuwadrado (69,900 milya kuwadrado), kaparte nito ang 800 kilometro (500 milya) na hangganan sa may Taylandiya sa Hilagang-Kanluran, 541 kilometro (336 milya) sa Laos sa Hilagang-Silangan, at ang 1,228 kilometrong (763 milya) sa Biyetnam sa Silangan at Timog-Silangan. Ito ay may 443 kilometrong (275 milya) baybayin sa Golpo ng Taylandiya.

Ang temperatura ay mula 10°–38 °C (50°–100 °F) ang Kambodya ay nakakaranas ng mga "tropical monsoon". Ang Timog-Kanlurang monsoon ay umiihip papasok at nagdudulot ng hangin na may kasamang tubig ulan mula sa Golpo ng Taylandiya at Dagat ng Indiya mula Mayo hanggang Oktubre, ang bansa ay nakakaranas ng pinakamalakas na ulan sa buwan ng Setyembre at Oktubre. Ang Hilagang-Silangang monsoon ang nagdudulot ng tag-init na panahon mula Nobyembre hanggang Marso na may pinaka-tuyot na panahon sa buwan ng Enero at Pebrero.

Transportasyon

baguhin
 
Mga pasahero ng motorsiklo o "motodup" (moto taxi) sa Phnom Penh

Dahilan sa sunod-sunod na digmaang sibil hanggang katapusan ng dekada 90, ang transportasyon ay higit na naapektuhan kahit na patuloy ang pagtanggap nito ng pondo at mga kagamitan sa pagpapa-unlad ng mga daanang pang-transportasyon mula sa gobyerno ng Rusya. Ang Kambodya ay mayroong dalawang linya ng riles ng tren na may lawig na 612 kilometro (380 milya). Ang linya ng riles ng tren ay nagsisimula sa kabisera nito hanggang sa Sihanoukville, Kampong Saom sa may timog bahagi ng bansa na malapit sa dagat, at meron ding mula Phnom Penh papuntang Sisophon (kadalasan ang biyahe ng tren dito ay hanggang Battambang lamang). Sa ngayon, iisang pampasaherong tren lang ang bumabyahe tuwing linggo mula Phnom Penh hanggang Battambang at pabalik.

Ang nagsanga-sanga at dugtong-dugtong na mga ilog at lawa ng Kambodya ay isa ring importanteng bahagi sa makasaysayang kalakal ng bansa, kasama dito ang ilog ng Mekong at Tonle Sap. Ang Kambodyaay may dalawang malalaking daungan ng barko, isa sa Phnom Penh at isa sa Sihanoukville at merong ding lima pang di-kalakihan. Ang Phnom Penh na matatagpuan sa kung saan ang ilog ng Bassac, Mekong at Tonle Sap ay nagtatagpo ay ang kaisa-isang ilog na pwedeng daungan ng may bigat na 8,000 toneladang barko kapag tag-ulan at mga 5,000 toneladang barko naman kapag tag-tuyot.

Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay ang pagdami ng mga sasakyang panlupa lalong-lalo na ang mga motorsiklo ngunit mas marami pa rin ang gumagamit ng bisikleta. Karaniwan na sa mga papaunlad pa lang na bansa, nakikitaan din ang Kambodyang pag-dami ng mga aksidenteng pangtrapiko.[6]

Ang bansa ay mayroon labing-anim na paliparan: Phnom Penh International Airport sa Phnom Penh bilang pinakamalaki at ang pangunahing paliparan ng Kambodya. Pumapangalawa dito ang Siem Reap-Angkor International Airport na nagsisilbing internasyonal na paliparan. Mayroon ding di-kalakihang mga paliparan sa Sihanoukville, Ratanakiri, Battambang, Stung Treng, Koh Kong, Kampot, Kampong Thom, Kampong Chhnang, Pursat, Kratié, Pailin, Svay Rieng, Preah Vihear at Mondulkiri.

Pandaigdigang ranggo

baguhin
Organisasyon Survey Ranggo
Heritage Foundation/The Wall Street Journal Indeks ng Malayang Ekonomikya Ika-68 sa kabuohang 157
Reporters Without Borders Index ng Pansadaigdigang Malayang Pamamahayag Ika-108 sa kabuohang 167
Transparency International Indeks ng Pananaw sa Kurupsiyon Ika-151 sa kabuohang 163
United Nations Development Programme Indeks ng Paglago ng Kabuhayan ng Mamamayan Ika-129 sa kabuohang 177
World Economic Forum Report sa Pandaigdigang Kakayahan Ika-103 sa kabuohang 125

Panitikan ng Kambodya

baguhin

Ang panitikan ng Kambodya o Khmer ay mayroong lumang pinagmulan. Katulad ng mga pambansang panitikan sa Timog-silangang Asya, may dalawang natatanging aspeto o antas ang tradisyunal korpus nito:

  • Ang panitikang sinulat, na karamihan ay nakatakda lamang sa mga korteng panghari o monesteryong Budista.
  • Ang panitikang pasalita, na nakabatay sa mga lokal na alamat. Mabigat itong naimpluwensiya ng Budismo, ang namamayaning relihiyon, gayon din ang mga epikong Ramayana at Mahabharata ng Hindu.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang imf2); $2
  2. BBC Asia-Pacific News (19 Setyembre 2005). Corruption dents Cambodia democracy. Accessed 24 Hulyo 2006.
  3. Reuters AlertNet (29 Mayo 2006). World Bank threatens $64 mln Cambodia aid freeze Naka-arkibo 2006-06-15 sa Wayback Machine.. Accessed 24 Hulyo 2006.
  4. BBC News (29 Mayo 2006). 'Corruption' curbs Cambodia cash. Accessed 24 Hulyo 2006.
  5. "Mondulkiri". Phnom Penh Tours. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-16. Nakuha noong 1 Setyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Picking Up Speed: As Cambodia's Traffic Levels Increase, So Too Does the Road Death Toll," The Cambodia Daily, Sabado, Marso 9–10, 2002."
baguhin

Opisyal

Ibayong pananaw

Iba pa