Pandarambong sa Pilipinas
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang pandarambong (Ingles: plunder) ay isang krimen na inilalarawan sa Akto ng Republika Bilang 7080 (Ingles: Republic Act No. 7080) ng Pilipinas at inamiyendahan sa Akto ng Republika Bilang 7659 na:
Sinumang opiser na publiko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kinuha sa masamang kayamanan (ill-gotten wealth) sa pamamagitan ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa baba) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00) ay magkakasala sa krimen ng pandarambong at mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang kamatayan. Sinumang tao na lumahok sa sinasabing opiser sa paggawa ng kasalanang nag-aambag sa krimen ng pandarambong ay parehong paparusahan sa gayong pagkakasala. Sa pagpapatupad ng mga parusa, ang digri ng pakikilahok at ang pag-iral ng nagpapagaan at nagpapabawas na mga sirkunstansiya gaya ng isinasaad ng Binagong Kodigo ng Pagpaparusa (Revised Penal Code) ay isasaalang alang ng korte. Ang korte ay magsasaad ng anuman at lahat ng mga nakuha sa masamang paraan (ill-gotten wealth) at mga interes nito at iba pang mga kita at pag-aari kabilang ang mga ari-arian at bahagi sa stock na hinango sa deposito o pamumuhunan nito ay isusuko na pabor sa estado.
Mga gawain ng pagkakamit ng nakuha sa masamang kayamanan
baguhinAng nakuha sa masamang kayamanan (ill-gotten wealth) ay nangangahulugang anumang ari-arian, pag-aari, negosyo o materyal na pinanghahawakan ng sinumang tao sa saklaw ng seksiyon 2 (tingnan sa taas) na nakamit nito ng direkta o hindi direkta sa pamamagitan ng mga dummy (ahensiya o taong sikretong nagsisilbi sa isa pang tao), mga nominado, ahente, mga nasasakupan at/o mga ka-negosyo sa pamamagitan ng anumang kombinasyon o sunod sunod ng mga sumusunod na paraan o mga katulad na pakana:
- Sa pamamagitan ng paglustay, paglipat, maling paggamit, maling pag-aasal ng mga pondong pampubliko o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko;
- Sa pamamagitan ng pagtanggap ng direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, persentahe, kickbacks o ano pa mang mga anyo ng pangsalaping pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opiser ng publiko;
- Sa pamamagitan ng ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian na pag-aari ng pambansang pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga instrumentalidad o mga pag-aari ng pamahalaan o kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon at mga subsidiyario nito;
- Sa pamamagitan ng pagkakamit, pagtanggap ng direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock, ekwidad o ano pa mang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa;
- Sa pamamagitan ng paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan (commercial) na mga monopolyo o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes; o
- Sa pamamagitan ng higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksiyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang/mga sarili nito sa panganib o kapinsalaan ng madlang Pilipino at Republika ng Pilipinas.
Tingnan din
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- Republic Act 7080
- Republic Act 7659 Naka-arkibo 2011-06-28 sa Wayback Machine.