Daang Radyal Blg. 9
Katimugang dulo: Tulay ng MacArthur sa Maynila Hilagang dulo: Daang Naguilian sa Pugo, La Union |
Ang Daang Radyal Blg. 9 (Ingles: Radial Road 9), na mas-kilala bilang R-9, ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa ika-siyam na daang radyal ng Maynila, Pilipinas.[1] Ang daang radyal ay naguugnay ng Maynila sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, at Valenzuela sa hilaga, at patungo ng mga lalawigan ng of Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, at La Union paglampas ng Kalakhang Maynila.
Ruta
baguhinBinubuo ng mga sumusunod na bahagi ang Daang Radyal Blg. 9:
Abenida Rizal
baguhinMula sa harap ng Ilog Pasig sa Santa Cruz hanggang sa Monumento Roundabout sa sangandaan nito sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa Caloocan, kilala ang R-9 bilang Abenida Rizal. Dumadaan ito sa ilalim ng Unang Linya ng LRT at naguugnay ng Santa Cruz sa distrito ng Grace Park (Caloocan). Ito ang kinaroroonan ng tatlo sa mga pinakamalaking sementeryo ng Kalakhang Maynila—Manila North Cemetery, La Loma Cemetery, at Manila Chinese Cemetery.
Lansangang MacArthur
baguhinMagiging Lansangang MacArthur ang R-9 pagdaan ng Monumento Roundabout (ang sangandaan ng EDSA, Abenida Rizal, at Daang Samson). Inuugnay nito ang Caloocan sa Malabon at Valenzuela, at kalinya nito ang North Luzon Expressway (ng R-8) sa silangan. Dadaan ang lansangan sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, at Tarlac sa Gitnang Luzon, at Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte sa Ilocos. Bagaman nagtatapos ang lansangan sa Laoag, liliko ang R-9 patungong Daang Pugo–Rosario sa Rosario.
Daang Pugo–Rosario (Pugo–Rosario Road)
baguhinSa pagitan ng Lansangang Aspiras–Palispis at Lansangang MacArthur sa timog-silangang La Union, kilala ang R-9 bilang Daang Pugo–Rosario. Dumadaan ito sa mga bayan ng Pugo at Rosario sa lalawigan ng La Union.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "McArthur Highway - Pugo-Rosario Road Junction - Rosario". Wikimapia Page.