Rawon
Ang rawon (Habanes: ꦫꦮꦺꦴꦤ꧀) ay isang sabaw na Indones na may karneng baka.[1] Ang rawon, mula sa Silangang Java, ay gumagamit ng itim na keluak bilang pangunahing panimpla, na ibinibigay ang isang madilim na kulay at lasa ng nuwes sa sabaw.
Mga sangkap
baguhinAng sabaw ay gawa sa isang giniling ng bawang, sibuyas (lalo na A. cepa), keluak, luya, lumbang, luyang-dilaw, siling-pula, at asin, at iginigisa sa langis. Tapos ang halong iginigisa ay ibinubuhos sa karneng-bakang pinakukuluan na may mas karneng-bakang tinatadtad.
Ang lemongrass, galangal, bay leaf, kalpe, at asukal ay idinadagdag bilang mga panimpla.[2] Ang espesyal na madilim o itim na kulay ng rawon ay mula sa keluak bilang pangunahing espesya. Ang sabaw ay kalimitang inaadornohan ng berdeng sibuyas at A. copa na ipiniprito, at inihahain kasama ang kanin. Ang ibang mga topping ay sumasaklaw ng balatong, itlog na maalat, krupuk, at paayap.
Kasaysayan
baguhinAng rawon ay isa sa mga pinakalumang kilalang putahe sa lutuing Habanes. Tinukoy bilang rarawwan sa isang sinaunang inskripsiyong Habanes na Taji (901 AD) mula sa panahon ng Kahariang Mataram.[3]
Mga baryante
baguhinMay iba't ibang baryante ng rawon. Pinakapopular ang rawon mula sa Surabaya. Ang isang bersyong tinatawag rawon setan ("rawong Satanas") ay ibinebenta bilang isang pagkaing panggabi sa mga warung bukas sa pagitan ng hatinggabi at liwayway (daw oras ng mga diyablo, cf. Ing. witching hour).[4]
Sa lutuing Balines, ang ramon ay walang keluak, kaya ang kulay ay kayumanggi imbes na itim. At saka, dahil kalimitang Hindu ang mga Balines, madalas na kumakain sila ng karneng baboy imbes na karneng baka.[5]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Indofood corporate website. See "Bumbu Rawon" Naka-arkibo 2011-06-24 sa Wayback Machine.
- ↑ Wright, Clifford A. (2009). The Best Soups in the World (sa wikang Ingles). John Wiley and Sons. p. 64. ISBN 9780470180525.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Menguak Fakta Menu Lalapan Sunda Lewat Prasasti Taji". beritasatu.com (sa wikang Indones). Nakuha noong 2017-12-23.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gross, Matt (Mayo 6, 2011). "Lost in Java". New York Times (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "1 resep rawon babi enak dan sederhana". Cookpad (sa wikang Indones). Nakuha noong 2018-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Indonesia at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.