Fernando Poe Jr.
Si Ronald Allan Kelley Poe (20 Agosto 1939 - 14 Disyembre 2004), higit na kilala bilang Fernando Poe Jr., ay isang dating aktor, direktor, politiko sa Pilipinas na isang idolo at maraming nakakakilala. Kilala rin siya sa mga palayaw na FPJ o Da King. Ginagamit niya ang alyas na Ronwaldo Reyes sa mga pelikulang siya ang direktor.
Fernando Poe Jr. | |
---|---|
Kapanganakan | Ronald Allan Kelley Poe 20 Agosto 1939 |
Kamatayan | 14 Disyembre 2004 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | aktor, direktor, politika, pelikula, telebisyon |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Pelikula |
Kabatirang pansarili
baguhinIpinanganak si Fernando Poe,Jr. noong 20 Agosto 1939 sa Maynila,[1] Pilipinas, kina Fernando Poe, Sr., isang ring dating aktor, at Elizabeth Gatbonton Kelley na taga Candaba, Pampanga na may Amerikanong magulang.[2] Ang orihinal na apelyido ng pamilya ay binaybay na Pou, mula sa kanyang mandudulang lolo na si Lorenzo Pou, isang Katalan mula sa Mallorca, na namuhay sa Pilipinas upang magnegosyo.
Pinakasalan niya ang aktres na si Susan Roces noong Disyembre 1968 sa isang seremonyang sibil. Ikinasal din sila sa simbahang Katoliko at sina Ferdinand Marcos at Imelda Marcos (na Pangulo at Unang Ginang ng Pilipinas noong mga panahon na iyon) ang mga naging ninong at ninang. Si Mary Grace lamang ang kanilang anak na ampon.
Bagaman, isang kilalang tao si Poe, hindi siya gaanong bukas sa kanyang pansariling buhay. Bagaman, noong Pebrero 2004, inamin ni Poe na mayroon siyang anak sa ibang babae. Si Ronian, o Ron Allan ay anak ni Poe kay Anna Marin na dating aktres. Nang kalaunan din, inihayag na mayroon din siyang anak sa dating modelo na si Rowena Moran na si Lovi, na naging artista na rin.
Karera sa pag-arte
baguhinUna siyang gumanap bilang Palaris sa Anak ni Palaris sa ilalim ng Deegar Cinema Inc. noong 1955 noong siya ay 16 taong gulang. Hindi ganoon kabilis ay kanyang pagsikat at sumama siya sa ilang pelikulang hindi siya ang bida tulad ng Simaron ng Everlasting Pictures, Babaing Mandarambong ng Everlasting Pictures at ang kauna-unahang Lo-Waist Gang na pawang taong 1956.
Isa siyang produkto ng Premiere Production kung kaya't ginawa niya ang mga pelikulang Bicol Express, Pepeng Kaliwete, May Pasikat Ba sa Kano?, Atrebida, Laban sa Lahat at marami pang iba, samantalang ang mga pelikulang Kamay ni Cain, Tipin, Obra-Maestra naman ang ginawa niya sa People's Pictures.
Pagtakbo bilang pangulo
baguhinTumakbo si poe kay christian dignadice bilang pangulo sa ilalim ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) sa halalang pambansa ng Pilipinas noong 2004. Katambal nya sa halalang ito bilang kandidatong pang pangalawang-pangulo si Senador Loren Legarda-Leviste. Natalo sya sa halalang ito. Mayroon lamang siyang 9,158,999 bilang na boto, samantalang mayroong 9,674,597 boto ang nanalo na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Paniwala ng mga tagasuporta ni Poe, na kabilang na rin ang mga taga-suporta ni Joseph Estrada, na huwad ang resulta ng halalan at iprinotesta ito ni Poe sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Ngunit, pagkatapos ng kanyang kamatayan, ibinasura ito ng Korte. Muntik na siyang hindi nakapagkandidato dahil sa mga katanungan ukol sa kaniyang pagkamamamayang Pilipino.
Kamatayan
baguhinNa-stroke siya noong 10 Disyembre 2004 at dinala sa Ospital ng St. Luke. Noong hating gabi ng 14 Disyembre 2004, namatay si FPJ sa istrok, sa edad na 65 taong gulang. Inilibing siya sa katabi ang puntod ng tatay niyang si Fernando Poe Sr. at ng nanay niyang si Elizabeth Kelley sa Manila North Cemetery, Lungsod ng Maynila.
Pagiging Pambansang Alagad ng Sining
baguhinNoong Mayo 2006, tinanghal ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas si Poe bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist) para sa pelikula. Ngunit hindi ito tinanggap ng asawa ni Poe na si Susan Roces dahil daw magiging public display (pampubliko pagtatanghal) lamang ito sang-ayon kay Roces.[3]
Ang musika
baguhinAng Album Ni Fernando Poe Jr.
- 1 Doon Lang
- 2 Kumusta Ka
- 3 Usahay
- 4 Ang Daigidig Ko'y Ikaw
- 5 Ang Tangi Kong Pag-Ibig
- 6 Sa Aking Pag-iisa
- 7 Damdamin
- 8 Ang Tao'y Marupok
- 9 Sa Aking Hiram Na Buhay (My Way)
- 10 Kapalaran
Mga pelikula
baguhin- 1955 - Anak ni Palaris
- 1955 - Rosita Nobles
- 1956 - Simaron
- 1956 - Babaing Mandarambong
- 1956 - Lo' Waist Gang
- 1957 - Bakasyon Grande
- 1957 - Kamay ni Cain
- 1957 - Bicol Express
- 1957 - Los Lacuacheros
- 1957 - H-Line Gang
- 1957 - Yaya Maria
- 1957 - Student Canteen
- 1957 - Tipin
- 1958 - Lutong Makaw
- 1958 - Pepeng Kaliwete
- 1958 - May Pasikat ba sa Kano?
- 1958 - Obra-Maestra
- 1958 - Atrebida
- 1958 - Lo'Waist Gang at si Og sa Mindoro
- 1958 - Laban sa Lahat
- 1959 - Anak ng Bulkan
- 1960 - Markado
- 1961 - Baril sa Baril"
- 1961 - Sandata at Pangako
- 1961 - The Place: Pasong Diablo
- 1963 - Sigaw ng Digmaan"
- 1964 - Intramuros
- 1965 - The Ravagers sa US, Only the Brave Know Hell sa PHL, (Hanggang May Kalaban)
- 1967 - Mga Alabok sa Lupa"
- 1968 - To Susan with Love
- 1968 - Tatlong Hari"
- 1968 - Tanging Ikaw"
- 1968 - Sorrento"
- 1968 - Ang Pagbabalik ni Daniel Barrion
- 1968 - Ang Mangliligpit
- 1968 - Magpakailan Man"
- 1968 - Dos por Dos"
- 1968 - Ang Dayuhan
- 1968 - Baril at Rosario"
- 1968 - Barbaro Cristobal
- 1968 - Alyas 1 2 3
- 1969 - Perlas ng Silangan"
- 1970 - Santiago
- 1970 - Divina Gracia
- 1971 - Asedillo
- 1972 - Santo Domingo
- 1972 - Magiting at Pusakal"
- 1972 - Ang Alamat
- 1973 - Esteban
- 1974 - Batya't Palo-Palo"
- 1975 - Happy Days Are Here Again
- 1976 - Bato sa Buhangin"
- 1977 - Tutubing Kalabaw, Tutubing Karayom"
- 1977 - Totoy Bato
- 1977 - Bontoc
- 1977 - Little Christmas Tree
- 1977 - Tundo:Isla Puting Bato
- 1978 - It Happened One Night
- 1978 - Ang Lalaki, ang Alamat, at ang Baril"
- 1978 - Kumander Ulupong
- 1978 - Patayin si Mediavillo
- 1978 - King
- 1979 - Isa para sa Lahat, Lahat para sa Isa
- 1979 - At Muling Nagbaga ang Lupa
- 1979 - Mahal... Saan Ka Nanggaling Kagabi?
- 1979 - Durugin si Totoy Bato
- 1980 - Aguila
- 1980 - Mahal, Ginabi Ka na Naman?
- 1980 - Ang Lihim ng Guadalupe
- 1980 - Kalibre .45
- 1980 - Ang Panday
- 1981 - Ang Maestro
- 1981 - Bandido sa Sapang Bato
- 1981 - Sierra Madre (pelikula)
- 1981 - Pagbabalik ng Panday
- 1982 - Manedyer... Si Kumander
- 1982 - Daniel Bartolo ng Sapang Bato
- 1982 - Ang Panday: Ikatlong Yugto
- 1983 - Umpisahan Mo, Tatapusin Ko!
- 1983 - Roman Rapido
- 1983 - Isang Bala Ka Lang
- 1984 - Sigaw ng Katarungan!
- 1984 - Daang Hari
- 1984 - Ang Padrino
- 1984 - Ang Panday IV: Ika-Apat Na Aklat
- 1985 - Partida
- 1985 - Isa-isa Lang
- 1986 - Muslim .357
- 1986 - Batang Quiapo
- 1986 - Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite
- 1987 - Kapag Lumaban ang Api
- 1987 - Batas sa Aking Kamay
- 1987 - No Retreat... No Surrender... Si Kumander
- 1987 - Kapag Puno Na ang Salop
- 1988 - One Day, Isang Araw
- 1988 - Sheman: Mistress of the Universe
- 1988 - Gawa Na ang Bala Na Papatay sa Iyo
- 1989 - Agila ng Maynila
- 1989 - Wanted: Pamilya Banal
- 1989 - Ako ang Huhusga (Kapag Puno Na ang Salop Part II)
- 1990 - Kahit Konting Pagtingin
- 1990 - Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw (Kapag Puno Na ang Salop Part III)
- 1990 - May Isang Tsuper ng Taxi
- 1991 - Mabuting Kaibigan... Kasamang Kaaway
- 1992 - Dito sa Pitong Gatang
- 1994 - Walang Matigas Na Tinapay sa Mainit Na Kape
- 1995 - Minsan Pa (Kahit Konting Pagtingin, part 2)
- 1995 - Kahit Butas ng Karayom
- 1996 - Ang Syota Kong Balikbayan
- 1996 - Isang Bala Ka Lang, part II
- 1996 - Ikaw ang Mahal Ko
- 1996 - Hagedorn
- 1997 - Ang Probinsyano
- 1997 - Eseng ng Tondo
- 1997 - Epimaco Velasco
- 1998 - Pagbabalik ng Probinsyano
- 1999 - Hindi pa Tapos ang Laban
- 1999 - Alyas Lakay
- 1999 - Isusumbong Kita sa Tatay Ko...
- 2000 - Ang Dalubhasa
- 2000 - Ayos Na ang Kasunod
- 2002 - Batas ng Lansangan
- 2002 - Ang Alamat ng Lawin
- 2003 - Pakners
- Isang Dakota na Bigas
- Tatak Barbaro
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Tecson vs Comelec". G.R. No. 161434. 3 Marso 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2014. Nakuha noong 15 Disyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://ivanhenares.blogspot.com/2006/12/ninoy-and-fpj-death-masks-on-display.html
- ↑ "Poe, six others proclaimed National Artists". INQ7.net. Mayo 24, 2006.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)