Sandatang nukleyar

(Idinirekta mula sa Sandatang Nukleyar)

Ang sandatang nuklear[a] o sandatang nukleyar[2] ay isang sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula sa mga reaksiyong nuklear ng fission at/o fusion. Mas makapangyarihan ang pinakamaliit na sandatang nuklear kaysa mga konbensiyonal na eksplosibo maliban sa malalaking uri nito. Maaaring lipulin ng sampung-megaton na sandata ang buong lungsod. Maaari naman masunog ng sandaang-megaton na sandata (bagaman impraktikal ang paghusga) ang mga bahay na yari sa kahoy at ang mga gubat sa isang bilog na 60-100 milya (100-160 kilometro) sa diyametro. Naipadala ng ikalawang ulit ang sandatang nuklear sa kasaysayan ng pakikidigma – parehong tinapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig; nangyari noong umaga na 6 Agosto 1945 ang unang ganoong pagbomba, noong hinulog ng Estados Unidos ang isang uranium na nasa mala-baril na kasangkapan na pinangalang "Little Boy" o "Maliit na Bata" sa lungsod ng Hiroshima, Hapon at nangyari naman pagkalipas ng tatlong araw ang paghulog ng ikalawang bomba sa Nagasaki, Hapon; ipinangalan naman ang pangalawang bomba bilang "Fat Man" o "Matabang Lalaki" na isang plutonium na nilagay sa isang kasangkapan na sumasabog paloob.

Isang mas maliit na kopya ng Little Boy, ang sandatang ginamit sa pagbomba ng Hiroshima, Hapon.

Mga pananda

baguhin
  1. Ayon sa ortograpiya ng Komisyon ng Wikang Filipino[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Komisyon ng Wikang Pilipino (2013). Ortograpiyang Pambansa (PDF).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Philippine Currents (sa wikang Ingles). New Horizons Research and Publications. 1991.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.