Sangguniang Panghukuman at Pang-abogasya
Ang Sangguniang Panghukuman at Pang-abogasya (Ingles: Judicial and Bar Council o JBC) ng Pilipinas ay isang lupon na nilikha ng konstitusyon na nagrerekomenda ng mga hinirang para sa pagkabakante na maaring mangyari sa komposisyon ng Kataas-taasang Hukuman, ibang mga mas mababang hukuman, at ang Lupon ng Edukasyong Legal, at ang mga tanggapan ng Tanodbayan, Diputadong Tanodbayan, at ang Natatanging Tagausig.
Daglat | JBC |
---|---|
Layunin | Nagrerekomenda ng hihirangin sa Hudikatura |
Kinaroroonan | |
Kasapihip | 7
|
Tagapangulo | Alexander Gesmundo |
Parent organization | Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas |
Website | jbc.judiciary.gov.ph |
Komposisyon
baguhinBinubuo ang Sanggunian ng isang kinatawan sa Pinagsamang Abogasya, isang propersor ng batas, isang retiradong kasapi ng Kataas-taasang Hukuman, at isang kinatawan ng pribadong sektor. Sila ang mga kasaping "regular", taliwas sa Kalihim ng Katarungan at sa isang kinatawan ng Kongreso na mga kasaping ex officio. Ang Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ang tagapangulong ex officio,[1] habang magsisilbi ang Klerk ng Kataas-taasang Hukuman bilang kalihim na ex officio.[2]
Manonomina ang mga kasaping regular ng Pangulo na may pagpayag ng Komisyon sa Paghirang para sa terminong apat na taon. Bagaman, yayamang magiging pasalit-salit ang mga termino, ang unang pangkat ng kasapi ay iba ang haba ng serbisyo; magsisilbi ng apat na taon ang kinatawan ng Pinagsamang Abogasya, tatlong taon sa propesor ng batas, dalawang taon sa retiradong Mahistrado, at isang taon sa kinatawan ng pribadong sektor.[3] Bibigyan ang mga susunod na mga kasapi ng buong terminong apat na taon.
Hinihirang ang Punong Mahistrado ng pangulo mula sa maikling tala ng sinumite ng JBC. Ang Kalihim ng Katarungan, bilang kasapi ng Gabinete, ay hinihirang ng pangulo sa payo at pagpayag ng Komisyon sa Paghirang. Hinahalal ng kamara ang miyembro ng Kongreso kung saan nanggaling ang kasapi.
Pinapahintulutan ang mga kasaping regular na muling hirangin na walang limitasyon. Nagsisilbi ang Kalihim ng Katarungan sa kaluguran ng pangulo, habang nagsisilbi ang kinatawan ng Kongreso hanggang inurong sila ng kamara, o hanggang natapos na ang termino ng Kongreso na nagpangalan sa kanila. Sa huli, magsisilbi ang Punong Mahistrado hanggang mandatoryong pagreretiro ng 70 taong gulang. Nagsisimula ang termino ng kasaping regular sa Hulyo 9.
Noong 2012, isang petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ang kinuwestyon kung sino ang uupo sa nilaan sa para sa Kongreso. Sa panahong iyon, may dalawang kasapi ng Kongreso sa sanggunian, na may parehong karapatan sa pagboto: ang tagapangulo ng Komite sa Katarungan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas at ang tagapangulo ng Komite ng Katarungan at Karapatang Pantao ng Senado.[4] Nagpasya ang Korte Suprema noong 2013 na dapat isa lamang ang miyembro ng JBC mula sa Kongreso; hinayaan ng korte sa Kongreso kung sino sa dalawa ang magiging kinatawan nito sa JBC.[5]
Ang sanggunian ay ang tanging lupon sa pamahalaan na may kasapi na mula sa lahat ng sangay ng pamahalan, maliban sa mga lupon na ad hoc o tagapayo.
Tungkulin
baguhinAng tungkulin ng Sanggunian ay upang magrekomenda sa mga kinatawan ng mga posibleng hihirangin sa Hudikatura.[6]
Pipili ang pangulo mula sa mga nominado; dati maaring hilingin ng pangulo sa Sanggunian na inomina ang iba at idagdag sa tala, subalit hindi na ito pinapahintulot. Noong 2009, hiniling ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sanggunian na magdagdag pa ng maraming nominado sa dalawang nabakanteng puwesto sa Kataas-taasang Hukuman. Tinanggihan ng sanggunian ang hiling.[7] Hinirang ni Arroyo ang nasa listahan.[8]
Magiging kasapi ng Hudikatura ang indibiduwal na pinili ng pangulo, at hindi na ito susuriin ng Komisyon sa Paghirang. Ginagawa ito upang iwasan ang pamumulitika at negosasyon sa mga partidong pampolitika.
Sinabi ng dating Punong Mahistrado Artemio Panganiban na ang pangunahing layunin ng Sanggunian ay upang hikayatin ang pinakamagaling at pinakakamatalino sa hudikatura at manatili sila doon.
Mga tanggapan na nakamaikling-tala
baguhin- Mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman
- Mga mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela
- Mga mahistrado ng Sandiganbayan
- Mga mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela sa Buwis
- Mga opisyales sa Tanggapan ng Tanodbayan
- Kasapi ng Lupon ng Edukasyong Legal
- Mga hukom sa Mga Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis at lahat ng mas mababang hukuman
Mga kasapi
baguhinAng mga kasapi ng JBC ay:[9]
- Ang Punong Mahistrado simula pa noong Disyembre 10, 1987.
- Ang Kalihim ng Katarungan simula pa noong Disyembre 10, 1987
- Kinatawan sa Kongreso
- Retiradong Mahistrado mula sa Korte Suprema bilang kasaping regular
- Kinatawan mula sa Pinagsamang Abogasya bilang kasaping regular
- Kinatawan mula sa akademya bilang kasaping regular
- Kinatawan mula sa pribadong sektor bilang kasaping regular
Kasalukuyang kasapi
baguhinKasapi | Simula ng termino | Takdang katupusan ng termnio | Kinakatawan | Uri | Hinirang ni | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|
1 | Alexander Gesmundo | Abril 5, 2021 | Nobyembre 6, 2026 | Punong Mahistrado | Tagapangulong ex officio | Rodrigo Duterte | |
2 | Jesus Crispin Remulla | Hunyo 30, 2022 | Nagsisilbi sa kaluguran ng pangulo | Kalihim ng Katarungan | Kasaping ex officio | Bongbong Marcos | |
3 | Francis Tolentino* | Hulyo 26, 2022 | Hunyo 30, 2025 | Kongreso | Senado | Ika-19 na Kongreso | |
Juliet Marie Ferrer* | Kamara de Representante | ||||||
4 | Erlinda Piñera Uy[10] | Hulyo 21, 2023 | Hulyo 9, 2027 | Pinagsamang Abogasya | Kasaping regular | Bongbong Marcos | |
5 | Nesauro Firme | Hulyo 11, 2022[11] | Hulyo 9, 2026 | Akademya | Bongbong Marcos | ||
6 | Jose Mendoza | Oktubre 4, 2017 | Hulyo 9, 2025 | Retiradong mahistrado ng Korte Suprema | Rodrigo Duterte | ||
7 | Toribio Ilao Jr. | Oktubre 26, 2016 | Hulyo 9, 2024 | Pribadong sektor | Rodrigo Duterte |
- Kalihim na ex officio: Abo. Marife M. Lomibao- Cuevas, bilang Klerk ng Kataas-taasang Hukuman ng en banc, simula pa noong Marso 26, 2021
*Sa ilalim ng kasalukuyang kasunduan, uupo ang kongresista mula Enero hanggang Hunyo, habang uupo ang senador mula Hulyo hanggang Disyembre. Isang kinatawan lamang ang uupo sa kahit anumang oras.
Bilang isang bagay ng tradisyon, ang dalawang pinaka-senyor na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ay makikilahok din sa deliberasyon ng JBC:
- Marvic Leonen (Senyor na Kasamang Mahistrado)
- Alfredo Benjamin Caguioa (Kasamang Mahistrado)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Konstitusyon ng 1987, Artikulo VIII, Seksyon 8, Talata 1
- ↑ 1Konstitusyon ng 1987, Artikulo VIII, Seksyon 8, Talata 3
- ↑ 1Konstitusyon ng 1987, Artikulo VIII, Seksyon 8, Talata 2
- ↑ "SC asks JBC to comment on Chavez petition". GMANews.tv (sa wikang Ingles). Hulyo 3, 2012. Nakuha noong Abril 17, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Punay, Edu (Hulyo 3, 2012). "Only one member from Congress in JBC, SC affirms". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 17, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Konstitusyon ng 1987, Artikulo VIII, Seksyon 8, Talata 5
- ↑ Sy, Marvin; Punay, Edu (Agosto 4, 2009). "JBC rejects Palace demand for more nominees to Supreme Court". philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 4, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sy, Marvin. "Malacañang bows to JBC, will review Supreme Court shortlist". philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 4, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "JBC CHAIRPERSONS, EX OFFICIO AND REGULAR MEMBERS, EX OFFICIO SECRETARIES AND CONSULTANTS". Supreme Court of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2012. Nakuha noong Agosto 25, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mondares, Claire Bernadette (2023-07-23). "Retired tax court justice sworn in as JBC member". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Canlas, Jomar (Agosto 3, 2022). "Marcos appoints former lawyer to JBC". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 12, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)