Sulat sa mga taga-Efeso
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Sulat sa mga taga-Efeso[1] o Sulat sa mga Efesio[2] ay isang aklat ng mga sulat sa Bagong Tipan ng Bibliya na isinulat ni Apostol San Pablo para sa kalahatan ng Asya Menor na ang Efeso ang gumaganap bilang ulong-lungsod o kabisera at kung saan tatlong taong nangaral si San Pablo, subalit may nagsasaad din na para ito sa mga Kristiyano ng Simbahan o Parokya ng Laodicea.[2]
Panahon ng pagkakasulat
baguhinNasulat ito bago magwakas ang unang pagkakataon ng pagkakabilanggo ni San Pablo sa Roma noong taong 63 AD.[2]
Sanligang pangkasaysayan
baguhinBago matapos ang ikatlong paglalakbay ni San Pablo sa Asya Menor, tinawag niya at ipinulong sa Mileto ang mga presbitero-obispo ng mga kalapit na bayan. Bukod sa pamamaalam , nagbigay si San Pablo ng mga payo sa mga ito hinggil sa mga panganib na kakaharapin ng Simbahan, mga hula na natupad nga sa kalaunan. Kumalat sa Asya Menor ang magkakaibang mga pangangaral na "tumutuligsa sa mga pahayag ng Diyos at lumalait sa pagka-Diyos at pagka-Manunubos" ni Hesukristo.[2]
Paglalarawan ng sulat
baguhinAyon sa sulat ni San Pablong ito, sinabi niya na ang Simbahan o Iglesya ang Katawang Mistiko ni Hesukristo na "ginagamit bilang kasangkapan ng Diyos sa pagpapadaloy ng masasaganang biyaya" patungo sa mga Kristiyanong ang kumikilalang pinaka-ulo nila si Hesus at sila naman ang mga sangkap.[2] Kapag ihahambing sa iba pang mga sulat ni San Pablo, mas mistulang sermon ito o isang meditasyon. Hindi ito tumatalakay sa mga pangangailangan ng isang partikular na Simbahan o Parokya. Hindi rin ito naglalaman ng personal na mga mensahe. Maaari rin itong ituring na isang palibot-sulat o isang ensiklikal na liham na malawakang ipinakalat sa madla.[3]
Nagbubukas ito sa paglalantad ng walang-hanggang layunin ng Diyos na sagipin kapwa ang mga Hudyo at mga Hentil. Bukod sa panuntunan hinggil sa Mistikong Katawan ni Hesus, sinasaad din dito ang paghahambing ng walang bahid dungis na pagiging isa ng mga Kristiyanong mananampalataya, at nagbibigay din ng halimbawa sa ulirang magandang pag-uugnayan ng mga mag-asawa.[3] Pangunahing paksa rin dito ang pagtalakay sa layunin ng Diyos na "tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim" sila kay Hesukristo, at nagsisilbi ring isang panawagan sa mga Kristiyano – ang tinatawag na "mga anak ng Diyos" – na isabuhay nila ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Hesukristo.[1] Inilarawan ni San Pablo ang mga Kristiyanong nakipagkaisa kay Hesus bilang isang Simbahang kawangis ng isang katawan na si Kristo ang ulo, bilang isang gusali na si Kristo ang batong panulukan, at bilang isang babaeng si Kristo ang nagsisilbing asawang lalaki. Sa liham na ito, ipinakita ang kabutihan ng Diyos na ipinadama nito sa pamamagitan ng "pag-ibig, pagpapakasakit, pagpapatawad, kagandahang-loob at kalinisan" ni Hesus.[1]
May pagkakatulad sa sulat na ito ang Sulat sa mga taga-Colosas ni San Pablo.[4] Bilang pagbubuod, ang sulat ni San Pablo sa mga taga-Efeso ay nagbibigay ng diin sa pagkakaroon ng mga sumusunod:
- Katapatan sa mga pangaral ni Hesukristo
- Katapatan sa Simbahan
Ang ganitong mga paksa ay matatagpuan din sa sulat ni San Pablo para sa mga taga-Colosas at sa mga taga-Filipos.[5]
Mga bahagi ng sulat
baguhinAng Sulat sa mga taga-Efeso ay nahahati sa dalawang mga bahagi:[2]
- Unang bahagi: Ang ating Pakikiisa kay Kristo (1,3 - 3, 21)
- Ikalawang bahagi: Ang mga tungkulin ng mga Kristiyano sa isa't isa (4, 1 - 6, 24)
Unang bahagi
baguhinSa unang parte ng liham, tinalakay ni San Pablo ang paksa ng pagkakaisa, kasama ang paraan ng pagpili ng Diyos sa bayan niya, maging ang pagpapatawad at pagpapalaya mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Kristong anak niya. Kabilang pa rin ang paraan ng pagpapatunay ng Espiritu Santo ang katuparan ng pangako sa kanila ng Diyos.[1]
Ikalawang bahagi
baguhinSa ikalawang parte ng liham, nanawagan si San Pablo sa mga Kristiyano na "gawin nilang makatotohanan sa kanilang buhay" ang pakikiisa nila kay Hesukristo sa pamamagitan ng pagiging "isang lupon ng mga mananampalataya".[1]
Kaugnayan sa Lumang Tipan
baguhinKapag ihahambing sa Lumang Tipan, walang aklat na purong panulaan ang Bagong Tipan. Subalit ang Sulat sa mga taga-Efeso ng Bagong Tipan ang itinuturing na pinakamalapit sa ganitong kaurian o katangian.[3]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "[http://angbiblia.net/taga_efeso.aspx Sulat ni Pablo sa mga Taga-Efeso]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
{{cite ensiklopedya}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|title=
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat sa mga Efesio". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1706. - ↑ 3.0 3.1 3.2 Reader's Digest (1995). "Letter of Paul, Ephesians". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 894. - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Sulat sa mga Colosense". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1720. - ↑ "Letters to the Philippians, Colossians, and Ephesians". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), New Testament, Bible, pahina 161.
Mga panlabas na kawing
baguhin- Sulat sa mga taga-Efeso (Ephesians), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Sulat ni Pablo sa mga Taga-Efeso, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
- Mga Taga-Efeso, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com