Suzette Doctolero
Si Suzette Doctolero (ipinanganak c. 1968/1969[1]) ay isang manunulat ng senaryo (screenwriter) sa telebisyon at pelikula na mula sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging punong manunulat ng unang serye ng Encantadia noong 2005 at ang mga sumunod pang serye kabilang ang reboot ng Encantadia noong 2016.[2][3][4] Karaniwang siyang manunulat ng senaryo, manlilikha ng serye at malikhaing kasangguni (creative consultant) sa GMA Network.[5] Ang ilan pa sa mga kanyang kilalang likha ay ang Amaya,[6] Indio[1][7][8] at My Husband's Lover.[9] Sinulat naman niya ang kuwento ng pelikulang Let the Love Begin[10] at naging malikhaing kasangguni sa mga seryeng pantelebisyon na Alyas Robin Hood[11] at Destined to be Yours.[12][13]
Suzette Doctolero | |
---|---|
Kapanganakan | 1968/1969 (gulang 54–56)[1] |
Nasyonalidad | Pilipino |
Nagtapos | Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas[1] |
Trabaho | manunulat |
Aktibong taon | 1988–kasalukuyan |
Amo | GMA Network |
Telebisyon | Encantadia Amaya Indio |
Talambuhay
baguhinSi Doctolero ay lumaki sa Calabanga, Camarines Sur at apo siya ng komedyanteng aktres noong dekada 1930 na si Buenviges Narvadez.[1] Nag-aral siya ng mataas na paaralan sa Kolehiyo ng Jose Rizal (Pamantasang Jose Rizal ngayon) samantalang nag-aral ng kolehiyo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa iba't ibang kurso.[1] Unang niyang kinuha ang kursong akawnting, tapos klinikal na sikolohiya at sa huli batsilyer sa sining ng Filipino.[1] Noong siya ay nasa PUP, sumali siya sa mga samahang teatro na Dulaang Kalayaan at Dulaang Bonificacio kung saan gumanap siya bilang Gregoria de Jesus sa isang dula.[1]
Sa edad na 19 noong 1988, pinasok si Doctolero ng kanyang tagapayo na si Angie Ferro bilang katulong sa produksyon sa Balintataw TV.[1] Pagkatapos magtrabaho para sa Balintataw TV, sinubukan niyang magsulat ng mga nobelang romantiko at sa tulong ni Lualhati Bautista, nalathala ang kanyang gawang may pamagat na Ako si Alex, Babae sa Anvil Publishing.[5] Noong dekada 1990, sinikap ni Doctolero na ibenta ang kanyang mga gawa sa iba't ibang mga tagapaglathala, punong manunulat, patnugot at produyser.[1] Naisali si Doctolero sa Viva Television upang mag-ambag sa mga salaysayin sa mga palabas nito sa telebisyon.[1]
Sa kalunan ng kanyang karera, naging manunulat ng senaryo si Doctolero para sa mga palabas sa GMA Network.[5][14] Isa siya sa mga manunulat ng Kirara, Ano Ang Kulay ng Pag-ibig? at Sana Ay Ikaw Na Nga.[14] Ang Encantadia ang unang niyang gawa bilang punong manunulat at unang proyekto niya na telefantasya na ginawa niya para sa GMA Network.[2][3][14] Kabilang sa mga kilalang gawa niya para sa GMA Network ang ay ang Amaya,[6] Indio[1] at My Husband's Lover.[9] Nagsulat din siya para sa mga kabanata ng Daisy Siete na ginawa ng Focus Entertainment na pinalabas din sa GMA Network.[15][16] Nagsulat din siya ng mga seryeng pantelebisyon na adaptasyon tulad ng Lupin, Joaquin Bordado, Totoy Bato, Gagambino at Panday Kids ngunit karamihan sa mga ito ay hindi mataas ang rating kaya hindi na siya gumagawa mga adaptasyon.[14] Nagsulat siya para sa mga pelikulang Let the Love Begin[17] at Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po![18]
Si Doctolero ay naging malikhaing kasangguni ng seryeng pantelebisyon na Alyas Robin Hood[19] na tungkol kay Pepe de Jesus na isang abogadong napagbintangang pumatay sa kanyang ama at nang pineke ang kamatayan ay naging vigilante may pana.[20] Umani ng batikos mula sa mga netizen ang seryeng nabanggit dahil sa pagkakatulad nito sa istilo at salaysayin ng Arrow ng The CW Televison Network.[19][21] Ang pangunahing bida ng Arrow na si Stephen Amell na gumaganap bilang Oliver Queen/Green Arrow ay nagkomento din tungkol sa Alyas Robin Hood sa pamamagitan ng isang mensahe sa kanyang Facebook account.[22] Dinipensahan naman ito ni Doctolero at sinabi niya na ang Alyas Robin Hood ay batay sa alamat ni Robin Hood na mula sa Britanya at hindi batay sa Arrow.[19] Ipinaliwanag din niya na istorya ni Robin Hood ay nasa pampublikong dominyo at karaniwang ginagamit na master plot o punong balangkas ng maraming manunulat.[19] Binanggit din niya na nagkaroon rin katulad na kaso noong 2007 nang naipalabas ang seryeng pantelebisyon na Lupin na kanya ring ginawa.[19] Ang mga gumawa na katulad na seryeng mula sa bansang Hapon ay hinabol ang GMA Network ngunit hindi sila nanalo dahil base ang Lupin sa isang nobelang Pranses ni Maurice LeBlanc na nasa pampublikong dominyo na.[19][23]
Naging malikhaing kasangguni din si Doctolero sa kauna-unahang primetime teleserye nina na Alden Richards at Maine Mendoza o ang AlDub love team na Destined to be Yours.[24] Sa mga tweet niya sa Twitter noong Abril 2017, isinalarawan ni Doctolero na ang mga unang mga kabanata ng Destined to be Yours ay flop o may kabiguan sa rating ngunit nag-rate ito kalunan ng baguhin ang kuwento ng serye.[12] Hindi nagustuhan ang pahayag na ito ng ilang mga tagahanga nina AlDub at nagkaroon ng iba't ibang reaksyon sa mga netizen.[12] Naglabas ng pahayag ang Senior Vice President for Entertainment TV (Nakakatandang Pangalawang Pangulo para sa Libangang Pantelebisyon) ng GMA Network na si Lilybeth Rasonable at sinalungat ang sinabi ni Doctolero.[25] Sang-ayon kay Rasonable, ang Destined to be Yours ay hindi flop at ang pahayag ni Doctolero ay kanyang pansariling kuru-kuro at hindi ng GMA Network.[25] Sa kalunan, humingi ng tawad si Doctolero sa kanyang naging mga pahayag tungkol sa maling pagpili ng mga salita.[26]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 Nadera, Vim (6 Enero 2013). "'Indio' Genius Named Suzette Doctolero (First of Four Parts)". Manila Bulletin (sa wikang Ingles at Tagalog). via HighBeam (kailangan ang suskripsyon). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-16. Nakuha noong 9 Hunyo 2017.
In 1988, her Fairy Godmother would become Angie Ferro, who gave her, at 19, a job as a production assistant for Balintataw TV produced by Cecile Guidote-Alvarez.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Sadiri, Walden (24 Abril 2005). "'Encantadia,' Mark Reyes' Newest Passion". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). via HighBeam (kailangan ang suskripsyon). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-16. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Noguera, Al Kendrick (18 Hulyo 2016). "Suzette Doctolero reveals 'Encantadia' was her first telefantasya project" (sa wikang Ingles). GMA Network. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tomada, Nathalie (20 Hunyo 2016). "What it took to bring back Encantadia". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 Nadera, Vim (13 Enero 2013). "'Indio' Genius Named Suzette Doctolero (Second of Four Parts)". Manila Bulletin (sa wikang Ingles at Tagalog). via HighBeam (kailangan ang suskripsyon). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-16. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 San Diego Jr., Bayani (12 Hunyo 2011). "Revisiting history on prime-time TV can be tricky, to say the least". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA News TV launches game-changing programs in 2013". GMA News (sa wikang Ingles). 18 Enero 2013. Nakuha noong 9 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA bets big on Indio". Business World (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2017. Nakuha noong 9 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Töngi-Walters, Giselle (28 Hulyo 2013). "My Husband's Lover: Behind the story". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2017. Nakuha noong 9 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Calderon, Ricky (10 Pebrero 2006). "Christian Bautista pampered like a star in Indonesia". The Freeman (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2017. Nakuha noong 9 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Anarcon, James Patrick (30 Agosto 2016). "PEP EXCLUSIVE: Alyas Robin Hood consultant differentiates show as Arrow actor reacts to teaser". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 Anarcon, James Patrick (20 Abril 2017). "Will Alden-Maine series end this May? Why did GMA consultant describe Destined To Be Yours as "flop"?". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maine admits she's nervous, excited about 'Destined to Be Yours'". Malaya Business Insight. 22 Pebrero 2017. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 14.0 14.1 14.2 14.3 Nadera, Vim (27 Enero 2013). "'Indio' Genius Named Suzette Doctolero (Last Part)". Manila Bulletin (sa wikang Ingles at Tagalog). via HighBeam (kailangan ang suskripsyon). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-16. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Calderon, Ricky (26 Agosto 2005). "Sexbomb's success streak continues". The Freeman (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2017. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Daisy Siete' Continues to Soar High; Sexbomb Not Leaving 'Eat Bulaga'". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). via HighBeam (kailangan ang suskripsyon). 6 Hunyo 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-06. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Supporting Cast Shines in 'Let the Love Begin'". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). via HighBeam (kailangan ang suskripsyon). 8 Pebrero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-06. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bahay Kubo (A Pinoy Mano Po)'". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). via HighBeam (kailangan ang suskripsyon). 29 Nobyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-16. Nakuha noong 15 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 19.2 19.3 19.4 19.5 Anarcon, James Patrick (30 Agosto 2016). "PEP EXCLUSIVE: Alyas Robin Hood consultant differentiates show as Arrow actor reacts to teaser". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Tagalog at Ingles). Nakuha noong 20 Hulyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gloria, Gaby (20 Setyembre 2016). "'Alyas Robin Hood': Not a carbon copy of CW's 'Arrow'". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2017. Nakuha noong 20 Hulyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA 7 consultant addresses 'Alyas Robin Hood' backlash". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 1 Setyembre 2016. Nakuha noong 20 Hulyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA executive, Stephen Amell comment on 'Alyas Robin Hood'". Rappler (sa wikang Ingles). 1 Setyembre 2016. Nakuha noong 20 Hulyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Erece, Dinno (29 Marso 2007). "GMA-7's "Lupin" not based on the anime series "Lupin III"". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Tagalog at Ingles). Nakuha noong 20 Hulyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abanilla, Clarizel (16 Mayo 2017). "The end of AlDub? 'Destined To Be Yours' says goodbye in two weeks". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 25.0 25.1 "GMA exec responds to 'Destined To Be Yours' issue". GMA News (sa wikang Ingles). 21 Abril 2017. Nakuha noong 15 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Anarcon, James Patrick (26 Abril 2017). "GMA-7 writer apologizes for tweeting Destined To Be Yours a "flop"". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)