Talahulunganan ng anime at manga

kategorya ng Wikimedia
(Idinirekta mula sa Talaan ng mga henero ng anime)

Ito ang tala ng mga katawagan na partikular sa anime at manga.

Demograpiko

baguhin
  • josei (女性, "babae"): Ang anime at manga na nilalayon para sa mga adultong kababaihan na demograpiko.[1]
  • kodomo (子供) o kodomomuke (子供向け): Anime at manga para sa mga bata.[1]
  • seinen (青年): Ang anime at manga na nilalayon para sa mga adultong kalalakihan na demograpiko.[1][2]
  • shōjo (少女, "batang babae"): Anime at manga na nilalayong para sa mga nagdadalagang demograpiko.[1][2]
  • shōnen (少年, "batang lalaki"): Anime at manga na nilalayong para sa mga nagbibinatang demograpiko.[1][2]

Mga uri o genre

baguhin
  • mahō shōjo (魔法 少女) o magical girl (sa Ingles): Isang uri ng anime, manga o ibang midya na tinatampok ang mga batang babaeng may mahikang kapangyarihan, isang batang salamangkera.
  • mahō shōnen (魔法 少年) o magical boy (sa Ingles): Isang uri ng anime, manga o ibang midya na tinatampok ang mga batang lalaking may mahikang kapangyarihan, isang batang salamangkero.
  • shōjo-ai (少女愛, "pag-ibig ng babae"): Isang uri ng manga o anime na nakatuon sa mga romansa sa pagitan ng mga babae.[3]
  • yuri (百合): isang uri ng anime o manga na nakatuon sa mga relasyon lesbiyana. Sa bansang Hapon, ipinahihiwatig ng katawagan ang isang malawak na espektro ng atraksyon sa pagitan ng mga kababaihan. Sa labas ng bansang Hapon, ginagamit din ito para sa malinaw na sekwal na nilalaman,[1] at mas malinaw ito kaysa shojo-ai.[3]
  • shōnen-ai (少年愛, "pag-ibig na lalaki"): Isang katawagan na ipinahihiwatig ang nilalamang may lalaking homoseksuwal sa midyang pangkababaihan. Sa mga nagsasalita ng wikang Ingles, ginagamit ito para sa materyal na walang malinaw na pakikipagtalik sa anime, manga at kaugnay na kathang-isip ng tagahanga.
  • yaoi (やおい): isang uri ng anime o manga na nakatuon sa mga relasyong homoseksuwal na lalaki. Kilala din sa tawag na Boys Love.
  • harem: isang sub-uri ng anime at manga na isinalalarawan ang isang ordinaryong lalaki na pinapaligiran ng pangkat ng kababaihan kasama ang ilang potensyal na love interest o pinag-iinteresang mahal. Tinatawag namang reverse harem o kabaligtaran ng harem ang isang ordinaryong babae na pinapaligiran ng mga kalalakihan.[4]
  • shotacon (ショタコン, shotakon): Isang uri ng manga o anime na nilalarawan ang isang mukhang batang lalaking karakter sa kaparaanang erotiko.
  • lolicon (ロリコン, rorikon): Isang portmanteau o pinaghalong salita para sa "lolita complex". Isang uri ito ng manga o anime na nilalarawan ang isang mukhang batang babae karakter sa kaparaanang erotiko.[1]
  • mecha: Isang anime at manga na tinatampok ang mga robot (mecha) sa labanan. Nahahati ang mecha sa dalawang sub-uri: mga "super robot," kung saan ang mga mecha ay may di makakatotohanang kapangyarihan at mas nakatuon sa labanan at mga robot mismo, at mga "totoong robot", kung saan ang mecha ay mas may kapani-paniwalang kapangyarihan at mayroon itong drama at nakatuon sa mga piloto ng mecha.

Mga katawagan

baguhin
  • Anime music video (AMV): isang piraso ng bidyo mula sa isa o higit pa na mga serye ng anime na nakaayos upang magkasya sa isang piyesang musikal na pinapatugtog sa background.[1]
  • CV: Character Voice (boses ng karakter), tingnan "seiyu" sa ibaba.[5]
  • dub: Kapag ang mga boses sa isang anime ay sinalin sa ibang wika.
  • eroge (エロゲー, erogē): Isang portmanteau o pinaghalong salita ng "erotic game" (エロチックゲーム, erochikku gēmu), ay isang bidyo o larong kompyuter mula sa Hapon na tinatampok ang mga erotikong nilalaman, kadalasan sa anyong anime. Nagmula ang eroge sa galge na dinagdag ang mga nilalamang adulto na inuuri bilang 18+.
  • eyecatch (アイキャッチ, aikyatchi): Isang eksena o ilustrasyon na ginagamit upang simulan at tapusin ang patalastas sa isang programa sa telebisyon sa bansang Hapon, katulad ng mga commercial bumper sa Estados Unidos.
  • hentai (変態, "pervert" (sa Ingles) o taong naligaw ng landas): Isang katawagang na ginagamit sa labas ng bansang Hapon upang ilarawan ang mga manga at anime na erotiko o pornograpiko. Sa bansang Hapon, ginagamit ang katawagang "ero manga" at "ero anime" upang ilarawan ang ganitong uri.[6]
  • juné (ジュネ): Isang manga o tekstong istorya na may temang homoseksuwal na lalaki na sinulat para sa babae na nasa istilong estetika (耽美, tanbi), na pinangalan ng ganito dahil sa magasin na Juné.
  • mangaka (漫画家, マンガ家): Tagaguhit ng manga. Isang manlilikha ng manga; maaring tumukoy ito sa parehong manunulat at ilustrador ng isang gawa.[2]
  • Original net animation (ONA): Isang produksyong anime na naglalayong na maipamahagi sa pamamagitan ng internet sa karaparaanang streaming o direct download.
  • Original video animation (OVA): Isang uri ng anime na naglalayong na maipamahagi sa mga teyp ng VHS o DVD at hindi pinapalabas sa mga pelikula o telebisyon. Hindi gaanong kadalas na tinutukoy ito bilang Original Animated Video (OAV).[1] Minsan, tinatawag ang mga DVD bilang Original Animated DVD (OAD).[7][8]
  • seiyū (声優): Isang Hapones na aktor na nagboboses. Gayon din bilang tagapagboses sa mga karakter sa anime, nagboboses din ang seiyū para sa larong bidyo, palatuntunan sa radyo, drama sa CD, at ibang midya.
  • yonkoma (4コマ漫画, "apat na seldang manga"): Tumutukoy sa manga na ginuguhit sa pormang apat na panel na istrip ng komiks.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Steiff, Josef; Tamplin, Tristan D. (2010). Anime and Philosophy: Wide Eyed Wonder (sa wikang Ingles). New York: Open Court. pp. 313–317. ISBN 9780812697131. Nakuha noong Hunyo 11, 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Toku 2015, p. 241
  3. 3.0 3.1 Brenner 2007, p. 304
  4. Brenner 2007, p. 89
  5. "CV とは|声優 業界用語集". www.esp.ac.jp (sa wikang Hapones). Nakuha noong Hulyo 1, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Brenner 2007, pp. 38, 297
  7. "魔法先生ネギま!~もうひとつの世界~公式HP" [Negima! Magister Negi Magi!: Another World Official HP] (sa wikang Hapones). Kodansha. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 30, 2011. Nakuha noong Abril 8, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 今日の5の2 初回限定版コミック ~公式サイト~ [Kyō no Go no Ni Limited Edition Comic Official Site] (sa wikang Hapones). Kodansha. Nakuha noong Abril 8, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

'