Pagkit
Ang pagkit, sera o waks[1] (Aleman: Wachs, Ingles: wax, Kastila, Portuges: cera) ay isang sustansiyang nakapagpapakintab at nagdurulot ng proteksiyon sa balat ng mga prutas at dahon ng mga gulay at ibang halaman. May mga pagkit din na nagmumula sa mga hayop, katulad ng tutuli mula sa loob ng tainga ng tao. May mga waks din na nanggagaling sa mga petrolyo at mineral. Mayroon ding mga waks na sintetiko o gawang-tao.[2]
May kaugnayan ang mga pagkit sa mga taba. Bagaman matigas, mas madaling masira ang mga ito kung ikukumpara mula sa mga taba. Hindi tumatagos ang tubig sa kapatagan ng mga pagkit, ngunit madali silang matunaw, kung kaya't nabibigyan ng hugis. Ginagamit ang mga pagkit sa paglikha ng mga pampaganda at pamahid na kosmetiko at panggagamot, waks papel[3], plorwax (floorwax), kandila, mga plaka pang-musika, barnis, papel na karbon (carbon paper), krayola, mga artipisyal na halaman, at mga sabon.[2]
Mga uri ng pagkit
baguhin- Mula sa mga halaman:
- pagkit ng halamang karnauba
- pagkit ng halamang kandelilya
- pagkit ng Hapon, mula sa bungang lumboy ng halamang bayberry o puno ng sumak
- pagkit mula sa tubo (halaman) (sugarcane)
- pagkit ng ouricury
- pagkit ng palma
- pagkit ng raffia
- pagkit ng damong esparto, na mula sa Hilagang Aprika
- Mula sa mga hayop:
- pagkit ng mga bubuyog, o mantika de papel
- pagkit ng mga kulisap sa Tsina
- pagkit ng shellac
- pagkit mula sa butas sa ulo ng mga balyenang sperm whale
- pagkit mula sa mga hayop na nakahahabi ng lana (wool wax)
- Mula sa mga petrolyo:
- ang paraffin
- gulamang petrolyo (petroleum jelly)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Pagkit, sera, waks, wax". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
- ↑ Kerzen ziehen und gießen: Gestalten mit Wachs (Paggawa ng Kandila), nasa wikang Aleman, Stocker, L, 2012, ISBN 3-7020-1370-9