Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Nobyembre 19
- Pangulo ng Pilipinas Gloria Macapagal Arroyo nagbitiw na bilang pinuno ng nangungunang partidong Lakas-Kampi-CMD at inendorso ang kanyang dating Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa Gilberto Teodoro sa pagkapangulo.
- Usapang Pangkapayapaan sa Gitnang Silangan nalagay sa alanganin matapos ang taimtim na pangako ni Mahmoud Abbas na hindi na siya muling tatakbo bilang Pangulo ng Palestina. (New York Times)(Daily Star Lebanon)
- Pangulong Barrack Obama at Pangulong Lee Myung-bak taimtim na nangakong pagsusumikapan ang pagpapatupad Kasunduan sa Malayang Kalakalan lalo na ang usapin sa mga awto sa pagitan ng Estados Unidos at Timog Korea. (The Wall Street Journal)(Reuters)
- Naghahanda na ang Apganistan sa panunumpa ni Pangulong Hamid Karzai para sa kanyang ikalawang termino bilang pangulo ng bansa. (BBC)(The Globe and Mail)
- Labing-anim na katao at dalawapu't anim pa sugatan sa pagsabog ng isang bomba sa labas ng gusali ng hukuman sa Lungsod ng Peshawar sa Pakistan. (BBC)(The Age)(Sky News)
- Mga pumatay kay Sheikh Mujibur Rahman ang ama ng kasalukuyang Punong Ministro ng Bangladesh na si Sheikh Hasina, hinatulan ng kamatayan. (BBC)(The Daily Star)