Ika-4 na dantaon BC

(Idinirekta mula sa 322 BC)

Ang ika-4 na dantaon BC ay nagsimula noong unang araw ng 400 BC at nagtapos noong huling araw ng 301 BC. Tinuturing itong bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.

Milenyo: ika-1 milenyo BCE
Mga siglo:
Mga dekada: dekada 390 BCE dekada 380 BCE dekada 370 BCE dekada 360 BCE dekada 350 BCE
dekada 340 BCE dekada 330 BCE dekada 320 BCE dekada 310 BCE dekada 300 BCE
Mapa ng mundo noong 323 BC (noong namatay si Alejandrong Dakila)

Minarkahan ng siglong ito ang rurok ng Klasikong kabihasnang Griyego sa lahat ng aspeto. Sa pagdating ng 400 BC, kumalat ng malayo at malawak ang Griyegong pilosopiya, sining, panitikan at arkitektura, na may maraming malayang kolonyang Griyego na umusbong sa mga lupain ng silangang Mediteranyo.

Masasabing ang pinakamahalagang serye ng mga pangyayaring pampulitika sa panahong ito ay ang mga pananakop ni Alejandro, na nagdulot sa pagguho ng dating mahirap talunin na Imperyong Persa at kumalat ang kulturang Griyego sa malayong silangan. Pinangarap ni Alejandro ang pag-iisa ng silangan at kanluran, subalit natapos ang kanyang maikling buhay noong in 323 BC, sumubsob ang kanyang napakalaking imperyo sa digmaang sibil habang ang kanyang mga heneral ay kanya-kanyang nagtayo ng kanilang sariling mga kaharian. Sa gayon, nagsimula ang panahong Hellenistiko, isang panahon na kinikilala sa pamamagitan ng isang ganap pagtingin sa pamumuno, kasama ang pagkuha ng mga Griyegong hari sa mga patibong sa paggiging pinuno at pagtatayo ng mga haliling namamana. Habang umiiral pa rin ang isang antas ng demokrasya sa ilan sa natitirang mga lungsod ng Gresya, maraming iskolar ang nakikita ang panahon na ito bilang pagmamarka sa pagtatapos sa klasikong Gresya.

Sa Indya, naitatag ang Imperyong Maurya noong 322 BC ni Chandragupta Maurya na mabilis na pinalawak ang kanyang kapangyarihan tungong kanluran sa ibayo ng gitna at kanlurang Indya, na kinuha ang pakinabang ng pagkagambala ng kapangyarihang lokal, sa kalagayan ng pag-atras ng mga hukbo ni Alejandro.

Pumasok ang Tsina sa ika-4 na dantaon BC sa isang panahon ng patuloy na pakikidigma na kilala bilang ang panahon ng mga Nakikipagdigmang Estado. Nakita sa panahon ang mabilis ng pagbangon ng malaking mga estado (tulad ng Chu) kaysa sa mas maliit na mga estado dahil sa pagsulong ng teknolohiya. Bagaman karaniwang kinikilala ang panahon ng mga dalubhasa sa kasaysayan bilang ang labis na pagiging marahas kumpara noong panahon ng Tagsibol at Taglagas, kapansin-pansin din ang ilang paglago nito sa kalinangan at panlipunan sa pamamagitan ng paglawak sa ilang mga sekta ng Confucianismo at Taoismo, at pagbabalangkas ng kaisipang legalismo.

Mga pangyayari

baguhin

Mga mahahalagang tao

baguhin

Sining biswal

baguhin

Panitikan

baguhin
  • Xenophon, Griyegong mananalaysay at manunulat

Agham at pilosopiya

baguhin

Mga imbensyon, tuklas, at pagkilala

baguhin
 
Isang balyesta Tsino ng Dinastiyang Han mula noong ika-2 dantaon BC.
  • Pinakalumang sulating Brāhmī ay napetsahan sa panahong ito. Ninuno ang Brāhmī ng mga mga sulating Brahimiko, na ginagamit sa Indya at Timog-silangang Asya.
  • Itinayo ng mga Romano ang kanilang unang akuwedukto.
  • Gumagamit ng mga Tsino sa unang pagkakataon ang balyestang hinahawakan ang kasahan.
  • Ang unang balyesta, ang gastraphetes, ay inimbento sa Syracuse. (bago-421 BC)
  • Sinunog na bloke o 'pinaapuyang bloke' ay unang ginamit sa mga Kabihasnang Mediteranyo.[1]
  • Gilingang pinapaandar ng asno o Gilingang Pompeiiyano ay unang ginamit sa Gresya at Italya.[2]
  • Sa Gresya, iminungkahi ni Aristotle ang dibisyon ng kilalang mga agham.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Stefanidou, M (Hulyo 2015). "Analysis and characterization of Roman and Byzantine fired bricks from Greece". Materials and Structures (sa wikang Ingles). 48 (7): 2251–2260. doi:10.1617/s11527-014-0306-7. Nakuha noong 24 Pebrero 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Watts, Sue. "Pompeiian Mill (Animal Powered)". Mills Archive Catalogue (sa wikang Ingles). The Mills Archive Trust. Nakuha noong 24 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)