Glandulang adrenal

(Idinirekta mula sa Adrenal gland)

Sa mga mammal, ang mga glandulang adrenal (Ingles: adrenal gland o suprarenal gland) ang mga glandulang endokrina na nakahimlay sa tuktok ng mga bato (mga kidney). Sa mga tao, ang mga kanang glandulang suprarenal ay hugis tatsulok samantalang ang kaliwang glandulang suprerenal ay hugis kalahating buwan. Ang mga ito ay pangunahing responsable sa paglalabas ng mga hormone bilang tugon sa stress sa pamamagitan ng biyosintesis ng corticosteroid gaya ng cortisol at mga catecholamino gaya ng epineprino. Ang mga glandulang adrenal ay umaapekto sa tungkulin ng bato(kidney) sa pamamagitan ng paglalabas ng aldosterone na isang hormone na sangkot sa pagreregula(kontrol) ng osmolaridad ng plasma ng dugo.

Glandulang adrenal
Adrenal gland
Mga detalye
Latinglandula suprarenalis
Tagapagpaunamesoderm, neural crest
Sistemaendokrina
superior suprarenal artery, middle suprarenal artery, Inferior suprarenal artery
suprarenal veins
celiac plexus, renal plexus
lumbar glands
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.1278
MeSHA06.407.071
Dorlands
/Elsevier
Adrenal gland
TAA11.5.00.001
FMA9604

Ang mga glandulang adrenal, na tinatawag ding mga kapsulang suprarenal o mga adrenal lamang, ay unang inilarawan ni Eustachius noong 1563.[1] Ang pangalan nito ay nagsasabi ng hinggil sa kinaroroonan o puwesto nito: ad – "malapit", at renes – "mga bato"). Ang glandula ay binuubuo ng dalawang mga uri ng mga tisyu: ang nasa gitnang adrenal medulla at sa labas nito ay ang adrenal cortex.

Anatomiya at pisyolohiya

baguhin

Sa anatomikal na paglalarawan, ang mga glandulang adrenal ay matatagpuan sa retroperitoneum na superior sa mga bato ng bilateral. Ang mga ito ay napaliligrian ng kapsulang adiposa at renal fascia. Sa mga tao, ang mga glandulang adrenal ay matagapuan sa lebel ng ika-12 thoracic vertebra. Ang bawat glandulang adrenal ay may walang katulad na mga istraktura, ang panlabas na adrenal cortex at panloob na medulla na parehong lumilikha ng mga hormone. Ang cortex ay pangunahing lumilikha ng cortisol, aldosterone, at androheno samantalang ang medulla ay pangunahing lumilikha ng epineprino at norepineprino. Ang pinagsambang timbang ng mga glandulang adrenal sa matandang tao ay mula 7 hanggang 10 gramo.

Cortex

baguhin

Ang adrenal cortex ay nakalaan sa sintesis ng mga hormone na corticosteroid at androgen. Ang mga spesipikong selulang cortical ay lumilikha ng mga partikular na hormone kabilang ang aldosterone, cortisol, at androgen gaya ng androstenedione. Sa ilalim ng mga hindi nakaka-stress na kondisyon, ang mga glandulang adrenal sa tao ay lumilikha ng katumbas na 35–40 mg ng cortisone acetate kada araw.[2] Salungat sa direktang inerbasyon ng medulla, ang cortex ay nireregula ng neuroendokrinang mga hormone mula sa glandulang pituitaryo na nasa ilalim ng kontrol ng hypothalamus gayundin ng sistemang renin-angiotensin.

Ang adrenal cortex ay binubuo ng tatlong mga sona o paton. Ang anatomikang pagsosonang ito ay maaaring mapapahalagahan sa mikroskopikong lebel kung saan ang bawat sona ay maaaring makilala at mabukod sa bawat isa batay sa mga katangiang istraktural at anatomiko nito.[3] Ang adrenal cortex ay nagpapakita rin ng pantungkuling pagsosona sa pamamagitan ng mga katangiang ensaym na makikita sa bawat sonang ito. Ang mga ito ay lumilikha at naglalabsa ng walang katulad na mga hormone.[3]

Zona glomerulosa (panlabas)
Ang pinakapanlabas na patong na zona glomerulosa ang pangunahing lugar ng produksiyong ng mineralocorticoid na ang pangunahin ay aldosterone na pangunahing responsable sa pangmatagalang regulasyon ng presyur ng dugo. Ang mga epekto ng aldosterone ay nasa distal na masalimuot na tubule at kumokolektang duct ng bato(kidney) kung saan ito ay nagsasanhi ng tumaas na muling pagsisipsip ng sodium at dumaming paglalabas ng parehong potasium(sa pamamagitan ng mga pangunahing selula) at mga ion na hydrogen(sa pamamagitan ng mga selulang interkalado ng kumokolektang duct)which is largely responsible for the long-term regulation of blood pressure. Ang retensiyon(pagpapanatili) ng sodium ay isa ring tugon sa duct na panlaway, distal na bituka, at glandula ng pawis sa stimulasyon(pagpukaw) ng reseptor ng aldosterone. Ang pangunahing stimulus na lumilikha ng aldosterone ang angiotensin II samantalang ang ACTH mula sa glandulang pituitaryo ay lumilikha lamang ng pansamantalang epekto. Ang angiotensin ay pinupukaw ng mga selulang juxtaglomerular kapag ang presyur ng dugo ng bato(kidney) ay bumabagsak ng mababa sa 90 mmHg.[4]
Zona fasciculata
Ang zona fasciculata ay matatagpuan sa pagitan ng glomerulosa at reticularis at responsable sa paglikha ng glucocorticoid gaya ng 11-deoxycorticosterone, corticosterone, at cortisol sa mga tao. Ang Cortisol pangunahing glucocorticoid sa ilalim ng mga normal na kondisyon at ang mg aksiyon nito ay kinabibilangan ng mobilisasyon(pagpapagalaw) ng taba, protina at carbohyrate ngunit hindi ito tumataas sa ilalim ng mga kondisyong pagkagutom.[4] Sa karagdagan, ang cortisol ay nagpapalakas ng gawawin ng ibang mga hormone kabilang ang glucagon at catecholamino. Ang zona fasciculata ay naglalabasa sa lebel ng basal ng cortisol ngunit maaari ring lumikha ng mga pagputok ng hormone bilang tugon sa hormone na adrenocorticotropic (ACTH) mula sa anterior na pituitaryo.
Zona reticularis
Ang pinapanloob na layor na zona reticularis ay lumilikha ng androgen na ang pangunahin ay dehydroepiandrosterone (DHEA) DHEA sulfate (DHEA-S), at androstenedione (ang prekursor sa testosterone) sa mga tao.[4]

Medulla

baguhin

Ang adrenal medulla ang loob(core) ng glandulang adrenal at napapaligiran ng adrenal cortex. Ito ay naglalabas ng tinatantiyang 20% norepeniprino at 80% epineprino. Ang mga selulang chromaffin ng medulla na ipinangalan para kanilang katangiang kayumangging pagmamantiya(staining) sa chromikong asidong mga asin ang pangunahing pinagmumulan ng sumisirkulang(umiikot) na mga catecholaminong adrenalino(o epineprino) at noradrenalino(o norepineprino). Ang mga catecholamino ay hango sa asidong amino na tyrsino at ang mga natutunay sa tubig na hormone na ito ang pangunahing mga hormone na pinagsasaligan ng tugon laban-o-takbo.

Upang isagawa nito ang bahagi nito sa tugong ito, ang adrenal medulla ay tumatanggap ng input mula sa simpatetikong sistemang nerbiyos sa pamamagitan ng mga hiblang preganglioniko sa thorasikong kordong espinal mula T5–T11. Dahil ito ay inerbado ng mga hiblang preganglionikong nerbo, ang adrenal medulla ay maaaring ituring na espesyalisadong simpatetikong ganglion. Hindi tulad ng ibang mga simpatetikong ganglia, ang adrenal medulla ay walang walang katulad na mga sinapse at naglalabas ng mga inilalabas nito ng direkta sa dugo. Ang cortisol ay nagtataguyod rin ng sintesis ng epineprino sa medulla. Ang cortisol ay nalilikha sa cortex at umaabot sa adrenal medula. Sa mga mataas na lebel, ang hormone na ito ay maaaring magtaguyod ng taas-na-regulasyon(upregulation) ng phenylethanolamine N-methyltransferase (PNMT) kaya nagpapataas ng sintesis ng epineprino at paglabas.

Suplay ng dugo

baguhin

Bagaman may pagkakaiba sa suplay ng dugo sa mga glandulang adrena(kahit sa mga kidney), may tatlong karaniwang mga arterya na nagsusuplay ng dugo sa bawat glandulang adrenal:

  • Ang superior suprarenal na arterya ay ibinibigay ng inferior phrenikong arterya
  • Ang gitnang suprarenal na artery ay ibinibigay ng abdominal(tiyan) aorta
  • Ang inferior suprarenal na artery ay ibinibigay ng renal(bato) na arterya

Ang drenahe ng vein ng mga glandulang adrenal ay makakamit sa pamamagitan ng suprerenal vein.

  • Ang kanang suprarenal vein ay dumadaloy patungo sa inferior vena cava
  • Ang kaliwang suprarenal vein ay dumadaloy patungo sa kaliwang renal vein o kaliwang inferior phrenikong vein.

Ang mga suprarenal vein ay maaaring mabuo mula sa mga anastomoses sa inferior phrenikong vein. Dahil ang kanang supre-renal vein ay maikling ay dumadaloy ng direkta sa inferior vena cava, ito ay malamang makapinsala sa huli habang isinasagawa ang pagtanggal ng kanang adrenal sa iba't ibang mga dahilan. Ang mga glandulang adrena at ang glandulang thyroid ang mga organong may pinakamataas na suplay ng dugo kada gramo ng tisyu. Hanggang 60 arteriole ay maaaring pumasok sa bawat glandulang adrena. Ito ang maaaring isa sa mga dahilan kung bakit ang kanser sa baga ay karaniwang nagme-metastasis sa mga adrenal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Adrenal". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 19.
  2. Jefferies, William McK (2004). Safe uses of cortisol. Springfield, Ill: Charles C. Thomas. ISBN 0-398-07500-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Whitehead, Saffron A.; Nussey, Stephen (2001). Endocrinology: an integrated approach. Oxford: BIOS. p. 122. ISBN 1-85996-252-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Dunn R. B.; Kudrath W., Passo S.S., Wilson L.B. (2011). "10". Kaplan USMLE Step 1 Physiology Lecture Notes (sa wikang Ingles). p. 263-289. {{cite book}}: More than one of |pages= at |page= specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)