Aklat ng Levitico

ikatlong libro sa Lumang Tipan ng Bibliya, binubuo ng 27 mga kabanata
(Idinirekta mula sa Aklat ng Levitiko)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ng Levitico o Leviticus mula sa Griyegong Λευιτικός, Leuitikos, na nangangahulugang "nauugnay sa mga Levita" ang ikatlong aklat ng Bibliya. Ito rin ang pangatlong aklat ng Torah o Pentateuch. Ang pangalang Ingles nito ay nagmula sa Latin na Leviticus na kinuha naman mula sa salitang Griyego at isang reperensiya sa mga Levita na liping pinagkuhanan ng mga saserdote(priests). Sa karagadagan ng mga instruksiyon para sa mga saserdoteng ito, ito ay umuukol rin sa papel at mga katungkulan ng laity.[1]

Ang tradisyonal na pananaw ng mga Hudyo at Kristiyano ay ang Levitico ay tinipon ni Moises at ang materyal na ito ay nagmula sa kanyang panahon.[2] Gayunpman, ang tradisyong ito ay komparatibong huli. Ito ay pinepetsahan mula kay Josephus na ika-1 siglo CE historyang Hudyo.[3]. Ang mga skolar ng Bibliya ay umaayon na ang aklat na ito ay may mahabang panahon ng paglago, at ito ay kinabibilangan ng ilang materyal na nagmula sa sinaunang panahon at umabot sa kasalukuyang anyo nito sa panahong Persian (538-332 BCE).[4]

Nilalaman

baguhin
*Vayikra, Levitico 1-5: Mga batas ng mga handog
*Tzav, Levitico 6-8: Mga handog, pag-oordina ng mga saserdote
*Shemini, Levitico 9-11: Tabernakulo, konsegrado, dayuhang apoy, kashrut(mga batas ng pagkain)
*Tazria, Levitico 12-13: Panganganak, sakit sa balat, kasuotan
*Metzora, Levitico 14-15: sakit sa balat, nahawaang mga bahay, mga paglalabas sa ari
*Acharei, Levitico 16-18: Yom Kippur, sentralisadong mga paghahandog, mga kasanayang seksuwal
*Kedoshim, Levitico 19-20: Kabanalan, parusa para sa mga pagsalangsang
*Emor, Levitico 21-24: mga patakaran para sa mga saserdote, mga banal na araw, mga liwanag at tinapay, isang mapamusong
*Behar, on Leviticus 25-25: taong Sabbatical, paglilimita ng pagpapaalipin dahil sa utang
*Bechukotai, Levitico 26-27: Mga pagpapala at sumpa, kabayaran ng mga panata
Lumang Tipan ng Bibliya

Komposisyon

baguhin

Karamihan ng mga skolar ng Bibliya ay umaayon na ang Pentateuch ay tumanggap ng huling anyo nito sa panahong Persian(538-332 BCE).[5] Gayunpaman, ang mga skolar ay umaayon na ang Levitico ay may mahabang panahon ng paglago at nagkaroon ng maraming mga karagdagan at pagbabago(editing) bago umabot sa huling anyong ito.[4] Ang kabuuang aklat ng Leviticos ay malamang nilikha sa panitikang pinagkunang Pang-saserdote(priestly source).[6] Nakikita ng karamihan ng mga skolar ang kabanata 1-15(kodigong pang-saserdote) at kabanata 17-26(kodigo ng kabanalan) bilang akda ng dalawang magkaugnay na mga eskwela. Gayunpaman, bagaman ang materyal ng kabanalan ay gumagamit ng parehong mga terminong teknikal tulad ng sa kodigong pang-saserdote, pinalawig nito ang mga kahulugan nito mula sa purong ritwal tungo sa teolohikal at moral na nagbabago sa ritwal ng kodigong pang-saserdote tungo sa modelo para sa relasyon ng Israel sa diyos. Kung paanong ang tabernakulo ay ginawang banal ng presensiya ng panginoon at naihiwalay mula sa karumihan, siya ay tatahanan sa Israel kapag ang Israel ay nadalisay(ginawang banal) at naihiwalay mula sa ibang mga tao.[7] Ang mga instruksiyong ritwal sa kodigong pang-saserdote ay maliwanag na lumago mula sa mga saserdote na nagbibigay ng instruksiyon at sumasagot ng mga tanong tungkol sa mga bagay pang-ritwal. Ang kodigong kabanalan(o H) ay dating itinuring na isang hiwalay na dokumental at kalaunang isinama sa Leviticos. Gayunpaman, tila mas mabuting isipin ang mga may akda ng kodigong kabanalan bilang mga editor na gumawa sa mga kodigong pang-saserdote at aktuwal na lumikha ng Levitico na umiiral sa kasalukuyan.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wenham, p.3
  2. Wenham, p.8 ff.
  3. Gerstenberger, pp.2-6
  4. 4.0 4.1 Grabbe (1998), p.92
  5. Newsom, p.26
  6. Levine, p.11
  7. Houston, p.102
  8. Houston, pp.102-103

Panlabas na kawing

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.