Bangko sa Pagpapaunlad ng Aprika

Ang Bangko sa Pagpapaunlad ng Aprika (AfDB) (Inggles: African Development Bank; Pranses: Banque Africaine de Développement) ay isang bangko sa pagpapaunlad na itinatag noong 1964 na ang layunin ay itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at panlipunan sa Aprika. Ito ay isang lipumpon ng bangkong ito, ang Pondong Pangkaunlaran ng Aprika (ADF), at ang Pondong Pangangalaga ng Nigerya (NTF). Sa loob ng mahigit sa apatnapung taon, ang AfDB ay nakapaggugol ng kabuuang $47.5 daplot mula sa mga 2,885 operasyon. Noong 2003, nahinuha ng bangko na may ranggo ng AAA mula sa malalaking ahensiya sa pananalapi na may puhunan ng $32.043 daplot. At saka, ito'y nakapagsadlak sa linaw ng pagkakabalangkas pagkalipas ng maraming taon para sa mga kababaihan, edukasyon at repormang pang-estruktura, at binabahagi ang kanyang tulong sa kusang lunas tulad ng katighawang pautang para sa mga Mahihirap na Bansang Di-Mautangan nang Lubos (HIDC's) at ang Bagong Pagsasama ukol sa Kaunlaran ng Aprika (NEPAD). Sa kasalukuyan, ito ay may 78 kasapi: mga 53 bansa mula sa Aprika at mga 25 bansang Amerikano, Europeo, at Asyano.

Ang logo ng AfDB

Gawain

baguhin

Ang AfDB ay may apat na pangunahing gampanin. Ang una ay gumawa ng mga pautang at mga pamumuhunang pagkapantay ukol sa kagalingang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga Bansang-Kasaping Panrehiyon (RMC). Pangalawa, ito'y magbibigay ng tulong teknikal ukol sa paghahanda at pagpapalaganap ng mga proyekto at mga programang pangkaunlaran. Pangatlo, ang AfDB ay magtataguyod ng pamumuhunan ng mga yamang pambayan at pansarili ukol sa mga layuning pangkaunlaran. At ang huli, ang AfDB ay tumutulong sa pakikipagtalastasan sa mga patakarang pangkaunlaran at mga plano ng mga Bansang-Kasaping Panrehiyon (RMC).

Ang AfDB ay kinakailangang magbigay ng tanging pansin sa mga proyekto at programang pambansa at multinasyunal na nagtataguyod ng pagkakabuong panrehiyon.[1]

Mga kasapi

baguhin

Ang Pangkat ng Bangko sa Pagpapaunlad sa Aprika ay may dalawang ibang entitad: ang Pondong Pangkaunlaran ng Aprika (ADF) at ang Pondong Pangangalaga ng Nigerya (NTF)

Mga bansang nakikinabang sa ADB

baguhin

Mga bansang nakikinabang sa ADF

baguhin

Mga bansang nakikinabang sa ADB at ADF

baguhin

Lahat ng mga bansa sa Unyong Aprikano kabilang ang Mawritanya nguni't hindi kabilang ang ang Demokratikong Republikang Arabo ng Sahara (SADR) ay karapat-dapat ukol sa mga benepisyong NTF. Ang bansang Moroko ay karapat-dapat din kahit hindi sila kasapi ng Unyong Aprikano.

Mga kasaping Di-Aprikano

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sentrong Kabatiran sa Bangko, Mga Nagkakaisang Estado, (2005, Hulyo 27), Bangko sa Pagpapaunlad sa Aprika Na Nabawi noong 2005 mula, Hulyo 27, mula sa http://www.bicusa.org/bicusa/issues/african_development_bank/index.php Naka-arkibo 2006-05-01 sa Wayback Machine.

Tingnan din

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin