Bulebar Jose W. Diokno

Ang Bulebar Jose W. Diokno (Ingles: Jose W. Diokno Boulevard) ay isang pangunahing daang kolektor na may habang 4.38 kilometro (2.72 milya) at dumadaan mula hilaga-patimog sa silangang gilid ng SM Mall of Asia at kalinya ng Bulebar Macapagal sa Bay City, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Walo ang mga linya nito at hinahatian ng panggitnang harangan. Nagbibigay ito ng daan mula Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) at Bulebar Roxas sa hilaga papunta sa sentro ng pamimili at lifestyle sa tabi ng Look ng Maynila sa Pasay. Ginagamit ng mga motorista ang daang ito bilang alternatibo sa Bulebar Macapagal. Nag-uugnay din ito patungong Entertainment City sa Parañaque sa dakong timog.

Bulebar Jose W. Diokno
Jose W. Diokno Boulevard
Bulebar Jose W. Diokno patimog patungong Entertainment City.
Impormasyon sa ruta
Haba4.4 km (2.7 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N120 / AH26 (Bulebar Roxas) at N190 (Abenida Gil Puyat) sa Pasay
 
Dulo sa timogPagcor Utility Road (AsiaWorld City) sa Parañaque
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodPasay, Parañaque
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Dating tinawag na Bay Boulevard ang bulebar. Pinalitan ito ng pangalan noong 2007, kasama na ang maikling karugtong ng Abenida Gil Puyat sa may CCP na nag-uugnay nito sa Bulebar Roxas. Ang bagong pangalan nito ay mula kay dating senador Jose Wright Diokno[1] Itinayo ng Philippine Reclamation Authority ang daan at nakumpleto ito noong 2011.[2]

Paglalarawan ng ruta

baguhin
 
Bulebar Jose W. Diokno sa sangandaan nito sa Coral Way.

Nagsisimula ang Bulebar Jose W. Diokno sa sangandaan nito sa Bulebar Roxas sa tabi ng World Trade Center Metro Manila bilang direktang karugtong ng Abenida Gil Puyat mula Pasay at Makati. Dadaan ito pakanluran sa pagitan ng CCP sa hilaga at Financial Center Pasay sa timog, at tatawid ito sa hilagang dulo ng Bulebar Macapagal bago kumurba patimog paglampas ng gusali ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS).

Ang Tulay ng Libertad ang nagdadala ng bulebar sa ibabaw ng Bambang ng Libertad, na nag-uugnay ng mga gusali ng CCP at GSIS sa SM Central Business Park kung saan ito'y magiging daang hilaga-patimog na dumadaan sa may SM Mall of Asia. Ang bahaging ito ng bulebar ay pinangingibabaw ng isang rotonda na may malaking globo sa gitna na nagsisilbing katimugang dulo ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA).

Paglampas ng Tulay ng Redentorista (Redemptorist Bridge), papasok ang bulebar sa Parañaque at mga mixed-use development ng Aseana City at Entertainment City, kung saan matatapuan ang Solaire Resort & Casino at City of Dreams Manila. Dadaan ito mula Daang Redentorista hanggang AsiaWorld City, at babagtasin nito ang Abenida Aseana bago dumating ito sa katimugang dulo nito sa PAGCOR Utility Road sa tabi ng Okada Manila.

 
Bulebar Jose W. Diokno noong nanalasa ang Bagyong Glenda, 2014.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Republic Act No. 9468" (PDF). Senate of the Philippines. Nakuha noong 14 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Land Development". Philippine Reclamation Authority. 14 Agosto 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2016. Nakuha noong 18 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°32′30″N 120°58′59″E / 14.54167°N 120.98306°E / 14.54167; 120.98306