Myanmar
Ang Myanmar, opisyal na Repulika ng Unyon ng Myanmar (internasyunal: Republic of the Union of Myanmar), na kinikilala din bilang Burma (opisyal na pangalan hangang 1989), ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya nay may populasyon na 55 milyon. Ito ang pinakamalaking bansa sa Kalupaang Timog-Silangang Asya. Ito ay napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Taylandiya sa timog-silangan, Banglades sa kanluran, at Indiya sa hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying-dagat). Ang kabisera ng Myanmar ay Naypyidaw at ang pinakamalaking lungsod ay Yangon (dating Rangoon)
Republika ng Unyon ng Myanmar
| |
---|---|
Awiting Pambansa: ကမ္ဘာမကျေ Kaba Ma Kyei "Hanggang sa Katapusan ng Mundo" | |
Kabisera | Naypyidaw |
Pinakamalaking lungsod | Yangon (Rangoon) |
Wikang opisyal | Birmano |
Kinilalang wikang panrehiyon | Jingpho, Kayah, Karen, Chin, Mon, Rakhine, Shan |
Mga opisyal na sulat | Sulat Birmano |
Katawagan | Burmes/Myanmes |
Pamahalaan | Unitary assembly-independent na republika sa ilalim ng military junta |
Min Aung Hlaing | |
Soe Win | |
Formation | |
• Bagan | 23 Disyembre 849 |
16 Oktubre 1510 | |
29 Pebrero 1752 | |
1 January 1886 | |
4 Enero 1948 (mula sa Nagkakaisang Kaharian) | |
2 Marso 1962 | |
2 Marso 1962 | |
8 Agosto 1988 | |
31 Enero 2011 | |
1 Pebrero 2021 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 676,579 km2 (261,229 mi kuw) (39th) |
• Katubigan (%) | 3.06 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 55,770,232[1] (Ika-26) |
• Senso ng 1983 | 33,234,000 |
• Densidad | 76.0/km2 (196.8/mi kuw) (125th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $283.572 bilyon[2] (64th) |
• Bawat kapita | $5,200[2] (146th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $68.006 billion[2] |
• Bawat kapita | $1250[2] |
Gini (2017) | 30.7 katamtaman · 106th |
TKP (2022) | 0.608[3] katamtaman · 144th |
Salapi | kyat (K) ([[ISO 4217|MMK]]) |
Sona ng oras | UTC+6:30 (MST) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan[4] |
Kodigong pantelepono | 95 |
Kodigo sa ISO 3166 | MM |
Internet TLD | .mm |
Mga teritoryong pampangasiwaan
baguhinAng Myanmar ay nahahati sa 21 na administratibong dibisyon na binubuo ng 7 rehiyon, 7 estado, 1 teritoryo ng unyon, 1 dibisyon, At 5 sona na pinangangasiwaan ng sarili
Watawat | Pangalan | Kabisera | Rehiyon | Pop.
(2014)[5] |
Lawak
(km2) |
---|---|---|---|---|---|
Ayeyarwady Region | Pathein | Timog | 6,184,829 | 35,031.8 | |
Bago Region | Bago | Timog, Gitna | 4,867,373 | 39,402.3 | |
Estado ng Chin | Hakha | Hilaga, Kanluran | 478,801 | 36,018.8 | |
Estado ng Kachin | Myitkyina | Hilaga | 1,689,441 | 89,041.8 | |
Estado ng Kayah | Loikaw | Silangan | 286,627 | 11,731.5 | |
Estado ng Kayin | Hpa-an | Timog, Silangan | 1,574,079 | 30,383 | |
Rehiyon ng Magway | Magwe | Gitna | 3,917,055 | 44,820.6 | |
Rehiyon ng Mandalay | Mandalay | Gitna | 6,165,723 | 37,945.6 | |
Estado ng Mon | Mawlamyine | Timog | 2,054,393 | 12,296.6 | |
Teritoryong Unyon ng Naypyidaw | Naypyidaw | Gitna | 1,160,242 | 7,054 | |
Estado ng Rakhine | Sittwe | Kanluran | 3,188,807 | 36,778.0 | |
Rehiyon ng Sagaing | Monywa | Hilaga, Kanluran | 5,325,347 | 93,704.8 | |
Estado ng Shan | Taunggyi | Hilaga, Silangan | 5,824,432 | 155,801.3 | |
Rehiyon ng Tanintharyi | Dawei | Timog | 1,408,401 | 44,344.9 | |
Rehiyon ng Yangon | Yangon | Gitna | 7,360,703 | 10,276.7 |
Flag | Pangalan | Kabisera | Estado | Pop. |
---|---|---|---|---|
Danu Self-Administered Zone | Pindaya | Estado ng Shan | 161,835 | |
Kokang Self-Administered Zone | Laukkai | Estado ng Shan | 123,733 | |
Naga Self-Administered Zone | Lahe | Rehiyon ng Sagaing | 116,828 | |
Pa Laung Self-Administered Zone | Namhsan | Estado ng Shan | 110,805 | |
Pa'O Self-Administered Zone | Hopong | Estado ng Shan | 380,427 | |
Wa Self-Administered Division | Hopang | Estado ng Shan | 558,000 |
Kasaysayan
baguhinAng Burma ay naging tirahan ng iba’t-ibang lahi. Ang kapatagan ng ilog ng Irrawaddy at Salween ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet, Tsina, at Indiya. Ang naghalong lahi ng mga pangkat na ito ang naging ninuno ng mga kasalukuyang Birmano. Ang mga sinaunang kabihasnan sa rehiyon tulad ng mga Lungsod-Estado ng Pyu na nagsasalita ng Tibeto-Birman sa Itaas na Myanmar at mga kaharian ng Mon sa Ibabang Myanmar[6]. Noong ika-9 na siglo, ang mga taong Bamar ay pumunta sa itaas na lambak ng Irrawaddy, at pagsunod ng pagtatag ng Kaharian ng Pagan noong 1044, ang wikang Birmano, kulturang Birmano at ang Budismong Theravada ay unti-unting naging dominante sa bansa. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma. Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang Pagan. Naging malugod ang pagtanggap ni Anawratha sa relihiyong Budismo. Kaya’t lumganap ang sining at panitikang Budismo sa lipunang Birmano. Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay sadyang naging mahina. Sa loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging pugad ng nag-aaway na kaharian kaya ang kaharian ng Pagan ay bumagsak sa kamay ng mga Mongol noong 1297 at maraming mga estado ang naitayo. Si Buyin Naung ang muling nakapagbalik ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa Pegu hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581. noong ika-16 na siglo, ang Dinastiyang Konbaung ang namuno sa kasalukuyang Myanmar at sa Manipur at Assam. Ang Kompanyang Briton sa Silangang India ay kumuha ng kontrol sa administrasyon sa Myanmar pagkatapos ng 3 Digmaang Anglo-Burmes noong ika-19 na siglo na nagresulta sa Myanmar na maging kolonya ng Imperyong Britaniko. Pagkatapos ng okupasyon ng mga Hapon, ang Myanmar ay muling sinakop ng mga "Allies". Noong ika-4 ng Enero ng 1948, nagdeklara ng kasarinlan ang Myanmar na nasa ilalim ng Burma Independence Act ng 1947.
Panitikang Burmes
baguhinSa kasaysayan, ang panitikan ng Burma (o Myanmar) ay naimpluwensiya ng mga kalinangang Indiyano at Thai, na makikita sa mga maraming gawa, katulad ng Ramayana. Ang wikang Burmes, na di tulad ng ibang wika sa Timog-silangang Asya (e.g. Thai, Khmer), ay hiniram ang mga salita mula sa Pāli imbis sa Sanskrit. Sa karagdagan, sinasalamin ng panitikang Burmes ang lokal na alamat at kalinangan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Department of Economic and Social Affairs Population Division (2009). "World Population Prospects, Table A.1" (PDF). 2008 revision. United Nations. Kinuha noong 12 Marso 2009.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Burma (Myanmar)". International Monetary Fund. Nakuha noong 1 Oktubre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Human Development Report 2009. Human development index trends: Table G" (PDF). The United Nations. Nakuha noong 5 Oktubre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Road infrastructure is still for driving on the left.
- ↑ The Union Report: Census Report Volume 2. The 2014 Myanmar Population and Housing Census. Nay Pyi Taw: Ministry of Immigration and Population. 2015. p. 12.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ O'Reilly, Dougald JW. Early civilizations of Southeast Asia. United Kingdom: Altamira Press. ISBN 978-0-7591-0279-8.