Carbon monoxide

Walang kulay, amoy, at lasa ngunit nakalalason na gaas

Ang monoksidong karbono o Carbon monoxide (CO) ay isang walang kulay, walang amoy at walang lasang gaas na katamtamang mas magaan sa hangin. Ito ay nakakalason sa mga tao at hayop kapag naenkwentro sa mas mataas na mga konsentrasyon bagaman ito ay nililikha rin sa normal na metabolismo ng mga hayop sa mababang mga kantidad at pinaniniwalang may ilang mga tungkuling normal na pang-biolohiya. Sa atmospero, ito ay nagbabago sa espasyo, may maikling buhay at may papel sa pagkakabuo ng lebel sa lupaing osono. Ang monoksidong karbono ay binubuyo ng isang atomong karbono at isang atomong oksiheno na kinawin ng tripleng kawing na binubuo ng dalawang mga kawing na kobalente gayundin ng isang datibong kawing na kobalente. Ito ang pinakasimpleng oksokarbono at isoelektroniko sa ionong siyanuro at nitrohenong molekular]]. Sa mga kompleks na koordinasyon, ang ligandong monoksidong karbono ay tinatawag na karbonilo. Ang monoksidong karbono ay nalilikha mula sa parsiyal na oksidasyon ng naglalaman ng karbonong mga kompuwestong kimikal. Ito ay nabubuo kapag walang sapat na oksiheno upang lumikha ng dioksidong karbono (CO2) gaya ng pagpapaapoy ng isang kalan o isang panloob ng kombustiyong motor sa isang saradong espasyo. Sa presensiya ng oksiheno, ang monoksidong karbono ay nasusunog sa isang apoy na asul na lumilikha ng dioksidong karbono.[1] Ang gaas na coal na malawakang ginagamit bago ang mga 1960 para sa pagiilaw na pambahay, pagluluto at pagpapainit ay malaking binubuo ng monoksidon gkarbono. Ang ilang mga proseso sa modernong teknolohiya gaya ng pugong pang-apoy ay lumilika ng monoksidong karbono bilang subprodukto nito.[2]

Carbon monoxide
Wireframe model of carbon monoxide
Ball-and-stick model of carbon monoxide
Spacefill model of carbon monoxide

Mga pangkilala (panturing)

Bilang ng CAS [630-08-0]
PubChem 281
Bilang ng EC 211-128-3
KEGG D09706
MeSH Carbon+monoxide
ChEBI CHEBI:17245
RTECS number FG3500000
Larawang 3D ng Jmol Unang Larawan
Beilstein Reference 3587264
Gmelin Reference 421
Mga pag-aaring katangian
Pormulang Tipik CO
Bigat pangmolar 28.010 g/mol
Ayos colourless gas
Odor odorless
Densidad 789 kg/m3, liquid
1.250 kg/m3 at 0 °C, 1 atm
1.145 kg/m3 at 25 °C, 1 atm
Puntong natutunaw

−205.02 °C, 68 K, -337 °F

Puntong kumukulo

−191.5 °C, 82 K, -313 °F

Solubilidad sa tubig 27.6 mg/1 L (25 °C)
Solubilidad soluble in chloroform, acetic acid, ethyl acetate, ethanol, ammonium hydroxide, benzene
Refractive index (nD) 1.0003364
Dipole moment 0.122 D
Termokimika
Std enthalpy of
formation
ΔfHo298
−110.5 kJ·mol−1
Standard molar
entropy
So298
198 J·mol−1·K−1
Mga panganib
MSDS ICSC 0023
EU classification Flammable F Toxic T
Indeks EU 006-001-00-2
NFPA 704
NFPA 704.svg
4
4
2
R-phrases Padron:R61 R12 Padron:R26 Padron:R48/23
S-phrases Padron:S53 S45
Flash point −191 °C (82.1 K; −311.8 °F)
Autoignition
temperature
609 °C (882 K; 1,128 °F)
Related compounds
Related carbon oxides Carbon dioxide
Carbon suboxide
Oxocarbons
 Y (ano ba ito?)  (patunayan)
Maliban na lamang kung itinala ang kabaligtaran, ibinigay ang datos para sa mga materyal sa kanilang pamantayang estado (sa 25 °C, 100 kPa)
Infobox references

Sa buong mundo, ang pinakamalaking pinagmumulan ng monoksidong karbono ay nagmumula sa kalikasan dahil sa mga reaksiyong potokimikal sa tropospera na lumilkha ng mga 5 x 1012 kilogramo kada taon.[3] Ang ibang mga pinagmumulan ng CO ay mga bulkan, mga kagubatan, mga apoy sa kagubatan at ibang mga anyo ng kombustiyon. Sa biolohiya, ang monoksidong karbono ay likas na nalilikha ng aksiyon ng oksihenaseng heme 1 at 2 sa heme mula sa pagkasira ng hemoglobin. Ang prosesong ito ay lumilikha ng carboxyhemoglobin sa mga normal na tao kahit pa hindi sila humihinga ng anumang monoksidong karbono.

Mga sanggunianBaguhin

  1. Carbon Monoxide – Molecule of the Month, Dr Mike Thompson, Winchester College, UK.
  2. Robert U. Ayres, Edward H. Ayres (2009). Crossing the Energy Divide: Moving from Fossil Fuel Dependence to a Clean-Energy Future. Wharton School Publishing. pa. 36. ISBN 0-13-701544-5.
  3. Weinstock, B.; Niki, H. (1972). "Carbon Monoxide Balance in Nature". Science. 176 (4032): 290–2. Bibcode:1972Sci...176..290W. doi:10.1126/science.176.4032.290. PMID 5019781.