Pasko sa Pilipinas
Ang Pasko sa Pilipinas, isa sa dalawang bansang may malawak na paniniwala sa Simbahang Katoliko sa Asya, ay nangunguna sa pinakamalaking pista ng taon. Ang Pilipinas ay natatangi sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko[1][2][3] na kung saan ang mga awit pangpasko ay naririnig mula Setyembre 1 hanggang sa sumunod na taon sa araw ng Pista ng Epifanio (Araw ng pagdating ng Tatlong Mago/Hari).
Mga pangyayari
baguhinMisa de Gallo (Disyembre 16-24)
baguhinBilang kinaugalian, ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ay nagsisimula sa siyam na araw na misa tuwing alas-4 ng madaling araw mula Disyembre 16. Kilala bilang Misa de Gallo (o "Misa ng mga Tandang" sa Kastila) at ang misa ay kilala sa wikang Tagalog bilang Simbang Gabi at tinawag itong simbang gabi dahil sa nagsisimula at natatapos ang misa (mass) bago sumikat ang araw. Ito ang pinakamahalagang tradisyon ng mga Pilipino.
Itong siyam na misa ay kinikilalang Novena ng mga Katoliko at ng mga Aglipayan. Ito ay tumutukoy sa kinasanayang siyam na araw na paniniwala para makakuha ng magandang biyaya. Ang siyam na araw ay nangangahulugan ng siyam na buwan ng pagdadalang tao ng Birhen Maria.
Nakasanayan o nakaugalian na rin ng mga Pilipino na pagkatapos ng misa, ang mga nagsisimba ay kumakain na ng agahan sa bahay o bumibili sa Plaza o bangketa ng bibingka (gawa sa harina, kanin, at may itlog sa ibabaw na niluluto gamit ang uling sa lutuang gawa sa palayok), Puto bumbong (malagkit na kanin na pinasok sa kawayan na may asukal at kinayod na niyog), salabat (mainit na tsaang gawa sa luya) at inuming tsokolate (tradisyonal na panimpla).
Bisperas ng Pasko
baguhinPagsapit ng alas-10 ng gabi ng bisperas ng Pasko, nagsisimba ang lahat para sa huling Simbang Gabi bilang pasasalamat sa biyayang binigay sa nagdaang taon at para ipagdiwang ang kaarawan ni Jesus. Ang mga Pilipino, tulad ng ibang nagdidiwang ng Pasko sa buong mundo, ay nagsasalo pagsapit ng alas-12 ng hating-gabi sa tradisyonal na Noche Buena. Ang tipikal na handang Pilipino ay ang queso de bola, inuming tsokolate, hamon de bola, at ibang handa na impluwensiya ng Kanluran (Spaghetti, Macaroni) at Silangan (Lumpiang Shanghai, Pancit). Pagkatapos ng kainan ay binubuksan na ang mga regalo.
Sa ilang probinsiya sa Pilipinas ay may prosisyon bago ang huling Simbang Gabi. Sinasadula nila ang panunuluyan ni Jose at Birheng Maria hanggang makita ang sabsaban.
Araw ng Pasko
baguhinAng araw ng Pasko ay tradisyonal na gawaing pampamilya. Ang misa sa umaga pagkatapos ng huling Simbang Gabi ay tinatawag na Misa de Aguinaldo.
Pagkatapos ng misa, ang mga pamilyang Pilipino ay bumibisita sa kanilang mga kamag-anak, ang iba sa mga ninong at ninang. Sinisimulan ito sa pagmamano bilang respeto sabay ng pag-abot ng regalo na kadalasan ay perang bagong imprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Pagkatapos nito ay nagsasalo ang buong angkan sa tradisyonal na tanghalian. Sa hapon, ang ibang pamilya ay umuuwi na o pumunta sa pampublikong lugar tulad ng parke, mall, sinehan at tabing dagat. Mula 1975, naging tradisyon na ng mga sinehan sa Maynila, at ngayon sa buong Pilipinas, na hindi magpalabas ng pelikulang banyaga at ito ay tinatawag na Metro Manila Film Festival. Isa ring kakaibang tradisyon ay nagpapaputok ng rebentador, kwites at iba pa sa araw ng Pasko.
Dekorasyon
baguhinKaraniwang palamuti ng bawat Pilipinong mag-anak ang Parol at Belen. Sa panahon ng makabagong kultura, sinabayan na ito ng Christmas Tree at mga palamuting Christmas Lights. Nilalagyan na rin ng imahe ni Santa Claus at ang kanyang reindeer ang bakuran ng bahay.
Pananapatan
baguhinTuwing gabi mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 24, naging tradisyon na ng mga kabataang Pilipino na manapatan sa mga bahay-bahay. Ang kadalasang pantugtog ay tamborinang gawa sa tansan ng softdrink at aluminum o alambre, drum mula sa lata ng gatas ng sanggol.
Isang halimbawa ay ang kantang "Sa may bahay ang aming bati" o "Namamasko"
- Sa may bahay ang aming bati:
- "Merry Christmas na maluwalhati!"
- Ang pag-ibig, pag siyang naghari,
- Araw-araw ay magiging Pasko lagi!
- Ang sanhi po ng pagparito,
- Ay hihingi po ng Aguinaldo.
- Kung sakali't kami'y perhuwisyo
- Pasensiya na kayo't kami'y namamasko!
- We wish you a merry christmas,
- We wish you a merry christmas,
- We wish you a merry christmas,
- And a happy New Year!!
- Ulítin lahat
Santa Claus
baguhinIba-iba ang pangalang ginagamit [4]para sa batikang simbolo ng Pasko na si Santa Claus sa iba’t ibang bansa.
Nguni’t sa Pilipinas, kilala siya sa pangalang Santa Klaws[5]. Ang tunay at buo niyang pangalan ay Santa Klaws[6].
Sa programang pantelebisyon na “Wowowin” na ipinalabas sa GMA 7 noong ika-31 ng Oktubre 2017[7], kinausap si Santa ni Willie Revillame, ang host, at ipinakita sa lahat ng nanonood ang driver’s license ni Santa kung saan ang pangalan niya ay “Santa Klaws.”
Siya ay may lahing Pilipino at Irish. Siya rin ang tagapagtatag at punong opisyal sa pagpapaunlad ng negosyo o chief business development officer ng Pacific Santa’s Inc.[8], isang kumpanya na rehistrado sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya[9] na dumadalo at nagbibigay ng kasayahan sa mga kaganapan ng mga korporasyon at naglulunsad ng mga kampanyang pangkawanggawa para sa mga mahihirap, lalo na ang mga bata [10], mula noong itinatag ito noong ika-6 ng Pebrero 1964.
Ayon sa isang ulat ng Manila Bulletin[11], ipinanganak si Santa Klaws sa Zamboanga. Isang Pilipinong mestizo ang kanyang ama habang isang Irish ang kanyang ina. Nagsimula siyang magbihis ng kasuotang Santa sa edad na 15 taon, at nakita niya na marami siyang magagawa bilang Santa noong siya ay bumisita sa isang kolony ng mga ketongin sa Cebu.
Ayon sa ulat, may dalawang masters degree si Santa, sa child psychology at business administration.
“Inialay ko ang aking buhay sa imahe ng isang mapayapa at mapagmahal na ambasador na nagsisiwalat ng kapayapaan sa lahat sa ngalan ng ating tagapagligtas na si Hesus,” ani Santa. “Hindi pinipili ng tao ang kasuotan. Ang kasuotan ang pumipili sa tao.”
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Filipino Christmases around the world". Philippine Star. Nakuha noong 2007-12-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nita Umali Berselsen. "The Longest Christmas". Living in the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-28. Nakuha noong 2007-12-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-12-28 sa Wayback Machine. - ↑ "How to Celebrate a Filipino Christmas". eHow. Nakuha noong 2007-12-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "List of Christmas and winter gift givers by country" [1]
- ↑ “He came to town,” SunStar of Bacolod, Feb. 5, 2016. Retrieved 2018-2-21 [2] Naka-arkibo 2017-07-06 sa Wayback Machine.
- ↑ Angelo G. Garcia, "Santa is in town and he's at the Manila Hotel," Manila Bulletin, Nov. 20, 2016. Retrieved 2018-2-21 [3] Naka-arkibo 2018-02-13 sa Wayback Machine.
- ↑ "Willie Revillame, nakilala si Santa Klaws sa Wowowin" [4] Naka-arkibo 2018-02-19 sa Wayback Machine.
- ↑ [5]
- ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-02-19. Nakuha noong 2018-02-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2018-02-19 sa Wayback Machine. - ↑ "It’s a Christmas carol holiday at The Manila Hotel", Philippine Daily Inquirer, Nov. 20, 2015. Retrieved 2018-2-21[6]
- ↑ Angelo G. Garcia, "Santa is in town and he's at the Manila Hotel," Manila Bulletin,Nov, 20, 2016 [7] Naka-arkibo 2018-02-13 sa Wayback Machine.
Kawing panlabas
baguhin- Christmas in the Philippines Naka-arkibo 2011-06-06 sa Wayback Machine.
- History of Philippine Parols Naka-arkibo 2006-08-16 sa Wayback Machine.
- Traditional and Modern Philippine Parols Naka-arkibo 2006-07-19 sa Wayback Machine.