Ang Cities: Skylines ay isang larong bidyo na ginawa ng Colossal Order at nilathala ng Paradox Interactive na unang lumabas noong 2015. Ang laro ay malalaro ng nag-iisang manlalaro at open-ended ito na ibig sabihin na nasa manlalaro ang pasya kung kailan niya tatapusin ang laro, gayon din, isa itong simulasyon sa pagtatayo ng isang lungsod. Maaring gamitin ng manlalaro ang pagpaplanong urbano para kontrolin ang pagsosona, paglalagay ng daan, pagbubuwis, serbisyong pampubliko, at transportasyong pampubliko ng isang lugar. Maari din na pamahalaan nila ang iba't ibang elemento ng lungsod, kabilang ang badyet, kalusugan, trabaho, trapiko. at mga antas ng polusyon. Maari din na panatalihin ang lungsod sa katayuang sandbox (o burador), na nagbibigay ng kalayaan sa pagiging malikhain ng manlalaro.

Cities: Skylines
NaglathalaColossal Order[a]
Nag-imprentaParadox Interactive
ProdyuserMariina Hallikainen
Disenyo
  • Karoliina Korppoo
  • Henri Haimakainen
  • Miska Fredman
Programmer
  • Antti Lehto
  • Damien Morello
GumuhitAntti Isosomppi
Musika
  • Jonne Valtonen
  • Jani Laaksonen
Serye
  • Cities: Skylines Edit this on Wikidata
EngineUnity
Plataporma
Release
  • Linux, OS X, Windows
  • 10 Marso 2015
  • Xbox One
  • 21 Abril 2017
  • PlayStation 4
  • 15 Agosto 2017
  • Nintendo Switch
  • 13 Setyembre 2018
  • Google Stadia
  • 17 Mayo 2022
  • PlayStation 5, Xbox Series X/S
  • 15 Pebrero 2023
DyanraNagtatayo ng lungsod, simulasyon ng pagtatayo at pamamahala
ModeIsahang-manlalaro

Ang Cities: Skylines ay isang progresyon ng paggawa mula sa nakaraang mga titulo na Cities in Motion ng Colossal Order din, na nakatuon sa pagdidisenyo ng epektibong mga sistemang transportasyon. Habang naramdaman ng Colossal na may teknikal na kadalubhasaan sila na palawakin ang paglalaro ng Cities sa isang mas buong-tampok na larong simulasyon ng lungsod, inisyal na pinigilan sila sa ideya ng tagalathala nilang Paradox Interactive, na natakot sa pagiging dominante ng seryeng SimCity sa merkado. Bagaman, muling kinunsidera ito pagkatapos ng kritikal na pagkabigo ng larong SimCity ng 2013, na nagbigay ng oportunidad sa Paradox na itatag ang isang prangkisang nakikipagkompitensiya. Ang layunin ng Colossal ay makalikha ng isang engine o makina ng laro na maaring i-simulasyon ang pang-araw-araw na gawain ng halos isang milyong walang katulad na mga mamamayan, habang ipapakita sa manlalaro sa isang paraang payak, na pinapahintulot ang manlalaro na madaling maintindihan ang iba't ibang suliranin sa disenyo ng kanilang lungsod. Kabilang dito ang makatotohanang pagsisikip ng trapiko, ang epekto ng pagsisikip sa mga serbisyo at distrito ng lungsod. Simula nang nilabas ang laro, nailabas ang iba't ibang ekspansyon at iba't ibang DLC (downloadable content o nilalaman na nada-download) para sa laro. Naka-bulit-in o nasa laro na ang suporta para sa mga user-generated content o nilalaman na ginawa ng tagagamit.

Unang lumabas ang laro para sa mga operating system na Linux, OS X, at Windows noong Marso 2015. Ang mga console port ng Tantalus Media ay nailabas para sa Xbox One at PlayStation 4 na mga console ng laro noong 2017, para sa Nintendo Switch noong Setyembre 2018, at para sa Google Stadia noong Mayo 2022. Isang edisyong remastered ng Tantalus din ang nailabas para sa PlayStation 5 at Xbox Series X/S noong Pebrero 2023. Napaboran ang laro sa mga pagsusuri mula sa mga kritiko, at komersyal na matagumpay ang laro, na may higit sa labing-dalawang milyong kopya ang naibenta sa lahat ng plataporma ayon noong Hunyo 2022. Isang sequel o sumunod na laro, ang Cities: Skylines II, ang nailabas noong Oktubre 24, 2023.

Paglalaro

baguhin

Magsisimula ang manlalaro sa isang piraso ng lupa – katumbas sa isang sukat na 2-x-2-kilometro (1.2 mi × 1.2 mi)[1] – kasama ang isang sangang-daan o interchange na labasan mula sa isang katabing lansangang-bayan, daanan sa isang anyong tubig, gayon din ang isang paunang halaga ng salapi sa loob ng laro. Magtutuloy ang manlalaro na magdagdag ng mga daan at mga sonang residensyal, komersyal, at industriyal, at pangunahing serbisyo tulad ng kuryente, tubig, at alkantarilya upang himukin na makapasok ang mga residente at tustusan sila ng mga trabaho.

Paglabas

baguhin

Inanunsyo ang Cities: Skylines ng tagapaglathalang Paradox Interactive noong Agosto 14, 2014 sa Gamescom.[2] Binigyan-diin ng trailer ng pag-aanunsiyo na maaring gawin ng mga manlalaro ang "pagtayo ng [kanilang] pinapangarap na lungsod," "mag-mod at ibahagi online" at "maglaro ng offline"[3]—ipakahulugan ng mga mamamahayag ang pangatlong tampok bilang isang sundot sa SimCity, na unang nagbigay ng pangangailangan sa pagkonekta sa Internet habang naglalaro.[4][5] Gumamit ang Skylines ng isang naka-adapsyong Unity engine na may opisyal na suporta sa pagmo-mod.[6] Nailabas ang laro noong Marso 10, 2015, na may pangako ang Colossal Order ng patuloy na pagsuporta sa laro pagkatapos na mailabas ito.[4]

Pagtanggap

baguhin

Simula nang nailabas, nakatanggap ang Cities: Skylines ng "pangkalahatang positibong" pagtanggap mula sa mga kritiko, sang-ayon sa Metacritic, isang agregador ng nagsusuri.[7] Nagbigay ang IGN ng isang iskor na 8.5 at sinabing "Don’t expect exciting scenarios or random events, but do expect to be impressed by the scale and many moving parts of this city-builder." (Huwag umasa ng mga kapana-panabik na senaryo o walang-piling kaganapan, subalit asahan na bumilib sa laki at maraming bahaging gumagalaw sa larong ito na nagtatayo ng lungsod.) [12] Nagbigay ang Destructoid sa laro ng 9 sa 10 na may isang nagsuri ang nagsabing, "Cities: Skylines not only returns to the ideals which made the city-building genre so popular, it expands them. I enjoyed every minute I played this title, and the planning, building, and nurturing of my city brought forth imagination and creativity from me like few titles ever have." (Hindi lamang binalik ng "Cities: Skylines ang mga mithiin ng kategoryang pagtatayo ng lungsod na maging sikat, kundi pinalawak pa nila. Nasiyahan ako bawat minuto ng paglalaro, at ang pagpaplano, pagtatayo, at pag-aaruga ng lungsod ko ay naglabas ng imahinasyon at pagkamalikhain ko tulad ng iilang titulo na mayroon.)[11] Nagbigay ng perpektong iskor ang The Escapist sa Cities: Skylines, na pinansin ang mababang presyo nito at sinabing na sa kabila ng ilang maliit na kapintasan, ito ang "finest city builder in over a decade" o ang pinakamahusay sa kategoryang pagtatayo ng lungsod sa higit sa isang dekada.[16]

Mga pananda

baguhin
  1. ang mga port para sa Xbox One, PlayStation 4, Nintendo Switch, at Google Stadia ay sinuportahan ng Tantalus Media.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kamen, Matt (23 Setyembre 2014). "How 'Cities: Skylines' aims to dethrone SimCity". Wired.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-19. Nakuha noong 10 Marso 2015.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. O'Connor, Alice (15 Agosto 2014). "Simulated Urban Area – Cities: Skylines Announced". Rock Paper Shotgun (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Marso 2015. Nakuha noong 21 Setyembre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Sky is Not the Limit in a New City-building Simulator from Colossal Order" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). Paradox Interactive. 14 Agosto 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Marso 2015. Nakuha noong 21 Setyembre 2014.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Dean, Paul (14 Setyembre 2014). "Cities: Skyline is out to satisfy where SimCity couldn't". Eurogamer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2014. Nakuha noong 11 Pebrero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Stoneback, Robert (14 Agosto 2014). "Cities: Skylines Revealed by Cities in Motion Creators at Gamescon". The Escapist (sa wikang Ingles). Defy Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2019. Nakuha noong 21 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Munthe, Jacob (20 Agosto 2014). "We are Colossal Order & Paradox Interactive, the developers and publishers of the upcoming hardcore city builder game Cities: Skylines -- AMA". Reddit (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Abril 2016. Nakuha noong 21 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Cities: Skylines" (sa wikang Ingles). Metacritic. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Setyembre 2019. Nakuha noong 10 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Cities: Skylines – PlayStation 4 Edition". Metacritic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Marso 2020. Nakuha noong 8 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Cities: Skylines – Xbox One Edition". Metacritic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Marso 2020. Nakuha noong 8 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Cities: Skylines – Nintendo Switch Edition". Metacritic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Marso 2020. Nakuha noong 8 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Review: Cities: Skylines – Destructoid". destructoid.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Marso 2015. Nakuha noong 12 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 "Cities: Skylines Review". IGN (sa wikang Ingles). 10 Marso 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hulyo 2019. Nakuha noong 11 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Building Toward Something Meaningful – Cities: Skylines – PC – www.GameInformer.com". www.GameInformer.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2017. Nakuha noong 11 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Todd, Brett. "Cities: Skylines Review". GameSpot (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Marso 2020. Nakuha noong 13 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Cities: Skylines". PC Gamer (sa wikang Ingles). 10 Marso 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Marso 2020. Nakuha noong 11 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "Cities: Skylines Review – Modern City Building Made Easy – Reviews – The Escapist". The Escapist (sa wikang Ingles). 10 Marso 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Marso 2015. Nakuha noong 11 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin