Wikang artipisyal

(Idinirekta mula sa Constructed language)

Ang wikang artipisyal ay mga wika o lengguwaheng inimbento. Ilang halimbawa ang Esperanto, Lojban, Interlingua, Klingon, Toki Pona, Lingua Franca Nova, Vling, Afrihili, Na'vi, Kotava, Solresol, Quenya, Lingwa de planeta, Fremen, Galach, Pandunia, at Novial. Sa wikang Ingles, ang kalimitang tawag dito ay conlang, mula sa constructed language. Puwede rin tawagin ito sa Ingles bilang artificial language, planned language, model language o invented language o iba pa. Kung minsan, sa wikang Ingles, ginagamit ang auxlang, mula sa auxiliary language; itong bagay ay partikular na conlang na para gamitin sa internasyonal na komunikasyon. Sa wikang Tagalog, ang conlang ay maaari ring tawaging wikang guni-guni.

Ang taliwas ng conlang ay ang natlang, mula sa natural language, ang wikang likas, katulad ng Kastila at Griyego. May conlang na parang natural (naturalistiko) na sadyang nilagyan nga ng mga iregularidad, katulad ng Interlingua at Quenya.

Ayon sa layon, ang karamihan ng mga wikang artipisyal ay may mga sumusunod na klasipikasyon:

  • Inhenyerong wika (engelangs, IPA /ˈɛnd͡ʒlæŋz/), na kabilang ang lohikong wika (loglangs), pilosopikong wika, at eksperimental na wika; gawa para sa obhetibo ng eksperimentasyon sa lohiko, pilosopiya, o dalubwikaan;
  • Awksilyar na wika (auxlangs) gawa para sa internasyonal na komunikasyon (at saka mga IAL, para sa Internasyonal na Awksilyar na Lengguwahe);
  • Artistikong wika (artlangs) gawa para sa estetiko o pagiging katawa-tawa; malimit na ang mga sekretong wika at mistikong wika ay klasipikadong artlang. Ang altlang o alternatibong wika'y artistikong wika ng alternatibong kasaysayan; halimbawa, ang Anglish ay Ingles na wala ang impluwensiya ng Latin.

Ang mga wikang guni-guni ay may kategorisasyon nang a priori at a posteriori. Ang mga wikang guni-guning a priori ay may katangian bilang bokabularyo, gramatika, atbp. na hindi hinango sa umiiral na wika. Ang a posteriori naman ay taliwas nitong bagay. May mga wikang artipisyal na haluhalo nang a priori at a posteriori ang mga katangian.

Kung hindi letrang Romano ang gamit sa wikang guni-guni, maaaring may conscript o sulat na guni-guni. Puwedeng ponograma, silabograma, logograma, piktograma, haluhalo, atbp. Ginagamit itong bagay sa "paggawa ng daigdig." Sa mga Hapong animeng Kemono no Sōja Erin (獣の奏者エリン) at Violet Evergarden (ヴァイオレット・エヴァーガーデン), may mga sari-saring sulat sa mga libro at karatula. Maraming anime ay may conscript. Sa Hapong animeng The Mystic Archives of Dantalian (ダンタリアンの書架), may ginagamit na wikang parang Pseudo-Latino.

Ang mga wikang guni-guni ay ginagamit sa mga pelikula, teleserye, at literaturang ang karamihan ay piksiyong espekulatibo nga na kabilang ang pantasya at siyensiyang piksiyon. Ang wikang Eloi ay wika ng katauhang Eloi sa kinabukasang taóng 802 701 CE sa siyensiyang piksiyong prangkisang The Time Machine ni H.G. Wells. Ang wikang Barsoomian ay wika ng mga Marsiyano sa siyensiyang piksiyong prangkisang Barsoom ni Edgar Rice Burroughs. Ang wikang Vulcan ay wika ng pilosopikong katauhang Vulcan ng siyensiyang piksiyong sansinukob ng prangkisang Star Trek, na mayroon ding mga wika ng mga Romulan, Klingon, Ferengi, Andorian, at maraming iba-iba pang mga tagaibang-daigdig.

Tingnan din

baguhin
🥒 Vikipedio de Esperanto 🍆 la .uikipedi'as. 🫐 Wikipedia de Interlingua