Dambanang Rizal (Calamba)
Ang Dambanang Rizal ay isang kopya ng orihinal na dalawang palapag, istilong kastilang-kolonyal na bahay sa Calamba, Laguna kung saan ipinanganak si José Rizal noong Hunyo 19, 1861.[1] Si Rizal ay isa sa mga itinuturing na dakilang bayani ng Pilipinas.[2] Ang bahay ay itinalaga bilang isang Pambansang Dambana (Antas 1) sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Mercado Street at Rizal Street sa Poblacion 5 ng Calamba at malapit sa Simbahan ng Parokya ng San Juan Bautista at sa Dalubhasaang Panlungsod ng Calamba.
Dambanang Rizal sa Calamba | |
---|---|
Rizal Shrine Calamba | |
Iba pang pangalan | Bahay ni Rizal, Lugar ng Kapanganakan ni Rizal |
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Kumpleto |
Uri | Mansion |
Estilong arkitektural | Bahay na Bato |
Kinaroroonan | Dambanang Rizal |
Pahatiran | Francisco Mercado St. cor. Jose P. Rizal St., Brgy. 5, Poblacion |
Bayan o lungsod | Calamba, Laguna |
Bansa | Pilipinas |
Mga koordinado | 14°12′49″N 121°10′01″E / 14.213677°N 121.166827°E |
Pagpapasinaya | Hunyo 19, 1950 |
Inayos | 1949 |
May-ari | Pamahalaan ng Pilipinas |
Teknikal na mga detalye | |
Materyales | Bato, Bricks, at Kahoy |
Bilang ng palapag | Dalawang palapag na may hiwalay na gusaling ginagamit bilang museo at audio-visual room |
Mga pagtutukoy | Pambansang Dambana (Level 1) |
Nag-ayos na koponan | |
Arkitekto | Juan F. Nakpil |
Iba pang impormasyon | |
Bilang ng mga silid | 3 |
Kasaysayan
baguhinDalawang taon ang ginugol ni Francisco Mercado, ama ni Rizal, upang buoin ang orihinal na tahanan ng mga Rizal. Kinumpiska ng pamahalaang Espanyol ang tahanan noong 1891. Muling tinirahan ni Paciano Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ang tahanan noong Himagsikang Pilipino ngunit muling nakuha ng mga pari. Ang tahanan ay kalaunang binenta at nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig[3] at hindi nagtagal ay nagiba na rin. Binili ng pamahalaan ang natira sa tahanan ng mga Rizal sa halagang ₱ 24,000.[4]
Taong 1949 ng ipasa ni Pangulong Elpidio Quirino ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 145 [5] na naglalayong muling itayo ang tahanan. Mga batang Pilipinong mag-aaral ang nagbigay ng karamihan ng pondo para sa proyekto samantalang si Juan Nakpil ang nangasiwang arkitekto.[6] Nanatiling totoo sa orihinal na bahay, ang panibagong tahanan ay itinayo sa original na kinalalagyan nito at binuo mula sa mga materyales noong panahong itinayo ang tahanan.
Ang bagong tayong tahanan ay muling binuksan noong ika-19 ng Hunyo 1950 at kasalukuyang nagsisilbing repositoryo ng mga alaala ni Rizal.
Nang ipagdiwang ang Sentenaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas noong 1998, napagdesisyunan ng Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura sa pakikipagtulungan ng Pambang Komisyon sa Sentenaryo, na ang Dambanang Rizal ay dapat magpokus sa pagkabata ni Rizal.[4]
Ang tahanan ay naglalayong magbigay ng tamang representasyon ng bahay kung saan lumaki si Rizal hanggang sa kanyang pormal na pag-aaral sa Biñan. Sa mga anekdota ni Rizal, madalas niyang nababanggit ang tahanan niya noong pagkabata, inaalala ang kubong gawa sa sasa sa may hardin kung saan siya natutong matulog at maglilok; ang kusina kung saan siya natuto ng alpabeto; ang silid-tulugan kung saan siya natuto magdasal; and silid-aklatan kung saan niya natuklasana ang mga libro; at ang azotea kung saan siya nakinig sa mga kuwento ng kanyang lola tungkol sa mga "kalansay, mga nakalibing na kayamanan at mga punong namumunga ng diyamante.[1][7]
-
Ang orihinal na itsura ng bahay ni Rizal bago ito mapinturahan ng kulay berde.
-
Sa loob ng bahay ni Rizal.
-
Rebulto ng batang si Rizal
Mga tampok
baguhinAng Dambanang Rizal ay isang tipikal na kuwadradong bahay na bato, nagpapaalala sa mga tahanan ng mga nakaluluwag na Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.[7] Ang ibabang bahagi ay gawa sa batong adobe at ladrilyo, samantalang ang itaas na bahagi ay gawa sa matigas na kahoy.[7] Ang orihinal na sahig sa loob ng bahay ay natuklasan noong muling itatayo ang bahay at ginamit na rin ng itinayo ang bahay.[1] Ito ay may dumudulas na bintanang gawa sa kapis,[7] ang panlabas na haligi ay pininturahan ng berde (orihinal na puti), at ang bubong ay gawa mula sa pulang karamik na tisa.[3] Noong Hunyo 2009, pinag-utos ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan (ngayo'y Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas) ang pagpapapintura ng dambana upang bigyang-diin ang kahulugan ng apelyidong Rizal.[8]
Ang silong ng bahay ay orihinal na ginamit bilang kuwadra ng mga kabayo at karwahe.[3][7] Naglalaman ito ng ilang mga pagtatanghal tungkol sa pagkaba ni Rizal, kabilang ang mga eksaktong kopya ng mga sinulta ni Rizal at mga guhit [1] at orihinal na katibayan ng binyag. Ang itaas na palapag ay nagsisilbing tirahan ng pamilya na mayroong salas, silid-kainan, palikuran at silid-aklatan.[3] Ang caida at nagsisilbing silid-aklatan ni Francisco Mercado, ang pinakamalaking pribadong aklatan sa bayan ng Calamba noong panahong iyon na may 1000 libro.[7] Kalapit ng silid-aklatan ay ang pormal na silid-kainan ng pamilya, kung saan tinatanggap ng pamilya Rizal ang kanilang mga panauhin at mga prominenteng miyembro ng lipunan.[4] Ang caida ay konektado sa sala, na patungo rin ng tatlong silid-tulugan: ang kuwarto ng mga lalaki (para kay Jose at Paciano), ang kuwarto ng mga babae para sa siya niyang kapatid na babae, at ang punong silid-tulugan. Ang pinakamalaki sa lahat ng kuwarto, ang punong silid-tulugan ay may tulugang may apat na haligi kung saan isinilang si Rizal. Sa unahan ng sala ay ang impormal na silid-kainan o comedor. Prominente sa kuwartong ito ang punkah, isang kuwadradong pamaypay mula India. Sunod sa “comedro” at ang azotea ay isang lumang balon, isa sa mga natitirang orihinal na bahagi ng bahay.[1][7]
Itinayo noong 1997, ang tanghalan, silid-aklatan, audio-visual room at bilihan ng mga alaala ni Rizal ay matatagpuan malapit sa dambana.[1] Ang dambana ay may malawak na damuhan na may replika ng kubong gawa sa sasa at rebulto ng batang si Rizal kasama ang kanyang aso. Ang rebulto ay ginawa noong 1996 ni Dudley Diaz para sa sentenaryo ng pag-alaala sa kamatayan ni Rizal.[3][9] Ang mga labi ng magulang ni Rizal na sina Francisco Mercado at Teodora Alonso, ay nakahimlay rin sa dambana.[10]
Mga tala
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Rizal Shrine Calamba". National Historical Commission of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 27, 2014. Nakuha noong Mayo 28, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Selection and Proclamation of National Heroes and Laws Honoring Filipino Historical Figures" (PDF). Reference and Research Bureau Legislative Research Service. House of Congress. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-06-04. Nakuha noong 4 Marso 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Hilotin, Gael (Agosto 27, 2012). "Exploring the historic Calamba". Nakuha noong Mayo 29, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 Cruz, Vida (Hunyo 19, 2013). "A visit to Rizal's home on his 152nd birth anniversary". Nakuha noong Mayo 29, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Executive Order no. 145, s. 1948". Official Gazette. Hunyo 19, 1948. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 29, 2014. Nakuha noong Mayo 29, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Historical Institute 1993, p. 392
- ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 Zaide & Zaide 1997, pp. 8–9
- ↑ Ocampo, Ambeth (Hunyo 3, 2009). "Why Rizal's house turned green". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 9, 2014. Nakuha noong Mayo 29, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rizal Shrine". City Government of Calamba. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-27. Nakuha noong Mayo 29, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Our Heritage and the Departed: A Cemeteries Tour". Presidential Museum and Library. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 28, 2015. Nakuha noong Oktubre 30, 2014.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)
Mga sanggunian
baguhin- (sa Ingles) Historical Markers: Regions I-IV and CAR. Manila: National Historical Institute (Philippines). 1993. p. 382. ISBN 9715380611.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Zaide, Gregorio; Zaide, Sonia (1997). Jose Rizal: Buhay, Mga Ginawa at Mga Sinulat ng isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko at Pambansang Bayani (sa wikang Filipino). Quezon City: All Nations Publishing Co., Inc. pp. 8–9. ISBN 971-642-044-7.
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga link na panlabas
baguhin- (sa Ingles) About the Rizal Shrine Naka-arkibo 2013-05-27 sa Wayback Machine. City Government of Calamba
- (sa Ingles) Rizal Shrine Naka-arkibo 2015-07-04 sa Wayback Machine. National Historical Commission of the Philippines