Deuteronomio

Ika-limang libro ng Bibliya at binubuo ng 34 kabanata
(Idinirekta mula sa Devarim)
Mga Aklat ng Bibliya
Huwag itong ikalito sa Deuterokanoniko.

Ang Aklat ng Deuteronomio[1] ay ang ika-lima at ang huling aklat ng Torah o Pentateuco. Nangangahulugang "ikalawang batas" ang salitang Deuteronomio, ngunit hindi nakalahad sa librong ito ang isang bagong batas, bagkus isang pag-uulit at pagbubuo lang ng batas mula sa Diyos sa Bundok ng Sinai. Itinuturing na buod lamang ito ng mga kaganapang nangyari na sa iba pang mga aklat ng Pentateuco, kaya't isa lamang itong huling habilin ni Moises para sa bayang Israel, bago siya sumakabilang-buhay sa edad na 120.

Kaugnayan sa Bagong Tipan

baguhin

Gumamit ng ilang mga bahagi rito si Hesus, katulad ng sa mga sinabi niya laban kay Satanas sa Ebanghelyo ni Mateo (Mt 4; Dt 6, 13), at maging ang mga binanggit niya sa isang manananggol hinggil sa unang utos ng Diyos, na matatagpuan rin sa Ebanghelyo ni Mateo (Mt 22, 35-39; Dt 6, 4).

Komposisyon

baguhin

Kasaysayan ng pagkakasulat

baguhin

Simula ng ebidensiyang iminungkahi ni W.M.L de Wette noong 1805, tinanggap ng mga modernong skolar na ang kaibuturan ng Deuteronomio ay nilikha sa Herusalem noong ika-7 siglo BCE sa konteksto ng mga repormang relihiyosong isinulong ng Haring si Josias (na sinasabing naghari noong 641-609 BCE).[2] Ang isang malawak na consensus ng mga skolar ay umiiral na nakikita ang kasaysayang ito sa sumusunod na mga termino:[3]

  • Sa huli nang ika-8 siglo BCE, ang parehong hari ng Judah at hari ng Israel ay mga basalyo ng Assyria. Ang Israel ay nagrebelde at winasak ng Assyrian noong c.722 BCE. Ang mga tumakas tungo sa Judah ay nagdala ng mga bagong tradisyon (bago sa Judah kahit papaano). Ang isa sa mga ito ay ang diyos na si Yahweh na kilala na at sinasamba sa Judas ay hindi lang ang pinaka-mahalaga sa mga diyos ngunit ang tanging diyos na dapat pagsilbihan. Ang pananaw na ito ay umimpluwensiya sa mga elitistang Judahite na nagmamay-ari ng mga lupain na naging labis na makapangyarihan sa mga palibot ng korte pagkatapos ilagay ng mga ito ang walong taong gulang na si Josias sa trono pagkatapos ng pagpaslang ng kanyang ama.
  • Sa ika-18 taon ng paghahari ni Josias, ang kapangyarihang Assyrian ay mabilis na lumulubog at ang isang kilusang pro-independensiya ay nagtipon ng lakas sa korte. Ang kilusang ito ay naghayag ng sarili nito sa isang teolohiya ng estado ng katapatan kay Yahweh bilang nag-iisang diyos ng Israel. Sa suporta ni Josias, kanilang inilunsad ang isang buong skalang reporma ng pagsamba batay sa sinaunang anyo ng Deuteronomio 5–26 na kumukuha ng anyo ng isang tipan (i.e. kasunduan) sa pagitan ng Judah at ni Yahweh upang palitan ang tipan sa pagitan ng Judah at Assyria. Ang tipang ito ay pinormula bilang pagsasalita ni Moises sa mga Israelita (Deut.5:1).
  • Ang ikalawang yugto ay nangyari noong pagkakatapon sa Babilonia ng pamayanang Israelita. Ang pagkakawasak ng Judah ng Imperyo Babilonia noong 586 BCE at ang wakas ng paghahari ang okasyon ng labis na pagninilay nilay at teolohikal na spekulasyon sa mga eliistang Deuteronomistiko na ngayon (sa panahong ito) ay ipinatapon na sa Babilonia. Kanilang ipinaliwanag ang sakunang ito bilang parusa ni Yahweh sa kanilang pagkabigo na sundin ang batas at lumikha ang mga ito ng kasaysayan ng Israel (ang mga Aklat ni Josue hanggang sa Aklat ng mga Hari) upang ipakita ito.
  • Sa huli nang pagkakatapon sa Babilonia nang ang mga Persian ay pumayag na magbalik ang mga Hudyo upang muling itayo ang kanilang templo, ang mga kapitulo 1–4 at 29–30 ay idinagdag at ang Deuteronomio ay ginawang introduktoryong aklat sa kasaysayang ito upang ang kuwento tungkol sa mga tao na papasok sa Lupang Pangako (Canaan) ay naging kuwento ng mga tao na babalik sa lupaing ito. Ang mga legal na seksiyon ng mga kapitulo 19–25 ay pinalawig upang magtagpo sa mga bagong sitwasyon na lumitaw at ang mga kapitulo 31–34 ay idinagdag bilang isang bagong konklusyon.

Mga pinagkunan

baguhin

Ang propetang si Isaias na aktibo sa Herusalem bago ang isang siglo (century) bago ang panahon ni Josias ay hindi nagbanggit ng isang Exodo (paglisan mula sa Ehipto), mga tipan sa diyos o paglabag sa mga batas ng diyos. Ito ay sinasalungat ng kakontemporaryo (o nabuhay sa parehong panahon) si Hosea na aktibo sa hilagang Kaharian ng Israel na kadalasang nagbibigay reperensiya sa Exodo, paglalakbay sa ilang, isang tipan, panganib ng dayuhang diyos at ang pangangailangan ng tanging pagsamba kay Yahweh. Ito ay nagtulak sa mga skolar na makita na ang mga tradisyong ito sa likod ng Deuteronomio ay may hilagaang pinagmulan.[4] Kung ang kodigong Deuteronomiko na hanay ng mga batas sa Kapitulo 12–26 na bumubuo ng orihinal na kaibuturan ng aklat ay isinulat sa panahon ni Josias (huli nang ika-7 siglo BCE) o mas maaga pa rito ay pinagdedebatehan pa rin ng mga skolar. Gayunpaman, maraming mga indibidwal na batas ay mas matanda kesa sa mismong koleksiyon na ito.[5] Ang dalawang mga tula sa kapitulo 32–33 – ang Awit ni Moises at Pagpapala ni Moises ay malamang na orihinal na independiyente.[4]

Posisyon sa Tanakh (Bibliyang Hebreo)

baguhin

Ang Deuteronomio ay humawak ng isang palaisipang posisyon sa Bibliya na nag-uugnay ng kuwento ng paglalakbay ng mga Israelita sa ilang sa kuwento ng kanilang kasaysayan sa Canaan nang hindi nabibilang ng buo sa dalawang ito. Ang kuwento sa ilang ay maaring madaling magwakas sa Aklat ng mga Bilang at ang kuwento ng pananakop ni Josue ay maaaring umiral nang wala ito, kahit papaano sa lebel ng kuwento. Gayunpaman, sa parehong mga kaso, may elementong tematiko (teolohikal) na nawawala. Ang mga skolar ay nagbigay ng iba't ibang mga sagot sa problemang ito. Ang kasaysayang Deuteronomistiko ay kasalukuyang ang pinakakilala (ang Deuteronomio ay orihinal na tanging mga kodigo ng batas at tipan na isinulat upang sementuhan ang mga repormang relihiyoso ni Josias at kalaunang pinalawig upang tumayong introduksiyon sa buong kasaysayan); ngunit may isang mas matandang teoriya na nakikita ang Deuteronomio bilang nabibilang sa Aklat ng mga Bilang at ang Aklat ni Josue bilang karagdagan dito. Ang ideyang ito ay mayroon pa ring mga sumusuporta ngunit ang nananaig na pananaw ng mga skolar ay ang Deuteronomio pagkatapos na maging introduksiyon sa kasaysayan ay kalaunang inalis mula dito ay isinama sa Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, Aklat ng mga Bilang dahil ito ay mayroon na si Moises bilang sentral na karakter. Ayon sa hipotesis na ito, ang kamatayan ni Moises ay orihinal na dulo ng Aklat ng mga Bilang at simpleng inilipat mula dito tungo sa dulo ng Deuteronomio. [6]

Mga bahagi

baguhin
Lumang Tipan ng Bibliya

Binubuo ang Deuteronomio ng apat na mga bahagi:

  • Paggunita sa Nakaraan at Parangal (1, 1–4, 43)
  • Ang Diyos at ang Kaniyang Tipan (4, 44–11, 32)
  • Pagpapahayag ng Batas (12, 1–26, 19)
  • Huling mga Salita ni Moises (27, 1–34, 12)

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Deuteronomio". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rofé, pp.4-5
  3. Rogerson, John W (2003). "Deuteronomy". In James D. G. Dunn and John William Rogerson. Eerdmans Commentary on the Bible. Eerdmans.
  4. 4.0 4.1 Van Seters, p.17
  5. Knight, p.66
  6. Bandstra, pp.190-191

Panlabas na kawing

baguhin