Dinosauro

(Idinirekta mula sa Dinosawro)

Ang mga dinosauro (Ingles: dinosaur[1], pangalang pang-agham: Dinosauria) ay mga sinaunang reptilya o bayabag namuhay noong matagal nang panahon ang nakalilipas. Nagmula ang pangalang dinosauro mula sa isang salitang Griyegong nangangahulugang "nakapanghihilakbot na butiki". Naniniwala ang mga dalubhasa sa agham na unang lumitaw ang mga dinosauro noong mga 230 milyong taon na ang nakararaan sa panahong Triassiko at umiral sa loob ng 140 milyong taon. Noong 65 milyong taon sa nakaraan, naglaho ang mga dinosauro dahil sa pagbagsak ng isang asteroid sa mundo na bumago ng klima sa mundo noong ekstinksiyon sa panahong kretaseyoso . Ang ilan sa mga dinosauro ay mga herbiboro at ang ilan ay mga karniboro. Ang mga ibon ay mga inapo ng mga dinosauro na nag-ebolb mula sa mga theropod.

Mga dinosauro
Temporal na saklaw: Huling Triassic—Kasalukuyan
231.4–0 Ma
Ang mga kalansay ng ibat ibang mga hindi-ibong dinosauro na ang bawat isa ay mula sa ibat ibang pangkat. Direksiyong-orasan mula itaas na kaliwa ang mga kalansay: isang maninilang theropoda (Tyrannosaurus Rex), isang malaking sauropoda (Diplodocus), may nguso ng pato na ornithopoda (Parasaurolophus), tulad ng ibaong dromaeosaurid (Deinonychus), at sinaunang ceratopsian (Protoceratops), at may platong thyreophora (Stegosaurus).
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Dracohors
Klado: Dinosauria
Owen, 1842
Major groups

Maraming mga uri ng mga dinosauro. Ngayon, may mga isang daang iba't ibang uri ng dinosaurong nakikilala ang mga siyentipiko. May ilang herbiboro o kumakain ng mga halaman, at mayroong mga karniboro o kumakain ng mga karne. Mga kumakain ng mga halaman ang pinakamalalaking mga dinosauro, katulad ng Apatosaurus at Brachiosaurus. Sila ang pinakamalaking mga hayop na naglakad sa ibabaw ng tuyong lupa.

May mga natatanging mga sandata ang ibang mga dinosaurong kumakaing ng mga halaman, na nakakatulong sa pakikipaglaban nila sa mga dinosaurong kumakain ng mga karne. Katulad ng Triceratops na may tatlong sungay sa mukha. Nababalutan naman ang Ankylosaurus ng mga butong-baluti. At may mga tulis sa buntot ang Stegosaurus. May mainam na diwa sa kanilang mga isip ang mga dalubhasa sa agham kung ano ang itsura ng mga dinosaurong ito dahil sa mga butong natagpuan.

Karamihan sa mga kumakain ng karne ang tumatakbo sa pamamagitan ng kanilang mga panlikod na mga paa. May ilang lubhang napakalalaki, katulad ng Tyrannosaurus, ngunit may ilan din namang maliit, tulad ng Compsognathus. Ang mga mas maliliit na mga kumakain ng karne ang siyang mga naging mga nagbago't naging mga ibon. Isa sa mga unang ibon ang Archaeopteryx, ngunit mas kahawig ito ng isang dinosauro.

Mayroon mga malalaking nakalilipad na mga reptilyang namuhay ding kasabayan ng mga dinosauro, at tinatawag na mga Piterosauro o Pterosaur, ngunit hindi sila malapit na kaugnay ng mga dinosauro o mga ibon. Marami ring mga uri ng mga malalaking reptilyang nakalalangoy, katulad ng mga Ichthyosaur at Plesiosaur, ngunit hindi rin sila kalapit na kamag-anak ng mga dinosauro.

Paghahambing ng laki ng isang Tyrannosaurus at isang tao.

Pinagmulan at ebolusyon ng mga dinosauro

baguhin
 
Ebolusyon at klasipikasyon ng mga dinosauro
 
Ang mga maagang dinosauro na Herrerasaurus (malaki), Eoraptor (maliit) at isang bungo ng Plateosaurus mula sa panahong Triassiko.
 
Ang mga ibon ay mga inapo ng mga dinosauro na nag-ebolb mula sa mga theropod at kabilang sa pangkat na Dinaosauria.

Ang mga dinosauro ay humiwalay sa kanilang mga ninunong archosaur noong panahong Triassico mga 20 milyong taon pagkatapos ng ekstinksiyong Permiyano-Trriasiko na pumatay sa 96 porsiyentoo ng lahat ng mga espesyesyeng pandagat at 70 porsiyento ng mga espesyeng bertebrado noong 252 milyong taon ang nakakalipas. Ang pagpepetsang radyometriko ng pormasyong Ischigualasto Formation sa Argentina kung saan ang maagang genus ng dinosaurong Eoraptor na natagpuan ay may edad na 231.4 milyong taon.[2] Ang Eoraptor ay pinaniniwalaang kamukha ng karaniwang ninuno ng lahat ng mga dinosauro. Kung ito ay totoo, ang mga katangian nito ay nagmumungkahing ang mga unang dinosauro ay maliliit at bipedal na mga predator.[3] Ang pagkakatuklas sa isang primitibo na tulad ng dinosaurong ornithodariano gaya ng Lagosuchus at Lagerpeton sa Argentina noong panahong Carniyano ng Triassiko mga 233 milyong taon ang nakakalipas[4] ay sumusuporta sa pananaw na ito. Ang analisis ng mga nakuhang fossil ay nagmumungkahing ang mga hayop na ito ay maliliit at naglalakad na may dalawang hita. Ang mga dinosauro ay lumitaw noong panahong Anisiyano ng Triassiko mga 245 milyong taon ang nakakalipas gaya ng mga natagpuang labi ng genus na Nyasasaurus sa panahong ito gayunpaman, ang mga fossil ay pragmentaryo upang sabihing ito ay isang dinosauro o isang malapit na kamag-anak nito.[5] Natukoy ng paleontologong si sina Max C. Langer et al. (2018) na ang Staurikosaurus mula sa pormasyong Santa Maria ay mula 233.23 milyong taon ang nakakalipas na gumagawa ritong mas matanda sa edad heolohiko Eoraptor.[6]

Nang lumitaw ang mga dinosauro, ang mga ito ay hindi ang nanaig ng mga hayop sa lupain. Ang mga lupain ay tinirhan ng mga iba't ibang uri ng mga archosauromorph at therapsid gaya ng mga cynodont at mga rhynchosaur. Ang kanilang mga pangunahing katunggali ang mga pseudosuchians gaya ng mga aetosauro, ornithosuchid at mga rauisuchian na naging mas matagumpay sa mga dinasauro.[7] Ang karamihan sa mga hayop na ito ay naging ektinkt noong panahong triassiko sa dalawang pangyayari. Ang una ay noong 215 milyong taon ang nakakalip kung saan ang uri ng isang basalyong mga archousomorph kabilang ang Protosauria ay naging ekstinkt. Ito ay sinundan ng isang pangyayaring ekstinksiiyon ng Triassiko-Hurasiko noong 201 milyong taon ang nakakalips na nagpalaho sa mga maagang archosauro tulad ng artesauro, ornithosauchid, phytosauro at mga rausichiano. Ang mga Rhynchosauro at mga dicynodont ay nakaligtas sa ilang mga lugar noong gitna at huling Noriyano o pinakamaagang panahong Rhaetian.[8][9] Ang mga paglahong ito ay nagiwan ng mga lupaing fauna sa mga crocodylomorpha, dinosauro, mamalya, pterosauriano at mga pagong. Ang mga unang linya ng mga maagang dinosauro ay dumami sa Carniyano at Noriyano noong Triassiko sa pagtira sa mga tirahan ng mga grupong naging ekstinkt. Nagkaroon rin ng tumaas na antas ng ekstinksiyon noong pangyayaring pluvial na Carniyano.[10]

Kasaysayan ng pagaaral

baguhin

Mga pagaaral bago ang agham

baguhin

Nalalaman na ang mga kusilba ng dinosauro sa ilang libong taon, bagama't ang kanilang tunay na katangian ay hindi nakilala. Tinuri at itinala ng mga Intsik na mga buto ng dragon ang mga ito. Halimbawa, ang Huayang Guo Zhi (華陽國志), isang pahayagang pinagsama-sama ni Chang Qu (常璩) sa panahon ng Dinastiya ng Kanluraning Jin (265–316), ay nag-ulat ng pagtuklas ng mga buto ng dragon sa Wucheng sa Lalawigan ng Sichuan.[kailangan ng sanggunian] Ang mga taganayon sa gitnang Tsina ay matagal nang nakahukay ng mga nakusilbang "butong-dragon" para magamit sa mga nkaugaliang mga gamot.[kailangan ng sanggunian] Sa Europa, ang mga kusilba ng dinosauro ay karaniwang pinaniniwalaan na mga labi ng mga higante at iba pang nilalang sa Bibliya.[11]

Naunang pananaliksik

baguhin

Unang nagpakita ang mga pandalubhasang paglalarawan ng kung ano ang makikilala ngayon bilang mga buto ng dinosauro noong huling bahagi ng ika-17 siglo sa Inglatera. Bahagi ng buto, na kilala ngayon bilang buto sa bintgi ng Megalosaurus,[kailangan ng sanggunian] ay nahukay sa isang patibagan ng apog sa Cornwell malapit sa Chipping Norton, Oxfordshire, noong 1676. Ipinadala ang pamantingin kay Robert Plot, Propesor ng Kimika sa Pamantasan ng Oxford at unang tagapangasiwa ng Ashmolean Museum, na naglathala ng paglalarawan sa kanyang The Natural History ng Oxford-shire (1677). Natukoy niya ang buto bilang ang ibabang bahagi ng femur ng isang malaking hayop, at nakilala na ito ay masyadong malaki upang mapabilang sa anumang kilalang species. Siya, samakatuwid, ay nagpasiya na ito ay ang butong mula binti ng isang malaking tao, marahil isang Titan o isa pang uri ng higanteng itinampok sa mga alamat.[12][13]

Klasipikasyon

baguhin

Orden Saurischia

baguhin

†Orden Ornithischia  

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Dinosaur Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com
  2. Alcober, Oscar A.; Martinez, Ricardo N. (2010). "A new herrerasaurid (Dinosauria, Saurischia) from the Upper Triassic Ischigualasto Formation of northwestern Argentina". ZooKeys. Sofia: Pensoft Publishers (63): 55–81. doi:10.3897/zookeys.63.550. ISSN 1313-2989. PMC 3088398. PMID 21594020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nesbitt, Sterling J; Sues, Hans-Dieter (2021). "The osteology of the early-diverging dinosaur Daemonosaurus chauliodus (Archosauria: Dinosauria) from the Coelophysis Quarry (Triassic: Rhaetian) of New Mexico and its relationships to other early dinosaurs". Zoological Journal of the Linnean Society. 191 (1): 150–179. doi:10.1093/zoolinnean/zlaa080.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Marsicano, C.A.; Irmis, R.B.; Mancuso, A.C.; Mundil, R.; Chemale, F. (2016). "The precise temporal calibration of dinosaur origins". Proceedings of the National Academy of Sciences. 113 (3): 509–513. Bibcode:2016PNAS..113..509M. doi:10.1073/pnas.1512541112. PMC 4725541. PMID 26644579.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Nesbitt, Sterling J.; Barrett, Paul M.; Werning, Sarah; atbp. (2012). "The oldest dinosaur? A Middle Triassic dinosauriform from Tanzania". Biology Letters. London: Royal Society. 9 (1): 20120949. doi:10.1098/rsbl.2012.0949. ISSN 1744-9561. PMC 3565515. PMID 23221875.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Langer, Max C.; Ramezani, Jahandar; Da Rosa, Átila A.S. (Mayo 2018). "U-Pb age constraints on dinosaur rise from south Brazil". Gondwana Research. Amsterdam: Elsevier. 57: 133–140. Bibcode:2018GondR..57..133L. doi:10.1016/j.gr.2018.01.005. ISSN 1342-937X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Brusatte, Stephen L.; Benton, Michael J.; Ruta, Marcello; Lloyd, Graeme T. (2008). "Superiority, Competition, and Opportunism in the Evolutionary Radiation of Dinosaurs" (PDF). Science. Washington, D.C.: American Association for the Advancement of Science. 321 (5895): 1485–1488. Bibcode:2008Sci...321.1485B. doi:10.1126/science.1161833. hdl:20.500.11820/00556baf-6575-44d9-af39-bdd0b072ad2b. ISSN 0036-8075. PMID 18787166. S2CID 13393888. Nakuha noong Oktubre 22, 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Tanner, Spielmann & Lucas 2013, pp. 562–566, "The first Norian (Revueltian) rhynchosaur: Bull Canyon Formation, New Mexico, U.S.A." by Justin A. Spielmann, Spencer G. Lucas and Adrian P. Hunt.
  9. Sulej, Tomasz; Niedźwiedzki, Grzegorz (2019). "An elephant-sized Late Triassic synapsid with erect limbs". Science. Washington, D.C.: American Association for the Advancement of Science. 363 (6422): 78–80. Bibcode:2019Sci...363...78S. doi:10.1126/science.aal4853. ISSN 0036-8075. PMID 30467179. S2CID 53716186.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Fossil tracks in the Alps help explain dinosaur evolution". Science and Technology. The Economist. London. Abril 19, 2018. ISSN 0013-0613. Nakuha noong Mayo 24, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Paul 2000, pp. 10–44, chpt. 1: "A Brief History of Dinosaur Paleontology" by Michael J. Benton.
  12. Plot 1677, p. [1]
  13. "Robert Plot" (PDF). Learning more. Oxford: Oxford University Museum of Natural History. 2006. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Oktubre 1, 2006. Nakuha noong Nobyembre 14, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.