Hukbalahap

Isang sandatang kalaban ng mga Hapon noong nasasakop pa nila ang Pilipinas
(Idinirekta mula sa HUKBALAHAP)

Ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap o Huk ay isang organisasyon na kinabibilangan ng mga mandirigmang gerilya sa pamumuno ni Luis M. Taruc.[2] Sila ay lumaban sa mga Hapon noong sakupin nito ang Pilipinas.[2]

Hukbalahap
Mga pinunoLuis Taruc
Casto Alejandrino
Mga petsa ng operasyon1942–1954
Punong-tanggapanPampanga
Mga aktibong rehiyonGitnang Luzon
Ideolohiya
Posisyong pampolitikaMalayong kaliwa
Mga kaalyadoPilipinas Komonwelt ng Pilipinas (1942–1946)
Estados Unidos Estados Unidos (noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na muling pagkuha sa Pilipinas)
Mga kalaban Empire of Japan (noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na pagsakop sa Pilipinas)
Second Philippine Republic Ikalawang Republika ng Pilipinas (1943–1945)
Pilipinas Pamahalaan ng Pilipinas
Mga labanan at digmaanang paglaban ng Pilipinas laban sa Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Rebelyong Hukbalahap
Sinundan ng
Bagong Hukbong Bayan →

Simula ng Hukbalahap

baguhin

Nagsimula ang Hukbalahap noong Marso 29, 1942 sa Sitio Bawit, San Lorenzo, Cabiao, Nueva Ecija sa pamumuno ni Luis Taruc.[3] Itinatag ito ng mga pinuno ng mga organisasyon ng mga magsasaka at ng Partido Komunista ng Pilipinas upang labanan ang hukbo ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[4]

Rebelyon ng Hukbalahap

baguhin

Naging epektibo ang paglaban ng Hukbalahap sa hukbong Hapones noong sakupin ng bansang Hapon ang Pilipinas.[5] Sunod-sunod na pag-atake sa mga Hapones ang ginawa ng Hukbalahap.[3] Pinatay nila ang mga kalabang Hapones at kinuha ang mga armas nito para gamitin ng mga kasapi ng Hukbalahap.[3] Dahil dito ay tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa Hukbalahap na naging dahilan ng pagtaas ng mga sumusuporta dito na tinatayang 5,000 katao.[3] Noong 1943 ay umabot ng 10,000 ang mga aktibong sumusuporta sa Hukbalahap.[3]

Pansamantalang pagtigil ng rebelyon

baguhin

Sa pagsuko ni Luis Taruc noong May 17, 1954 sa panahon ng panunungkulan ni Ramon Magsaysay bilang Presidente ng Pilipinas, pansamantalang nahinto ang pag-aalsa ng mga Hukbalahap.[6][7][5] Dahil sa mga panukala ng pamahalaang Magsaysay sa repormang agraryo at sariling pamamahala sa lebel ng barangay, tinanggap ni Taruc ang amnestiyang inalok ng pamahalaan ni Magsaysay at pagkatapos ay muling nanirahan ang mga sundalo ng Hukbalahap sa mga bukirin sa Mindanao.[5]

Ipinagpatuloy na rebelyon

baguhin

Bagama't sumuko si Taruc noong 1954, nanatiling aktibo ang Hukbalahap sa pamumuno ng humalili kay Taruc.[8] Ang sumunod na lider na ito ay nahuli noong 1964.[8]

Mga kababaihan sa Hukbalahap

baguhin

Tinatayang isa sa sampung kasapi sa Hukbalahap ay babae.[4] Ilan sa mga kababaihang kasapi ng Hukbalahap ay sina Remedios Gomez na kilala bilang "Kumander Liwayway" at Teofista Valerio na kilala bilang “Estrella”.[4]

Pagkilala sa Hukbalahap

baguhin

Bilang pagkilala sa mga nagawa ng mga miyembro ng Hukbalahap, isang Presidential Decree ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Oktubre 7, 1977 para ituring na mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na lumaban para sa Pilipinas.[2] Nagtayo din ng isang monumento para sa Hukbalahap sa loob ng Garden of Peace Memorial Park sa Sta. Monica sa San Luis, Pampanga.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Huk Rebellion" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 15, 2021. Nakuha noong Abril 29, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Presidential Decree No. 1207 Recognizing The Former Members Of The Hukbalahap Under Luis M. Taruc Who Fought The Japanese In World War Ii As Elements Of The Underground Forces In The Philippines During World War Ii, And For Other Purposes". Official Gazette. Republic of the Philippines. Oktubre 7, 1977. Nakuha noong Disyembre 23, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)[patay na link]
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Palafox, Quennie Ann J. (Setyembre 6, 2012). "Soldiers of the Masses: The Nationalistic Struggle of Hukbalahap". National Historical Commission of the Philippines. Nakuha noong Disyembre 23, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)[patay na link]
  4. 4.0 4.1 4.2 Lanzona, Vina A. (2009). Amazons of the Huk Rebellion Gender Sex and Revolution in the Philippines. The University of Wisconsin Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Guillermo, Artemio R.; Win, May Kyi (2005). Historical Dictionary of the Philippines, Second Edition. The Scarecrow Press, Inc.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Agoncillo, Teodoro A. (1990). History of the Filipino People 8th Edition. R. P. Garcia Publishing Co.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Salazar, Zeus A. (2004). Kasaysayan ng Kapilipinuhan Bagong Balangkas. Dr. Zeus A. Salazar.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Rodell, Paul A. (2002). Culture and Customs of the Philippines. Greenwood Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Orejas, Tonette (2023-10-16). "Hukbalahap monument unveiled in Pampanga". INQUIRER.net. Nakuha noong 2023-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)