Wikang Filipino

Pambansang wika ng Pilipinas, na nakabase sa Wikang Tagalog
(Idinirekta mula sa ISO 639:fil)

Ang wikang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas. Itinalaga rin ang Filipino, kasama ang wikang Ingles, bilang isang wikang opisyal ng bansa.[2] Isa itong de facto at hindi de jureng istandard na varayti ng wikang Tagalog,[3] na isang wikang rehiyonal na Austronesiang malawakang sinasalita sa Pilipinas. Nasa 24 milyong katao o mga nasa one-fourth ng populasyon ng Pilipinas noong 2018 ang nagsasalita ng Tagalog bilang unang wika,[4] miyentras nasa 45 milyong katao naman ang nagsasalita ng Tagalog bilang pangalawang wika na sang-ayon noong 2013.[1] Isa ang Tagalog sa 185 na mga wika sa Pilipinas na natukoy sa Ethnologue.[5] Sa pagkaopisyal, binibigyang-kahulugan ang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa mga iba pang sentrong urban ng arkipelago.[6] Noong 2000, higit sa 90% ng populasyon ang nakakapagsasalita ng Tagalog, tinatayang nasa 80% ang nakakapagsalita ng Filipino at 60% ang nakakapagsalita ng Ingles.[7]

Filipino
Wikang Filipino
Bigkas[wɪˈkɐŋ ˌfiːliˈpiːno]
Katutubo saPilipinas
Mga natibong tagapagsalita
45 milyong tagapasalitang L2 (Tagalog) (2013)[1]
Latin (alpabetong Filipino)
Filipinong Braille
Baybayin
Opisyal na katayuan
 Pilipinas
 ASEAN
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2fil
ISO 639-3fil
Glottologfili1244
Linguasphere31-CKA-aa
  Mga bansa na may higit sa 500,000 tagapagsalita
  Mga bansa na may 100,000–500,000 tagapasalita
  Mga bansa kung saan sinasalita ito ng mga minoryang pamayanan
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Gaya ng ibang wikang Austronesian, karaniwang ginagamit ng Filipino ang ordeng pandiwa-paksa-obheto, pero puwede ring gamitin ang ordeng paksa-pandiwa-obheto. Ang direksiyonalidad nito ay puno-inisyal o puno-muna (head-initial directionality). Isa itong wikang aglutinatibo, pero puwedeng itaglay nito ang impleksiyon. Hindi ito wikang de-tono at puwedeng ikonsidera ito bilang isang wikang de-punto (pitch accent).

Hinangong opisyal ang Filipino para maging isang wikang plurisentriko, miyentras na pinapayaman at pinapabuti pa ito ng iba pang mga wika sa Pilipinas na sang-ayon sa mandato ng Konstitusyon ng 1987.[8] Naobserbahan sa Metro Cebu[9] at Metro Davao[10] ang paglitaw ng mga varayti ng Filipino na may gramatikang iba sa Tagalog. Kabilang ang mga lugar na ito at ang Metro Manila sa tatlong metropolitan area ng Pilipinas.

Pagtatalaga bilang pambansang wika

Habang tinuturing ang Kastila at Ingles bilang "mga opisyal na wika" noong panahon na kolonya pa ng Estados Unidos ang Pilipinas, walang naging "pambansang wika" sa simula. Sinasabi sa artikulo XIII, seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 na itinatatag ang Komonwelt ng Pilipinas na:

The National Assembly shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue as official languages. Gagawa ng mga hakbang ang Asembleang Pambansa tungo sa pagpabuti at adosyon ng isang karaniwang pambansang wika batay sa isa sa mga mayroon nang katutubong wika. Hanggang hindi pa naitatadhana ng batas, magpapatuloy ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng unang Kapulungang Pambansa ng Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 184; na nililikha ang Institute of National Language (naging Surián ng Wikang Pambansâ o SWP sa kalaunan) at inutusan itong gumawa ng isang pag-aaral at pagsisiyasat ng bawat katutubong wikang mayroon na, na umaasang mapili ang batayan para sa isang pamantayang wika.[11] Sa kalaunan, hinirang ng noo'y Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kinatawan para sa bawat pangunahing pang-rehiyong wika upang buuin ang NLI. Pinamunuan ni Jaime C. De Veyra, na umupo bilang tagapangulo ng Instituto at bilang kinatawan ng mga Bisayang Samar-Leyte, binubuo ang mga kasapi ng Instituto nina Santiago A. Fonacier (kinakatawan ang mga rehiyong nagsasalita ng Ilokano), Filemon Sotto (mga Bisayang Sebuwano), Casimiro Perfecto (mga Bikolano), Felix S. Sales Rodriguez (mga Bisayang taga-Panay), Hadji Butu (ang mga wika ng Pilipinong Muslim), at Cecilio Lopez (mga Tagalog).[12]

Pinagtibay ng Institute of National Language ang isang resolusyon noong Nobyembre 9, 1937 na nirerekomenda ang Tagalog bilang batayan sa wikang pambansa. Noong Disyembre 30, inilabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937, na inaprubahan ang adopsyon ng Tagalog bilang wika ng Pilipinas, at inihayag na ibabatay sa wikang Tagalog ang pambansang wika ng Pilipina. Sinabi sa kautusan na magkakaroon ng bisa ang utos dalawang taon mula ng inihayag ito.[13] Noong Disyembre 31 ng parehong taon, ipinahayag ni Quezon ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa na binigay ang sumusunod ng kadahilanan:[12]

  1. Malawak na sinasalita ang Tagalog at ito ang pinakanaunawaang wika sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas.
  2. Hindi nahahati sa mas maliit na anak na wika, tulad ng sa Bisaya at Bikol.
  3. Pinakamayaman ang tradisyong pampanitikan nito kumpara sa lahat ng mga katutubong wika sa Pilipinas, ang pinakamaunlad at ektensibo (sinasalamin ang wikang Toscano kasama ang Italyano). Maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa sa kahit anumang ibang autoktonong wikang Pilipino maliban sa Kastila, subalit pangunahin ayon ito sa batas.
  4. Laging Tagalog ang wika ng Maynila, ang pampolitika at ekonomikong sentro ng Pilipinas noong mga panahon ng Kastila at Amerikano.
  5. Kastila ang wika noong Rebolusyon ng 1896 at ng Katipunan, ngunit pinamunuan ang himagsikan ng mga indibiduwal na nagsalita ng Tagalog.

Noong Hunyo 7, 1940, pinasa ng Pambansang Kapulungan ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 570 na inihahayag na ang pambansang wikang Filipino ang tinuturing bilang opisyal na wika na nagkaroon ng bisa noong Hulyo 4, 1946[14] (kasabay ng inaasahang kalayaan ng bansa mula sa Estados Unidos). Sa parehong taon, ipinakilala ng Balarílà ng Wikang Pambansâ ng dalub-balarila na si Lope K. Santos ang 20-titik na alpabetong Abakada, na naging pamantayan ng wikang pambansa.[15] Opisyal na pinagtibay ang alpabeto ng Instituto para sa Wikang Pambansa na batay sa Tagalog.

Patuloy na kasaysayan

Noong 1959, nakilala ang wika bilang Pilipino sa isang pagsisikap na tanggalin ang pagkaugnay nito sa pangkat-etnikong Tagalog.[16] Bagaman, hindi nagresulta ang pagpalit ng pangalan sa unibersal na pagtanggap sa mga hindi Tagalog, lalo na sa mga Sebuwano na hindi tinanggap ang pagpili noong 1937.[17]

Noong 1987, itinalaga ng isang bagong konstitusyon ang Filipino bilang ang pambansang wika at, kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika.[18] Sinama ng konstitusyon na iyon ang ilang probisyon na may kaugnayan sa wikang Filipino.[2]

Sa Artikulo XIV, Seksyon 6, tinanggal ang kahit anumang pagbanggit sa Tagalog bilang batayan para sa Filipino, at sinabi na:[2]

Samantalang nalilinang, ito [ang wikang Filipino] ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

— Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, ARTIKULO XIV EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS; WIKA; SEK. 6.

At sinasabi din sa artikulo na:

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya [ipasiya] ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon [sistemang pang-edukasyon].

— Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, ARTIKULO XIV EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS; WIKA; SEK. 6.

at:

... Ang mga wikang panrehyon [panrehiyon] ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon [rehiyon] at magsisilbi na [magsisilbing] pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal [opsiyonal] ang Kastila [Espanyol / Español] at Arabic [Arabe].

— Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, ARTIKULO XIV EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS; WIKA; SEK. 7.

Binago ng Seksyon 17(d) ng Kautusang Tagapagpaganp 117 ng Enero 30, 1987 ang pangalan ng Institute of National Language bilang Institute of Philippine Languages.[19] Nilikha ng Batas Republika Blg. 7104, na ipinagtibay noong Agosto 14, 1991, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na pinapalitan ang Institute of Philippine Languages. Direktang nag-uulat ang KWF sa Pangulo at inuutusan itong gumawa, makipag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapabuti, pagpapalaganap ng Filipino at ibang mga wika sa Pilipinas.[20] Noong Mayo 13, 1992, nilabas ng komisyon ang Resolusyon Blg. 92-1, na tinutukoy ang Filipino bilang ang:

ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.[21]

Unicode

Sakop na mga numero ng Unicode ng Tagalog: U+0000-U+007F U+1700–U+171F

Mga Kontrol na C0 at Pamantayang Latin[1]
Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF)
  0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 A B C D E F
U+000x  NUL   SOH   STX   ETX   EOT   ENQ   ACK   BEL    BS     HT     LF     VT     FF     CR     SO     SI  
U+001x  DLE   DC1   DC2   DC3   DC4   NAK   SYN   ETB   CAN    EM    SUB   ESC    FS     GS     RS     US  
U+002x   SP   ! " # $ % & ' ( ) * + , - . /
U+003x 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 : ; < = > ?
U+004x @ A B C D E F G H I J K L M N O
U+005x P Q R S T U V W X Y Z [ \ ] ^ _
U+006x ` a b c d e f g h i j k l m n o
U+007x p q r s t u v w x y z { | } ~  DEL 
Mga pananda
1.^ Ayon sa bersyon ng Unicode na 13.0
Tagalog[1][2]
Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF)
  0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 A B C D E F
U+170x
U+171x
Talababa
1.^ Pagsapit ng bersyong 15.0 ng Unicode
2.^ Ipinapahiwatig ng mga kulay-abo na puwang ang mga di-itinalagang puntos ng kodigo

Halimbawa

Ang sumusunod ay isang halimbawa na paghambing ng Tagalog at Filipino sa gawang pampanitikan. Inihahambing ang sumusunod ang bersyong Tagalog at bersyong Filipino ng Bibliya.

Tagalog Filipino
Magandang Balita Biblia (Tagalog Popular Version) Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[22] Sapagkat ganoon inibig ng Diyos ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[23]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Filipino sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. 2.0 2.1 2.2 Constitution of the Philippines 1987, Article XIV, Sections 6 and 7 (sa Ingles)
  3. Nolasco, Ricardo Ma. (Agosto 24, 2007). "Filipino and Tagalog, Not So Simple". svillafania.philippinepen.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 22, 2014. Nakuha noong Enero 16, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tagalog sa Ethnologue (ika-22 ed., 2019)
  5. "Philippines". Ethnologue (sa wikang Ingles).
  6. Pineda, Ponciano B.P.; Cubar, Ernesto H.; Buenaobra, Nita P.; Gonzalez, Andrew B.; Hornedo, Florentino H.; Sarile, Angela P.; Sibayan, Bonifacio P. (Mayo 13, 1992). "Resolusyon Blg 92-1" [Resolution No. 92-1]. Commission on the Filipino Language. Nakuha noong Mayo 22, 2014. Ito ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Special Release No. 153: Educational Characteristics of the Filipinos" (sa wikang Ingles). National Statistics Office. Marso 18, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 27, 2008. Nakuha noong Oktubre 20, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (tingnan ang Pigura 6 at 7)
  8. Commission on the Filipino Language Act 1991, Section 2 (sa Ingles)
  9. Constantino, Pamela C. (Agosto 22, 2000). "Tagalog / Pilipino / Filipino: Do they differ?" (sa wikang Ingles). translated by Antonio Senga. Darwin, NT, Australia: Northern Territory University. Nakuha noong Mayo 22, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Rubrico, Jessie Grace U. (2012). "Indigenization of Filipino: The Case of the Davao City Variety" (sa wikang Ingles). Language Links Foundation, Incorporated – sa pamamagitan ni/ng academia.edu. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Batas Komenwelt Blg. 184 (Nobyembre 13, 1936), AN ACT TO ESTABLISH A NATIONAL LANGUAGE INSTITUTE AND DEFINE ITS POWERS AND DUTIES (sa wikang Ingles), inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-09, nakuha noong 2021-08-17{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Aspillera, P. (1981). Basic Tagalog (sa wikang Ingles). Manila: M. and Licudine Ent.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Kautusang Tagapagpaganap Blg.. 134 (Disyembre 30, 1937), PROCLAMING THE NATIONAL LANGUAGE OF THE PHILIPPINES BASED ON THE "TAGALOG" LANGUAGE (sa wikang Ingles), inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 24, 2021, nakuha noong Agosto 17, 2021 {{citation}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  14. "- Presidential Proclamations". elibrary.judiciary.gov.ph (sa wikang Ingles).
  15. "Ebolusyon ng Alpabetong Filipino" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 22, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Andrew Gonzalez (1998). "The Language Planning Situation in the Philippines" (PDF). Journal of Multilingual and Multicultural Development (sa wikang Ingles). 19 (5, 6): 487. doi:10.1080/01434639808666365. ISSN 0143-4632. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hunyo 16, 2007. Nakuha noong Marso 24, 2007.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Andrew Gonzalez (1998), "The Language Planning Situation in the Philippines" (PDF), Journal of Multilingual and Multicultural Development (sa wikang Ingles), 19 (5, 6): 487–488, doi:10.1080/01434639808666365, nakuha noong Marso 24, 2007.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Constitution of the Philippines 1987 (sa Ingles)
  19. "- Executive Orders". elibrary.judiciary.gov.ph (sa wikang Ingles).
  20. Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991), Commission on the Filipino Language Act (sa wikang Ingles), nakuha noong Nobyembre 5, 2014{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Resolusyon Blg. 92-1" (sa wikang Filipino). Komisyon ng Wikang Filipino. 13 Mayo 1992. Nakuha noong 2007-03-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Bible Gateway passage: Juan 3 - Magandang Balita Biblia". Bible Gateway (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Bible Gateway passage: Juan 3 - Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version". Bible Gateway (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)